Chapter 2

1629 Words
'Nag-resign na papa mo sa trabaho.' Hindi na ako sigurado kung ano ang mangyayari sa amin dahil wala na ang tindahan, wala pang trabaho si papa. Tuloy ay napapaisip ako kung magpapatuloy pa ba ako sa pag-aaral ng college. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko kaya hinayaan ko na lang muna. For the past 18 years, si papa ang dahilan kung bakit kami nakaka-survive. Ang tindahan na tumulong kay papa para makatulong sa bayarin ay sarado na rin at ngayon naman ay ang pag-resign ni papa sa trabaho. Grabe. Grabe maglaro ang buhay, sunod-sunod bumawi. Kahapon okay ka pa tapos ngayon, para ka ng pinagsakluban ng langit at lupa. We've been living our life at ease. Ngunit hindi pwedeng pabor lagi sayo ang panahon. "Para po!" Sabi ko at bumaba na. Gumilid muna ako saglit dahil marami pang sasakyan ang dumadaan. Habang naghihintay na bumagal ang takbo ng mga sasakyan ay nakita ko si papa sa kabilang side na naka-ngiti at naghihintay sakin. Bigla na lang pumatak ang luha ko. Tumalikod muna ako para punasan ang luha at pinakalma ang sarili. Nang maayos na ay humarap muli ako at kumaway. 'Konti na lang pa, ilang years na lang magiging maayos ulit buhay natin.' bulong ko sa sarili ko. I laughed at myself, talking and uttering such nonsense to myself. "Hindi ba ay may pasok ka?" tanong ko sa kaniya ng makarating ako sa pinaparadahan niya ng motor. Nagpanggap na lang muna ako na hindi ko pa alam ang balita. Umangkas na ako at ini-start na niya ang motor. "Nag-resign na ko." Diretsahang sinabi niya. Parang wala lang sa kaniya ang pagkawala ng trabaho. Siguro ay nahihirapan na siya sa trabaho niyang iyon. "Eh saan ka mag-aapply?" tanong ko sa kaniya. "Hanapan mo ko, sa f*******: marami namang nagpopost." sagot niya, tumango na lang ako. 50 years old na si papa at sa totoo lang ay more than 30 years na siyang nagtatrabaho. Family Driver at company driver ang lagi niyang trabaho. Nakapagtapos naman siya ng college ang kaso nga lang ay hindi niya ito tinuloy bilang isang trabaho niya. Ang kursong tinapos niya ay something about marines kumbaga seaman dapat siya. Hindi niya tinuloy ito dahil sa takot niya. Hindi seaman ang gusto niya, hindi rin naman namin alam kung ano ba talaga ang childhood dream niya. Napilit lang siya ng grandparents namin na kunin ang kursong iyon. Gaya ni Papa na hindi nasunod ang kursong pangarap ay tila ba naipasa iyon sa aming mga anak nila, na dapat sundin namin ang kursong gusto nila. Mahirap para sa aming suwayin ang kagustuhan nilang iyon dahil sila ang nagpapaaral sa amin at dahil na rin sa kakulangan sa pera. Hindi sana problema ang kukunin naming kurso sa college kung maayos pa ang buhay namin. "Rararides pa, mga rider sila na nagdedeliver ng mga goods from one customer papunta sa papadalhan ng customer mo." sabi ko sa kaniya ng makarating sa bahay. Ito agad ang inuna ko, hindi pa nga ako nakakapag-bihis. Kumakain na kami ngayon ng hapunan. "Oh sige, apply mo ko. Paano ba ang kitaan diyan?" tanong niya, interesado. Binasa ko muna ang mga instructions at ganon na rin kung paano ang kitaan. "Yung mga ibabayad sayo ng customer either cash or sa e-wallet ay sa'yo na at 20% naman sa mga kinita mo don ay mapupunta sa rararides para may kita rin sila syempre pero walang insurance ata dito like sss, pag-ibig, 'yung mga ganon." sagot ko, tumango-tango naman siya. "Apply mo na ako." sabi niya sa akin. "Hanapan mo rin pala ako ng trabaho na may insurance ha. 'yung family driver ganon." Dagdag niya, tumango naman ako. Nag-fill up na ako ng mga important information para makapag-apply na si papa. Ako naman ay dumiretso na sa taas para magbihis at magpahinga. Ang assignment ko ay gagawin ko na lang bukas sinces MWF naman ang pasok ko at TTHS naman ang kapatid ko. Nag pop up naman ang chat head ni Kiel. Palihim akong napa-ngiti, mahirap na at baka mahuli ako nila mama. Yes, somehow in our lives, we want to enjoy things in private. Not to avoid criticism from them, but we just needed time to learn, grow, and be part of someone else's life without them knowing. Para kasing 'pag alam naman ng mga malalapit sayo yung relationship mo, may iba na susuporta habang may iba naman na sisiraan ka at may iba naman na hihintayin yung pagbagsak mo o makagawa ng mali. Why can't we just have them their way instead of dictating them on what should they do? Hindi na tayo bata para kainggitan at siraan yung taong gusto lang maging genuine happy. 'Still up?' tanong niya sa akin. 'Yes, just doing some thinking.' sagot ko sa kaniya. 'Like?' agad na sagot nito. 'Wala, anyway, talk to you later. May gagawin lang ako.' sabi ko sa kaniya pero ang totoo, ayaw ko lang ng kausap. Isa pa to. When we needed some thinking or someone to talk to, that's the time na nilalayo natin ang mga sarili natin sa mundo. 'yung tipong may gustong kumausap satin, may gustong makinig satin pero ayaw naman natin. Ang nakakainis lang sa part na 'to ay bigla naman tayong magpaparinig sa mga post o shared post natin na kahit ang totoo ay tayo naman ang may kasalanan. 'You're shutting me out again HAHAHA.' reply niya. Hindi ko na ito ni-replyan pa. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Kasalanan din natin kung bakit minsan ay wala tayong nakakausap pag may problema tayo kasi tuwing nag re-reach out sila, lagi tayong nagtatago. "Matutulog ka na?" tanong ng kapatid ko, dala-dala nito ang bag niya. Dumapa naman ako at tinignan ang ginagawa niya. Nilabas niya ang lahat ng gamit niya sa bag niya. "Hindi pa."Sagot ko. "Anong hinahanap mo?" tanong ko. "Nawawala yung ballpen ko na binili mo. Nandito lang yon eh!" frustrated niyang sinabi. "Kunin mo don sa bag ko, may isa pa kong ganon. Bumili ka na lang ulit bukas." Natatawang sabi ko sa kaniya. Kahit papaano naman ay may ipon ako kaya nabibili ko yung mga kailangan namin magkapatid. Muling nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung anong notification yon. A message from Kiel, again. 'Hey, I know you're shutting me out again. I guess it's because you have problems pero I want you to know na nandito ako ha. Hindi mo kailangan magtago sa mundi tuwing may problema ko or tuwing malungkot ka. It's okay, show it. There's still some people who wants to talk to you or comfort you, okay? Nevertheless, I hope you're not struggling. I hope you're fine.' 'Thank you.' ang tanging reply ko sa sinabi niya. Sometimes, it is still better to have someone na makakausap mo pero kasi, hindi ako 'yung ganong tao. I want to keep every little thing about me private. Kaya minsan ay inaaway nila ako dahil sa ganitong ugali na nakasanayan ko na. "Eh sa wala na nga!" rinig naming sigaw ni papa sa baba. Nagkatinginan na lang kami magkapatid dahil nasanay na lang kami na nag-aaway sila palagi basta pera ang involve. Madali na lang siguro para sa iba ang buhay basta may pera ka. 'yung tipong balewala na lang sa'yo yung pag taas ng presyo ng bilihin, yung nabibili mo yung mga wants mo, at kung anu-ano pa. Minsan talaga ang sarap na lang ipamigay yung sarili sa mga mayayaman para lang guminhawa ang buhay. Sobra din naman kasi ang inggit ko sa kanila dahil nakukuha nila ang lahat ng gusto nila. Hindi rin naman kasalanan ng magulang ko kung bakit ganito ang buhay namin, walang may kasalanan. Siguro kung magkakaroon ako ng pamilya ay sisikapin ko talaga na maibigay sa kanila ang lahat ng gusto nila at ayokong maramdaman nila ang nararamdaman ko ngayon. Nag-vibrate ang phone ko kaya doon ko na lang tinuon ang pansin ko. Ang group chat namin magkakaibigan ay maingay na naman dahil may kwento raw itong si Kath. "Tawag ako, sagutin niyo!" chat ni Kath sa amin, pagkatawag niya ay agad ko namang sinagot. It takes 5 minutes bago makapasok sina Rachel at Erika. "Ano na naman? Hindi ka ba nagsasawa samin?" natatawang tanong ko sa kaniya, dinilaan niya lang ako. "Eh kasi nga hindi ba we will graduate next month, my mom planned a trip for us!" Naglakihan naman ang mga mata naming magkakaibigan. "Saan? Hindi naman ata kami papayagan!" Si Erika na sinang-ayunan naming dalawa ni Rachel. "Outing lang naman siya, somewhere in Batangas." Sagot nito, "And, don't worry. Sagot na raw ni mommy ang lahat at siya na rin daw ang magpapaalam sa mga parents niyo!" masayang idinugtong nito sa sinabi niya. "Wait, tayo-tayo lang ba?" Ayaw na ayaw kasi naming nagkakaibigan na may kasamang mga magulang dahil nga pagbabawalan kami sa lahat ng gusto naming gawin if ever na may kasama kami. "Yes!" She exclaimed. We talked about that trip for the rest of the night. One week daw ang balak nila para stress-free na talaga kami. Gift na raw iyon ng mommy niya sa aming magkakaibigan. Her mom always asking about us, Gusto nito ay lagi kaming nasa maayos na kalusugan. Minsan ngang nagkasakit si Kath, pinapunta niya kami doon sa kanila para samahan si Kath. Pagkatapos ay nag-serve ng sandamakmak na pagkain na para bang iyon na ang huling kain namin. In conclusion, nahawaan kami ni Kath. Si tita naman ay nagpadala ng sobrang daming pagkain sa mga bahay namin hanggang sa gumaling kami, feeling niya raw ay kasalanan niya iyon. Hanggang ngayon ay tinatawanan na lang namin ang pangyayaring iyon. Ayaw na ayaw niya rin na mag-aaway kami, pagsasabihan niya rin kami nang sobrang lala. Those were the good times I always reminisce. Napaka-genuine happiness ang hatid nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD