bc

The Childhood Dream

book_age12+
165
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
self-improved
drama
comedy
no-couple
highschool
friendship
poor to rich
slice of life
like
intro-logo
Blurb

A visionary set out on her ship in the hopes of making it a success.

Kate is a family oriented and a young dreamer. She has both beauty and brains. Her childhood dream was to become a chef and to this day, she still wishes to do so. However, Her family's business goes bankrupt, her life plan falls apart, and she decides to work as a freelance writer while studying to financially support her family.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Back when we were a kids, we always have a different dreams. It started from playing this and that and eventually, nagugustuhan natin siya at unti-unti nating binubuo ang pangarap natin na ito. We were often asked, "What do you want to be sa paglaki mo?", kaniya-kaniyang sagot naman tayo ng doctor, teacher, police, pilot, chef, etc. But, little did we know that we will hold on to that dreams of ours until the moment, that we will have a chance to pursue them. Our dreams constantly changing dahil nga sa bata pa tayo at kung ano ang mga kinahihiligan natin, gagawin naman nating pangarap na gustong matupad.Some dreams were meant to happen and some dreams remained as just a childhood dream. I was one of those kids who constantly changing their dreams and I am also that kid which dreams remained as childhood dreams. Probably that was the devasting moment of my life that happened to me and I can't change the fact that I am still holding on to my childhood dream waiting for the right time to pursue it. Sometimes I wonder, what if money isn't the problem at all? Will anyone have the chance to pursue their dreams? Will anyone never forget what was their childhood dreams? I also think that the most important part of our life is growing. Growing from the things you used to live with but, suddenly vanished from the thin air. Growing from the way life blessed you and caress you with its blessings, growing apart and leaving all your past memories to become who you are now. And Life is a roller coaster ride that we've been riding for our whole life makes us experience the highs and lows of it. Nonetheless, we always earn a new lesson as well as experiences. We can start now based from pur experiences and not from scratch. We can take those memories and dreams with us through our journey. "Kate, ano nga pala ulit yung pangarap mo?" tanong sakin ng kaibigan ko. Oo nga pala, uso pa rin pala ang mangarap. Hindi ko rin kasi talaga alam kung ano nga ba ang gusto ko. "To be a successful chef someday, of course." Sagot ko sa kanya ng naka-ngiti. Iyon naman kasi talaga. Ang kaso nga lang ay hindi pabor sakin ang tadhana. Our store went bankrupt because of the unpaid bills and debts. Naging dahilan iyon para maghirap kami ngayon. Sabi nila masama ang maging sobrang saya dahil may kapalit daw ito, tingin ko nga ay tama sila. I started to believe it kaya ayon, kino-control ko ngayon ang sarili ko na iwasan ang maging sobrang saya dahil babawiin din naman agad. "Kukunin mo yan sa college?" tanong niya ulit. Umiling naman ako. "No, I'll take accountancy. Kaya nga ABM ang strand ko ngayon." Sagot ko sa kanya. Practicality. Accountancy na lang daw ang kunin ko sa college sabi ng parents ko dahil may pera daw agad doon samantalang ang pagiging chef ay pahirapan daw. I don't have any complaints because I started to like studying accountancy yet I am still not happy. Siguro ay magiging masaya lang ako kung chef ang kukunin ko, kung magiging chef ako. Ang hilig ko sa pagluluto ay gusto ko maging profession ngunit dahil sa kakulangan sa pera, ang pangarap na iyon ay unti-unti nawawala. I think it's better to keep that dream as a memory of my childhood. Na minsan sa pagkabata ko ay naranasan kong mangarap ng totoo, na minsan hindi lahat ng pangarap mo ay natutupad. "Hoy! Bakit bigla ganito naging usapan?" tanong ko sa kanila. Nakatambay kami ngayon sa room, lunch time kasi namin. Naisipan lang naman nila na maglaro ng UNO Cards nang patago dahil bawal ito sa school namin, kahit may cctv at may mga umiikot na studeny council ay nakakagawa pa rin kami ng paraan para makapaglaro lang. "Eh tinago na nila yung card tsaka no choice naman tayo kung 'di ang magdaldalan." sagot ni Kath. "Pero alam niyo, ang korni lang ng buhay. Yung iba nakukuha nila mga gusto nila samantalang tayo, pagkuha lang ng desired course natin eh ikukumpara na agad tayo." seryosong sinabi ni Matt. Kami naman ay tumatango-tango lang bilang pag sang-ayon sa sinabi niya. "Tara, shot!" nagtawanan naman kami bigla dahil sa sinabi ni Erika. Umayos na kami ng upo dahil dumating na ang teacher namin. Imbes na makinig ako ay nakatulala lang ako sa bintana. Life will take a toll on all of us in an unexpected time. Tipong nananahimik ka lang tapos magugulat ka, biglang wala na pala sayo 'yung mga naipundar mo. Tatlong oras ang lumipas, uwian na. Lahat kami ay nagmamadali dahil malapit nga lang ang SM sa school namin, malamang ay doon ang punta naming lahat. Bukod sa malapit ang school namin sa SM, doon din kasi ang babaan namin dahil kailangan pa namin mag tricycle mula school papuntang SM. Simula naman sa SM hanggang sa terminal ng jeep. Nakita ko ang ilang mga kaibigan ko noong junior high school. Mula sa mga uniform nila ay hinuhulaan ko kung saan sila pumapasok. "Sa St. Jude ka pumapasok?" tanong ko kay Jess, confirmation lang. "Oo, halos lahat ng ka-schoolmates natin noong junior high school ay nandoon sa school na pinapasukan ko." sagot niya. Ang school nila ay may tuition fee samantalang sa amin ay wala ngunit pareho naman itong private. Ang pinagkaiba lang ay free tuition kami dahil sa voucher habang sila ay discounted lang ang tuition fee. "Una na kami ha, see you soonest!" paalam niya, nagmamadali. Kumaway lang ako sa kanya at ngumiti. I guess everyone now is busy fighting for their dreams, busy with their study, and I'm just wishing them the best na sana hindi masira ang mga plano nila sa buhay. Dumiretso na ako ng terminal ng jeep habang yung mga kasama ko umuwi ay tumambay pa sa SM. Mahaba ang pila. Uwian na rin kasi ng mga workers kaya ayon, puno na ang terminal at nauubusan ng jeep. Napatingin naman ako sa tumapik ng balikat ko. "Oh, Hi!" bati ko sa kaniya na abot-abot tenga ang ngiti ko. "Wala kang kasama?" tanong niya sakin, umiling naman ako. Kasunod ko siya sa pila. Lumingon ako sa likuran niya ngunit wala rin siyang kasama. "Wala eh, nasa SM pa. Wala ka ring kasama?" pabalik na tanong ko. "Tinakbuhan ko, nagbabalak mag-arcade eh." kibit-balikat na sagot nito. His name is Kiel, we both like each other. Kumbaga may mutual understanding kami pero no label relationship. He likes me since when we were on our Grade 9 and my feelings just develop when we were on Grade 10. He admitted that he likes me on our 9th grade and I in 10th grade. We go to a different school, sa St. Jude siya at sa Notre Dame naman ako. But, since then, we never lost communication. We update each other on our daily basis, supporting each other, and that's it. We never talked about being committed to each other. I don't know why, it just seems like both of us are not ready to be in a relationship. "Sabay na tayo." aya niya, tumango at ngumiti lang ako bilang sagot. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko, tinignan ang oras. 5:45 na pala, dapat ay bago mag 6 nasa bahay na ako. Iyon ang usapan namin ni mama pero P.E day kasi namin ngayon at 5 pm din ang uwian. Binalik ko sa bulsa ko ang phone. Nagtingin-tingin ako sa paligid dahil nagugutom na ako. May nakita naman akong bilihan ng mga street foods. "Pila ka lang dito, bibili ako pagkain. Gusto mo rin?" tanong ko sa kaniya. "Ikaw pumila dito, ako bibili pagkain." Sabi niya at binigay niya sa akin ang dalawang librong hawak niya. Habang umuusad ang pila ay nakatingin lang ako sa kaniya. I want to be in a relationship with him. Yes, I'm afraid of commitment. Sino namang hindi diba? Ang kaso nga lang ay hindi pwede, we have different religion. "Eto na." abot niya sa isang baso ng fish ball na may halong kikiam, bumili rin siya ng chocolate juice. Inabot ko sa kaniya ang bayad ko pero tinanggihan niya ito. "Ako na lang magbabayad sayo sa jeep para fair naman." Sabi ko, aapila pa aana siya pero tinalikuran ko na siya. Finally, nakasakay na rin kami. Ang phone ko ay biglang nag-vibrate kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. "Ano?" tanong ko sa kabilang linya, Si Erika. "Saan ka?" tanong niya. Naniningil na yung konduktor ng jeep, inabot ko naman yung bayad naming dalawa. "May kasama ka?" tanong niya ulit. Hindi pa nga ako nakakasagot sa una niyang tanong. "Pauwi na ko at kasama ko si Kiel, nagkita kami sa pila." Sagot ko sa kaniya. Kilala ni Erika si Kiel dahil dati namin itong kaklase habang ang ilang mga kaibigan ko ay nakilala lang si Kiel dahil sa kwento namin. "Gaga ka, Bakit mo kami iniwan? Naghahanap sayo si Rachel eh." Sabi nito sa akin. Kinuha ni Kiel ang baso at plastic na hawak ko, parehong walang laman. Tinignan ko siya at tinuro niya lang yung basurahan, tumango ako. "Hoy, excuse me! Nagpaalam kaya ako at um-oo lang kayo tsaka diba sabi ko sa inyo, may gagawin pa ko sa bahay." Pagpapaliwanag ko. "Well, Anyway, ingat! Sana masaya kayo ni Kiel dyan sa jeep!" sabi nito at pinatay ang tawag. Natatawang tinignan ko naman si Kiel at busy siya sa kaniyang phone. Ganon na rin ang ginawa ko dahil wala naman kaming pag-uusapan. Sa totoo lang ay napapaisip pa rin ako sa kurso ko para sa college kasi iniisip ko na baka hindi ko kayanin lalo na at napilit lang naman akong gawin ito. Sadyang naiinggit talaga ako sa iba dahil nasusunod ang gusto nila. Ewan ko ba at hinihiling ko na lang na sana yumaman kami para hindi na problema ang pera. Tingin ko kasi ay primary problem ng mga tao ang pera. Lalo na sa panahon ngayon ay ang mamahal ng mga bilihin ngunit kulang na kulang naman ang budget. "Para po!" Si Kiel. Tumingin ito sa akin at pabulong na sinabi ang 'ingat'. Ngumiti naman ako sa kaniya at kumaway. Binuksan ko naman ang cellphone ko at may message agad ito sa akin. "Ang lalim ng iniisip mo baka malunod ka. Ingat!" napa-ngiti naman ako sa message niya. Magrereply na sana ako sa message niya ng mag pop up ang chat head ni mama. "Nag-resign na papa mo sa trabaho."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.1K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook