Chapter 14
He is the older brother of Dominique. Kung gwapo na si Dom, mas gwapo itong si Kuya Ralph!
Napaka-manly lang ni Kuya Ralph, the way he dress himself, the way he talks, he smile, his body with I'm sure that has 6 pack abs, his face, just everything about him is perfect.
He is good with everything. As far as I remember, he graduated c*m laude at UP. Had his first work at New York as Manager, nag- ibang bansa kasi kaagad siya after niya makatapos. For now, hindi ko alam kung anong status nila.
Kuya Ralph is the best buddy of Dominique, lagi silang magkausap tungkol sa lahat ng bagay. Alam nilang dalawa ang lahat-lahat tungkol sa isa't-isa ngunit hindi ko lang alam sa ngayon.
Iginiya niya ako pabalik sa upuan namin kanina. Katabi ko si Kuya habang si Dom ay nasa harapan naman namin nakaupo.
"Pumayat ka!" bati niya sa akin after scanning me.
"No! Tumaba nga ako eh." sabi ko sa kaniya, natatawang umiling ito sa akin.
"We've been watching you for almost 3 months, we knew what changed and did not changed."
"Stalker kayo ha!" Natatawang sinabi ko.
"Etong kapatid ko eh, masyadong mapilit. Hindi rin naman kami makatiis kasi ikaw lang din nakikita namin na naging dahilan ng changes niya. Ikaw lang din ang nakikita namin na makakasama niya sa future." Seryosong sagot niya, nawala naman ang ngiti ko.
It feels good to have your man's family rooting for your relationship, rooting for your success. I can't deny the fact na hinahanap-hanap ko lagi ang pamilya niya dahil doon ko lang nararamdaman yung warmth and love.
I know what happened to us was all childish but, his family were always there to support us. They never failed to show love and support towards us and with that, I am afraid that I might disappoint them.
I am really not confident enough to get back to him although he shows sincerity, I can't guarantee to myself that maybe he's really serious or maybe just an act.
Yes, nandito siya. May closure na kami tapos nakapag-catch up na and all pero still, that's not enough reason to fully trust him.
I do trust his family, their intentions were pure and they never failed us. However, knowing Dom, I still give him the benefit of the doubt.
And I won't ever let myself commit the same mistake again. Uulit-ulitin kong sabihin ito sa sarili ko para hindi ako bumigay sa kaniya.
"Bakit? Anong problema?" tanong ni Dom, pilit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya.
"I am afraid that I might disappoint you and your family. You show me sincerity, you even brought kuya Ralph to show that you're serious. But, I am still not ready to be in a relationship. I have a lot of stuffs to do, I need to focus on my study, I need to provide for my family and myself and I am afraid that I can't give you the time and attention you need." Mahabang paliwanag ko sa kanila.
Natahimik silang dalawa sa sinabi kong iyon, nawala ang bahid ng tuwa sa mukha ni kuya Ralph. He didn't expect it, we didn't expect na ganon ang sasabihin ko.
"Come on, we're not kids anymore. Naiintindihan ko na may mga responsibility at priority tayo na dapat gawin pero hindi kita pinipilit na ibigay sa akin ang mga iyon. I am willing to wait for you, okay? Hindi kita hahadlangan kahit kailan na abutin ang mga pangarap mo, I will help and support you." Sagot ni Dominique sa akin. He hold my hand once again and look straight into my eyes, the sincerity shows up.
"You look more beautiful when you're focus on achieving your dreams. Forget about everyone and everything, stay on your lane and fight for your dreams. Okay?" naka-ngiting sinabi nito sabay halik sa likod ng palad ko.
Inalis ko ang dalawang kamay ko sa pagkakahawak niya, hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon.
Oo, natutuwa ako sa nangyayari pero masyadong mabilis ang lahat. Ayokong may kahit na ano o sino ang magiging hadlang sa akin. Kahit alam ko namang hindi talaga ganoon ang pakay nila pero sarili ko ang nakasalalay dito.
Hindi nila kasalanan, kasalanan ko. Kasalanan kong pagtutuonan ng pansin ang ibang tao kaysa sa iba, kasalanan kong unahin sila kaysa sa akin at ayokong mangyari iyon.
"Ehem! Ehem!" Napatingin kami nang sabay kay kuya Ralph, "kumati lang lalamunan ko, intense!" pabiro nitong sinabi ngunit wala sa aming dalawa ang tumawa doon.
"By the way, need mo ng work?" tanong ni Kuya Ralph, umupo ako nang maayos at seryosong tumingin sa kaniya.
"I am currently working at publishing company and we're looking for aspiring writers..."
"If you're interested, I'm willing to hire you. Hindi mo kailangan na pumunta sa offices, we can set you up ng meeting via zoom. Don't worry, flexible naman ito. You don't need to worry about sa school mo."
"Ano po mga kailangan kong ipasa?"
"Yung mga government insurances like sss ganon tapos resume for formality lang."
"Ano po mga susulatin ko?"
"Stories, it's up to you kung anong genre. Kaming bahala mag-advertise ng stories mo and all. One strict rule lang."
"Ano po?"
"Kung anong time and date ang ibigay ng editor mo para ipasa ang chapter, kailangan mong sundin. Oras kasi ang kalaban natin dito."
"Bakit po?"
"To avoid delays at workloads. Ang hirap kasi na sabay-sabay lahat."
"Sakto po, I do write for fun. I can send it to you po!"
Well, this is great. Hindi ko na kailangan pa mag-sacrifice ng time at pera sa paghahanap ng trabaho. Kung kaya ko naman ito, dito na lang din ako.
"May kapalit po ba ang pagtulong niyo sa akin?" tanong ko, alam kong nakaka-offend iyon pero kailangan kong alamin.
Baka isang araw, magising ako na wala na naman sa akin ang lahat. Mamaya rin baka ang kapalit nito ay ang maging kami ni Dominique kahit alam kong napaka-imposibleng mangyari iyon.
"No, I am talking to you as one of the editors in the company. I don't take my personal life at my work." seryosong sinagot nito, tumango naman ako sa kaniya.
"Ah, excuse me. I'm here!" Tinignan lang namin siya.
Umayos kami ng upo ni kuya. Nagtinginan pa kami at kinindatan niya ako, isang malaking ngiti naman ang iginawad ko sa kaniya.
Muntik man kami magkaroon ng iringan ni kuya ay hindi naman naalis ang pagiging sobrang malapit naming dalawa.
I never feel so happy for the last few weeks, All I received was stress and pain. Thanks to kuya Ralph, I get a job.
"Sa contract mo, kung may suggestion ka, you can tell me para include din natin doon. Basta pag-usapan natin lahat iyon sa meeting!" excited na sinabi nito, tumango lang ako.
"Well, then. Uwian na! Naubos pa namin 'yung oras mo. Hatid ka namin?" si kuya, umiling lang ako.
"No need na kuya, mahirap na ma-issue doon sa amin. Ipapakilala ko rin po si Nikki kapag okay na po ang lahat sa bahay." Pahayag ko, sumilay naman ang ngiti sa mga labi ni Dom.
Nikki is his nickname sa bahay nila, Dom naman kapag friends niya ang tumatawag sa kaniya. In-allow niya ako na tawagin ko siyang ganon.
I am not sure kung maipapakilala ko ba talaga siya kahit na wala naman kaming ugnayan at kung magkakaroon man kami ng ugnayan, hindi ko alam. Siguro, I will take my time to fully understand and to fully decide sa lahat.
"Thank you kuya for the opportunity! Hindi ko sisirain name at trust mo!" Dugtong ko, natawa naman siya dahil sa sinabi kong iyon.
It is my first time having someone give me the opportunity to work with them. Sa ilang beses akong lumapit sa mga kakilala ko at kamag-anak, wala akong na-received na kahit na anong tulong.
Sobrang thankful talaga ako kay kuya Ralph dahil dito. Hindi ko na kailangan pang magpunta sa kung saan-saan para lang mag-apply. This is really a blessing in disguise!
Hinatid nila ako sa terminal ng tricycle kahit na sobrang lapit lang nito sa terminal, they wanna see me na makasakay at makaalis.
"Thank you ulit, kuya ha!" pang-ilang beses ko na sinabi sa kaniya ito, yumakap ako sa kaniya.
"Prove to me that you're worth the job, okay?" He caress my back as he said it, humiwalay siya sa yakap pagkatapos ay kumaway paalis. Iniwan niya kaming dalawa ni Dom.
"I'll wait you in the car!" pahabol na sigaw nito kay Dominique.
"So, are we back together?" nahihiyang tanong niya sa akin, bahagyang namula ang pisngi. Napakamot din siya sa kaniyang batok.
"No, both of us are still in the process. We shouldn't disregard the fact the we have responsibilities, Let's all take things slowly." Naka-ngiti kong sinabi sa kaniya.
Finally agreeing to what he wants. I can't help it, he still holds a special place in my heart. He will always be my first love as I am to him.
I am so contradicting. Sobra akong naguguluhan at hindi ko maintindihan ang kung anong dapat gawin. Baka mabaliw ako nito sa kakaganto ko mag-isip.