PINAGBUKSAN pa siya ng lalaki ng pintuan nang maiparada nito ang sasakyan sa parking area ng building. Sabay sila naglakad patungo sa elevator na nasa basement. Hinapit nito ang kanyang kamay at pinagsaklop nito ang kanilang mga palad. Hindi naman siya tumutol pero tumingin-tingin siya sa paligid baka may makakita sa kanila na kakilala niya. Walang tao sa basement at wala silang kasabay nang bumukas ang lift. Inakbayan pa siya nito nang nasa loob na sila ng elevator at hinagkan ang kanyang noo. “Yuan, baka may makakita sa atin,” sabi niya. “Wala namang tao, ah. Sino bang makakakita?” anitong nakangiti. “Eh, mamaya ‘pag nagbukas sa ground floor.” Kumalas siya sa lalaki nang bumukas ang lift sa ground floor. Halos mapuno ang elevator kaya mas lalo silang nagkadikit ng lalaki. Nakahawa

