ALAS-KUWATRO pa lang ng umaga ay gising na si Faith. Dapat ay alas-singko pa siya gigising, nauna pa siya sa kanyang alarm clock. Iniisip niya kung talaga bang nakatulog siya, dahil tila kay babaw ng kanyang tulog at parang napapanaginipan pa niya si Yuan. Pakiramdam tuloy niya ay gising siya buong magdamag. Inabot niya ang kanyang cellphone na malapit sa may lampshade katabi ng kanyang kama. Natuwa siya nang makita niya na may message galing kay Yuan. Yuan: "I just got here. Good night, baby. I know you're asleep, see you tomorrow. I Love you!" Hindi niya ito nabasa kagabi bago matulog. Napangiti siya, hindi na lang niya ito sasagutin baka sabihin ay excited siyang mag-text. Yuan: “Good morning, baby! You should still be sleeping, it’s only 4 am.” Nabigla siya nang mabasa niya, nak

