CHAPTER 18

2551 Words

NASA parking area na si Faith nang biglang may humila sa kanyang siko na iginagulat niya. Muntik na siyang mapasigaw. “Yuan?” Napangiti ito sa kanya. “Ihahatid na kita, sumakay kana,” anang lalaki. Magkatabi lang pala na nakaparada ang kanilang sasakyan. “P-pero—” tatanggi pa sana siya. “Wala ng pero-pero, sumakay kana,” pinagbuksan siya nito ng pinto. “Paano ang kotse ko?” “E, di iwan mo na lang muna riyan.” Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang lalaki. Pumasok na siya sa sasakyan at isinara na nito ang pinto. Ano na naman kaya ang pumasok sa isipan ng lalaking ‘to at naisipan akong ihatid, sa loob-loob niya habang binabagtas nila ang kahabaan ng kalsada, mabuti at wala gaanong traffic. “Bakit mo naman ako ihahatid? ‘Tsaka pa’no ako makakapasok bukas wala akong kotse,” tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD