CHAPTER 2

3193 Words
  PAGKATAPOS ng masamang panahon kagabi ay bumungad ang napakagandang sikat ng araw kay Yuan. Lumabas ng veranda si Yuan upang doon na lamang uminom ng hot tea. Dala ang kanyang camera ay kinuhanan niya ang napagandang baybayin ng isla, na abot tanaw lamang mula sa veranda ng rest house.  Once a year lamang siya kung umuwi sa Pilipinas, at dito siya dumeretso sa isla. Kaya naman sinusulit niya ang kanyang bakasyon, bago niya harapin ang mga problemang nakaabang sa kanya pagbalik ng Maynila.    Pinaghahandaan niya ang kanyang pagbabalik sa kompanya, sa mansiyon at ang paghaharap nila nang hindi pa nakikilalang adopted daughter ng kanyang daddy.  May poot siyang nararamdaman sa tuwing maaalala niya ang naging pangalawang pamilya ng kanyang daddy.  Hindi niya maiwasang maghinanakit sa ama kahit na pumanaw na ito.   Flashback  “Punong-puno na ako sa mga kasinungalingan mo, Rodolfo! At talagang ikinuha mo pa ng bahay ‘yong kabit mo! Tapos malalaman kong may anak kana pala sa kanya!” galit na sigaw ni Lucy sa asawa. “Hindi ko anak ang batang ‘yon, Lucy! Ampon lang siya!” anang Rodolfo “Ah! Talagang hindi pa kayo nakontento, umampon pa kayo? This is too much to bear, Rodolfo. Aalis na kami ng anak ko at hinding-hindi mo na kami makikita pa! Magpakasaya kayo ng babae mo!” umiiyak na sabi ni Lucy. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Kaya pala palaging nag-aaway ang kanyang mommy at daddy. May ibang babae ang daddy niya at may ampon pa ito? Kumubli siya sa isang sulok upang hindi siya makita ng mga ito. “Aalis na kami ni Yuan!” “What? Hindi mo p’wedeng ilayo sa akin ang anak ko, Lucy!” “Mamili ka, Rodolfo! Lalayo kami ng anak mo, o idedemanda ko kayong dalawa ng babae mo!?” Tila dumilim ang mukha at natigilan si Rodolfo sa narinig. Napatingin ito sa gawi niya at tila namutla nang makita siya. “Yuan, anak?” kanina ka pa ba d’yan? tanong ni Rodolfo nang makita siya na nakakubli sa isang sulok. “I hate you, Dad!” bigla siyang tumakbo patungong hardin. Doon ay ibinuhos niya ang kanyang galit at pag-iyak. Sa murang edad ay nauunawaan na niya ang lahat.   Biglang naputol ang kanyang imahinasyon nang dumating si Aling Flora. “Sir, ito na po ang tsaa n’yo.” Inilapag ng ginang ang tasa sa isang lamesita. Nagpatuloy siya sa pagkuha sa angulo ng baybayin. “Sir, bakit naman napaka aga niyong gumising? Eh, wala naman kayong gagawin,” anang ginang. “Ganun talaga, Aling Flora, sa States kasi hindi ko naranasan ang ganito.  Maganda kasi dito kaya lagi akong excited.” “Eh, kung nag-aasawa na lang ba kayo, Sir, di sana may kasama na kayo tuwing magbabakasyon dito sa isla.” Lumingon ang lalaki kay Aling Flora at bahagyang napangiti. “Naku! Aling Flora, hindi ko pa nakikita ang babaeng gusto kong pakasalan,” anito. “Ibig sabihin wala pa kayong naging nobya, Sir?” usisa ng ginang.  Sadya talaga itong madaldal si Aling Flora. Hindi ito nag-aalangan na tanungin ang binata. “Hmm…meron naman kaya lang pare-pareho lang sila, ni hindi marunong magpakipot.  Ewan, ko ba kung bakit? Magkatinginan lang kami ay nagkakagusto na sa akin at ang ending ay nakukuha ko sila within that day,” sabay napangiti ang lalaki. “Susmariyosep kang bata ka. Napaka-playboy mo naman pala. Mabuti na lang at hindi ako nagka-anak ng babae.” “Aling Flora, naman masyadong malisyosa. Ibig ko hong sabihin nakukuha ko agad ang puso nila,” dugtong nito. “Ano ba kasi ang hinahanap mo sa isang babae, Sir?” “Simple and beautiful…’tsaka ‘yong nahihirapan ako.  ‘Yong hindi agad nagkakagusto sa’kin.  ‘Yon bang hindi naga-gwapuhan sa akin at sinasabihan ako ng pangit, mga gan’ong tipo.” Tumawa ito at muling pinihit ang lens ng camera para kuhanan ang dalampasigan. “Aling Flora, parang may tao sa baybayin,” pansin nitong napahinto sa pagpihit ng camera at tiningnan iyon sa malayo. “Ha? May tao ba kamo? Sino? Wala naman tao dun ah!” Pagtataka ng ginang na lumapit sa lalaki at tiningnan ang direksiyon na tinutukoy nito. “Ito oh, nahagip ng camera,” anang lalaki na ipinakita sa ginang. Nanlaki ang mata ng ginang nang makita ang tila isang babae na nakahandusay sa dalampasigan. “Oo nga ano. Sino kaya iyan? Mukhang patay na!” anang ginang.  Dali-daling inilapag ng lalaki ang camera sa lamesita. Pagkatapos ay bumaba ng veranda at tumakbo patungong baybayin.      Nakita niya ang isang babae na tila dinala lamang ng alon sa dalampasigan, mukhang wala  na itong buhay. Posibleng nalunod ito. Kaya naman agad niyang siniyasat ang pulso ng babae. May pulso pa ito. Ibig sabihin buhay pa ang babae. Agad na isinagawa niya ang CPR ng makailang beses. Humihinga na ang babae pero tila hinang-hina ito at halos walang malay. Umuungol lang ito.  May mga galos din ito sa pulsohan na tila bakas ng pagkakatali. Kapansin-pansin din ang sugat nito sa kanang braso, bagama’t maliit lang ay sa tingin niya’y daplis iyon ng bala.  Tinatawag niya si Tiyo Cadyo upang tulungan siya pero mukhang hindi siya nito naririnig. Kung kaya’t binuhat na lang niya ang babae. Nakasalubong niya ang natatarantang si Aling Flora na hindi malaman kung ano ang gagawin.  Dinala niya ito sa isang bakanteng silid at ihiniga sa kama. “Aling Flora, ikaw na muna ang bahala sa kanya pakilinis ang mga sugat niya at pakipalitan mo na rin siya ng damit,” anang lalaki. “Pero, Sir, sigurado kang buhay pa ‘yan?” hindi maalis ang takot sa mukha ng ginang. “Oo naman. Narinig kong umungol siya kanina. Saka humihinga pa ‘yan kaya hindi natin p’wedeng pabayaan.” “Sige, Sir, ako na po muna ang bahala sa kanya,” tugon ni Aling Flora.     Habang magkausap sila ni Tiyo Cadyo kanina ay naging palaisipan kay Yuan kung sino ang may kagagawan ng ganoon sa babae.  Tila wala namang ibang tao sa isla, bukod sa isang malaking bahay sa burol na pag-aari din ng isang  foreigner at mangilan-ngilan na resthouse. Bukod doon ay wala na siyang kilala na puwedeng gumawa noon sa babae. Hindi naman siguro simpleng mangingisda lamang ang gumawa niyon dahil mababait naman ang mga mangingisda sa lugar.       Inasikaso ni Aling Flora ang babae. Pinalitan nito ng damit ‘tsaka nilapatan ng first aid ang mga galos at sugat nito. “Kilala mo ba kung sino sya?” tanong ni Yuan kay Aling Flora nang matapos  nito mapalitan ng damit ang babae. Wala pa rin itong malay. Sa tantiya niya ay nasa bente tres hanggang bente singko ang edad ng babae. Maputi ito, may katamtamang taas at mahaba ang buhok.  Kung hindi siya nagkakamali ay may nagtangka sa buhay nito. Hindi niya maitago na pagmasdan ang magaganda nitong kutis. “Hindi, Sir. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya, malamang hindi ‘yan tagarito. Sino naman kaya ang may gawa sa kanya nito? Kinakabahan tuloy ako, Sir. Baka mamaya may humahabol sa kanya at malaman na dito s’ya dinala, tayo naman ang malagay sa panganib!” takot na wika ng ginang. “Kalma lang ho kayo, Aling Flora, nandito naman ako,” kunot noong sabi nito na tila kay lalim ng iniisip. “Hay! Ikaw talaga, Sir Yuan. Hindi ko magawang kumalma. Papano kung marami sila?” “You see this?” Napabulalas ang ginang nang makita nito ang kanyang hawak. “Ay, Diyos ko po! May baril kayo, Sir!” Kinuha niya ito kanina sa kanyang silid habang inaayos ni Aling Flora ang babae. Pati yata siya ay nadala sa pagkataranta nito. “Aling Flora, kalma lang ho kayo. Hindi naman ito puputok kapag hindi kinalabit. Proteksiyon ko lang ‘to. Teka, ngayon lang ho ba kayo nakakita ng baril?” “Ay, oo naman! Kaya puwede ba, Sir Yuan, itago mo muna iyan baka himatayin ako sa nerbyus!” tarantang pakiusap nito.  Napangiti na lang ang binata at itinago ang baril sa isang maliit na kahon. “Andito naman ako at si Tiyo Cadyo kaya wala kayong dapat ipag-alala,” sabi nito sa ginang. “Sige na, Aling Flora, bumalik ka na lang sa kusina at magluto. Ako na lang magbabantay sa kanya. Hihintayin kong magising siya,” aniyang umupo sa gilid ng kama. “Hay, naku, Sir, kinakabahan talaga ako!” “Sige na, Aling Flora, ako na bahala rito.” Pilit na napatango na lang ang ginang at lumabas na ito ng silid.     Iminulat ni Faith ang kanyang mga mata. Hindi pamilyar ang lugar na ito sa kanya, tila wala siyang maalala kung nasaan siya.  Napabalikwas siya nang maalala ang mga nangyari kagabi.  Pero agad na bumalik sa pagkakahiga dahil sa kirot ng kanyang mga sugat.  Hirap siyang igalaw ang buong katawan. Masakit ang mga ito at hinang-hina siya. “Huwag kana muna bumangon kung hindi mo pa kaya,” sabi ng baritonong boses. Muling umusbong ang takot nang maalala niya ang mga kalalakihang dumukot sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa kisame. “Maayos na ba ang pakiramdam mo, Miss?” boses na nanggaling sa gawing kaliwa ng kama. Nilinga niya ito at bumungad sa kanya ang mukha ng isang magandang lalaki, pero medyo malabo ang paningin niya. Napakurap-kurap siya. Hindi niya kilala at ni isang salita ay wala siyang maisip na sabihin.  Takot ang kanyang nararamdaman.   “Ako si Yuan. Ikaw, ano’ng pangalan mo, Miss?” tanong ni Yuan. Ngunit nanatiling tahimik ito. “Miss, Okay ka lang ba?” tanong ulit niya. Pero nakatingin lang ang babae sa kanya. Mabilis tuloy niyang naisip na baka nagka-amnesia ang babae kaya hindi nakapagsasalita.  Mas maganda pala ito kapag nakadilat. Napakaamo ng mukha na tila ba’y napakainosente. May mahabang buhok ito na tila mala diyosa ang ganda. Hindi n’ya tuloy maiwasan na isiping baka totoo nga ang mga haka-haka sa lugar na  mayroon daw mga sirena.  Saglit na parang may nambatok sa kanyang imahinasyon. Sirena ba kamo kalokohan! Napangiti na lamang s’ya sa kanyang isipan dahil kailanman ay hindi pa siya nakakita ng sirena. Isa pa, hindi siya naniniwala sa mga kathang isip. ”Nasaan ako?” mahinang tanong ng babae. Natuwa siya nang magsalita ito. “Ligtas kana, nandito ka sa bahay ko. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya. “Papatayin nila ako! Papatayin nila ako!” nanginginig na sambit ng babae balisa ito at takot na takot. “May gustong pumatay sayo? Sino?” tanong niya.  “Papatayin  nila ako! Tulungan mo ako!” Kitang-kita niya sa mga mata nito ang takot. “Miss, ligtas kana. Ako ang nakakita sayo sa dalampasigan. Saan ka ba nanggaling at paano ka nakarating dito?”  Tumingin sa kanya ang babae. “Kagabi, habang nasa Virgin Island Resort ako, may mga kalalakihang dumukot saakin. Pinilit nila akong isinakay sa bangka, pero nang makahanap ako ng tiyempo ay tumalon ako.  Hindi na nila ako nakita dahil madilim. Pero nagpaputok sila ng baril.  Ang huli kong naalala ay may tumulong sa akin na isang mangingisda. Pero dahil sa sama ng panahon kagabi nasira ang bangka namin. Hindi ko na maalala kung nasaan na ang kasama ko. Basta ang alam ko katapusan ko na kagabi!” Hindi na nito napigil ang pag-iyak matapos magkuwento. Nakaramdam siya ng galit sa mga gumawa no’n sa babae. Sana ay nandoon siya para iligtas ito. “Alam ko ‘yong Virgin Island Resort, nasa kabilang ibayo ng isla iyon. Parang ngayon lang yata nangyari na may nadukot na turista roon. But don’t worry ligtas ka na,” panigurado niya.   Tila nakahinga nang maluwag ang babae napalitan ng pag-asa ang pangambang bumabalot sa mukha nito. “Salamat sayo,” sambit nito. “You’re welcome,” nakangiting tugon niya. “May tama ka ng bala sa braso, pero ‘wag kang mag-alala daplis lang iyan.” Tumingin ang babae sa brasong nakabenda na ng puting tela. “Salamat. Utang ko sa’yo ang buhay ko,”  mahinang sabi ng babae. “Wala iyon, saka ka na lang magpasalamat kapag naging okay ka na. Ano nga pala pangalan mo?” tanong niya. “Faith,” tugon nito. “Faith…” pag-uulit niya na medyo naningkit ang mga mata. Gumihit ang mga ngiti sa kanyang mga labi.  Parang napakaganda kasing bigkasin ang pangalang iyon. Sa tingin niya’y bumagay din sa mala-anghel nitong mukha.  Tumango lamang ang babae.    Naalala ni Yuan ang pagkaing ipinahanda niya kay aling Flora.  Tinawag niya ang ginang at pinadala ang pagkain sa silid ng babae. Tila gutom na gutom na nga ang babae, dahil napansin niya na parang nangangatog na ito at namumutla.   Parang nabuhayan ng dugo ang ginang nang makita nito na gising na ang babae. May dala-dala itong pagkain na nakalagay sa tray. “Siya si Aling Flora,” pakilala niya sa ginang. “Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?” tanong ni Aling Flora. “Masakit po ang buong katawan ko. Salamat po sa inyo,” tugon nito.  “Ikaw na muna ang bahalang magpakain sa kanya, Aling Flora. Lalabas na muna ako,” aniya. “Sige, Sir, ako na po bahala.”     MAAYOS na ang pakiramdam ni Faith. Pangatlong araw na niya sa bahay na ito. Hindi pa siya nakalalabas ng silid. Tumayo siya at tinungo ang pintuan. Nakabenda ang isang braso at nananakit pa rin ang buong katawan niya. Gusto niyang makita ang labas ng bahay na iyon kaya naglakad-lakad siya sa paligid.  Ayon kay Aling Flora ay puwede naman daw siyang mamasyal sa labas ng resthouse.    Iginala niya ang paningin. Napakagandang isla ang nakapalibot dito. Puting buhangin at medyo nasa gawing itaas na bahagi ng burol ang kinatitirikan ng bahay. Ayon kay Aling Flora ay bahay bakasyunan daw ito ni Yuan. ‘Yong guwapong lalaki na nakakita sa kanya sa dalampasigan. Hindi pa niya nakikita ang guwapong lalaki. Naririnig lang niya ang boses nito mula sa labas ng kanyang silid habang nakikipag-usap kay Aling Flora kanina. Umalis kaya siya? Pinagmasdan niya ang kabuuan ng bahay mula sa labas, malaki, maganda at moderno ang disenyo nito. Pero tatlong tao lang ang nakatira, si Aling Flora, ang asawa nitong si Tiyo Cadyo at ‘yong guwapong si Yuan.   Masasabi niyang hindi pa talaga niya oras, dahil hindi na siya pinag-aksayahang hanapin pa ng mga lalaking dumukot sa kanya noong tumalon siya.  Akala siguro ng mga iyon ay patay na siya.  Laking pasalamat niya nang may napadaan na isang bangka ng mangingisda. Pero dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan at pag ihip ng hangin, nabalisa ang mga alon at humampas sa kanilang bangka. Hindi na niya maalala ang iba pang mga detalye, basta ang alam niya tinulungan siya nito. Hanggang doon lang ang kanyang natandaan.   Napangiti si Faith nang mabaling ang kanyang tingin sa isang golden retriever.  Mahilig kasi siya sa aso. “Hello! Dogie, how are you? Ang ganda mo naman. Come here!” aniya sa nakatinging aso.  Ngunit inangilan siya nito at tinahulan, mabilis itong lumapit ito sa kanya.  Natakot siya dahil mukhang hindi naman sa kanya natuwa ang aso. Heto nga’t kakagatin na siya, dahilan para mapatakbo.   Ngunit hindi niya napansin na malapit na siya sa swimming pool. Nahulog siya at panay pa rin ang tahol ng aso. Tila gusto pa nitong tumalon sa tubig para kagatin siya. Ikinampay niya ang kanyang mga  kamay papuntang gitna para hindi siya maabot ng aso. Pero naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang braso. May lalim na ten feet ang swimming pool at hindi siya marunong lumangoy. Naalala na naman niya ang mga alon sa dagat. Nakaligtas nga siya sa pagkalunod sa dagat, pero mukhang dito na siya matutuluyan sa pool.     Samantalang umiinom naman ng tea si Yuan at binubuklat ang babasahing libro.  Napaupo siya sa sofa na nasa veranda. Palaisipan pa rin sa kanya kung paano nga ba napunta sa dalampasigan, sa harap pa mismo ng kanyang resthouse ang babaeng niligtas niya.  May kung anong umagaw ng kanyang pansin sa baba, sa may swimming pool, ang tumatahol na si Damian.  Nakita niyang may tao sa pool. Ang pagkakaalam niya ay hindi naman mahilig mag-swimming si Tiyo Cadyo, lalo naman si Aling Flora, kaya sinipat niya ulit kung sino iyon.  Nakita niyang si Faith ang nasa pool. Tila hindi naman ito lumalangoy para itong nalulunod na.   “What the—” hindi niya naituloy ang sasabihin. Agad siyang bumaba at nag- dive sa swimming pool para iligtas ang nalulunod na si Faith. Sumisid siya at iniahon ang babae sa tubig. “What the h**l are you doing?!” sita niya nang madala niya ito sa gutter ng swimming pool.  Napakalapit na nito halos sa mukha ng babae, bagay na napagmasdan niya ng husto ang mukha ng dalaga.    Napalunok si Faith habang nakatingin sa mukha ng lalaki. Pakiramdam niya ay lalo siyang nag-panic. Hindi lang pala ito basta may hitsura, kundi talagang napakaguwapo kahit na magkasalubong ang mga kilay nito.  Mapupula ang mga labi nitong tila lalong naging hot sa mga umaagos na tubig sa mukha, mula sa hibla ng mga buhok nito.  Napaubo siya’t kinapos ng paghinga. Inalalayan siya ni Yuan na makaahon sa tubig hawak ang kanyang mga braso.  Napangiwi siya nang maramdaman niyang kumirot ang kanyang sugat. “Aray ko! Dahan-dahan naman!” reklamo niya. “P’wede ba, kung magpapakamatay ka ‘wag sa harap ko! Not in my place! Okay?” yamot na sabi ng lalaki. “Hindi ano!” tanggi ni Faith sa pagitan ng mga ubo, sabay turo sa asong tumatahol. “K-kasi siya, ‘yang asong ‘yan, kaya nahulog ako!” aniya. Lalo namang naging aggressive ang aso. “Ano? Nahulog ka? Ang laki-laki ng swimming pool hindi mo nakita?” Umahon ito sa tubig. “Mabuti na nga lang at nahulog ako kesa naman makagat ako ng asong ‘yan,” aniya habang pinipisil ang ilong. Nakainom na naman siya ng tubig. “Hey, Damian, Stop!” hiyaw ng lalaki sa aso. Nakatayo na ito sa gilid ng pool at siya naman ay nakaupo sa may hagdan. “Pasensya na,” nahihiyang paunmanhin niya.  Ang laking katangahan ang ginawa niya bakit kasi tinawag-tawag pa niya ang aso.  Kaya heto disgrasya na naman ang inabot niya. Tinapunan siya ng matalim na tingin ng lalaki.  Tinawag nito si Aling Flora at lumapit naman agad sa kanila. “Ikaw na nga ang bahala sa babaeng ‘yan, Aling Flora, sumasakit ulo ko,” inis na sambit nito sabay tumalikod na. Sinundan niya ito ng tingin habang papalayo. Hindi maikakailang alagang gym ang hubog ng katawan nito. Kitang-kita iyon mula sa basang hapit na t-shirt nito. Sinaway niya ang kanyang pilyang imahinasyon. Guwapo sana kaso masungit hindi yata maganda ang gising. Biglang binaling niya ang paningin kay Aling Flora. “Nahulog po ako sa pool, ‘di ko namalayan. Hinabol kasi ako ng aso, eh. Kaya ayun, mukhang nagalit sa’kin si Yuan. Akala n’ya siguro magpapakalunod ako. Sadyang hindi lang talaga ako marunong lumangoy,” paliwanag niya. “Si Damian? Naku! talaga ang asong ‘yon oo. S’ya sige magbanlaw kana at nang makapag-almusal na tayo. ‘Wag mong intindihin si, Sir, Gano’n lang talaga ‘yon may pagkamasungit minsan, pero mabait naman,” anang ginang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD