PARANG napako siya sa kanyang kinatatayuan habang papalapit si Yuan sa kanya. Hindi maalis ang mga titig nito sa kanya. “Yuan? A-akala ko…” “Akala mo ano? May hinahanap ka pa bang iba?” tanong nito. Tumingin-tingin siya sa paligid may hinahanap ang kanyang mga mata. “P-paanong alam mo na—” “Na makikipag-date ka? Well alam ko lahat ng ginagawa mo. Walang sinumang p’wedeng makipag-date sa mahal ko,” bahagyang nakangiti ito ngunit punong-puno ng pananabik ang mga mata nito. “P-pero sabi ni Dad,” napaisip siya. Ibig sabihin pala ay nag-uusap ito palagi ng kanyang daddy? “Si Dad talaga,” napailing siya. Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niyang kilig at excitement sa tuwing nakikita niya ang lalaki. Pakiramdam niya ay mas lalong tumindi ito ngayon. Parang sakit na walang ibang gamot

