AGAD na tinawagan ni Yuan si Attorney Lorenzo. “Attorney.” “Yes, Yuan, napatawag ka? May problema ba?” Napabuntong-hininga ang lalaki. “Attorney, ikaw na ang bahala sa private nurse. Bayaran mo na siya sa napagkasunduan n’yo. Ayoko na siya rito,” anang lalaki na mukhang mainit ang ulo. Bakit ba masyado siyang apektado? Ayaw niyang masira pa kay Faith. “P-pero pano ka? Walang mag-aalaga sa’yo riyan. Alam mo namang hindi mo pa kaya.” “Gusto ko makausap si Faith, Attorney. Papuntahin mo siya rito, please.” “At anong sasabihin ko? Pa’no kung hindi siya pumayag?” “Ikaw na ang bahala. Kahit anong dahilan ang sabihin mo, basta gusto ko siyang makausap,” determinado nitong sabi. “Okay. Tingnan ko kung ano’ng magagawa ko,” anang attorney. Humiga ulit siya. Naramdaman na naman niya ang pag

