CHAPTER 4

4442 Words
  SA UNANG pagkakataon ay nakatulog si Faith nang mahimbing. Hindi na siya binabangungot ng mga pangyayari. Hindi kaya tama ang sinabi ni Yuan na magugustuhan na niyang manatili sa isla? Ayon kay Yuan ay nakausap na nito ang imbestigador na maghahanap sa kanyang mga magulang. Tanging pangalan lang at litrato ng kanyang ina ang kanyang hawak. Sabik na siyang makilala ang mga ito.    Marami siyang katanungan. Bakit siya pinaampon ng mga ito? At Bakit hindi man lang siya hinahanap sa loob ng mahabang panahon?     Ano na kaya ang nangyayari sa kompanya? Hindi na siya muling tumawag kay Joshua pagkatapos ng huling pag-uusap nila.  Baka pinag-uusapan na rin sa kanilang opisina ang kanyang pagkawala.  Hindi rin niya alam kung may babalikan pa siyang trabaho.  Kapag dumating na ang tunay na anak ng Bernabe ay lalong hindi niya alam kung saan siya pupulutin. Kaya dapat mahanap na niya ang kanyang mga magulang.      Bumaba siya ng kusina at nakita niyang abala si Aling Flora sa paghahanda ng mga lulutuin. “Ano po ba ang maitutulong ko, Aling Flora?” nakangiting lumapit siya sa ginang. “Naku, ‘wag ka nang mag-abala pa, ako naman ay naglilibang lang. Nakakainip din kasi kapag walang ginagawa,” anang ginang. Ngumuso siya at  iginala ang paningin sa pagilid. Hinahanap ng kanyang mga mata si Yuan. As usual ganito siya palagi pagkagising sa umaga.  Tila hinahanap niya palagi ang presensiya nito sa hindi niya maintindihang kadahilanan. “Nasaan po si Tiyo Cadyo at si Yuan?” Humila siya ng isang upuan sa lamesa at umupo sa harapan ng ginang. “Maaga silang umalis. Nagpasama kasi si, Sir, mag-explore sa isla. Mahilig mag-scuba diving iyon.  Ganun ‘yon palagi kapag nagbabakasyon. Talagang sinusulit niya.” Tumango-tango lang siya. This is it! Parang na-excite siyang maligo sa swimming pool ngayong wala ang lalaki. “Gano’n po ba? Sige, lalabas lang po muna ako, Aling Flora,” aniya. Hindi man lang siya niyaya ng lalaki. Kunsabagay, aasa pa ba siya? Kung hindi naman siya marunong lumangoy.    Tila ito na ang tamang pagkakataon para mag-aral siyang lumangoy. Walang makakakita sa kanya. Nahihiya kasi siya maligo sa swimming pool kapag nandiyan si Yuan, tiyak na mapipintasan ang paglangoy niya. At kung makatingin ang lalaki ay parang hinahagod ang buong pagkatao niya.    Nag-research siya sa internet dati kung paano lumangoy. Naalala pa niya kung ano ang mga style na iyon kaya susubukan niya.     Muli siyang pumanhik sa kanyang kwarto at nagsuot ng short at t-shirt na pampaligo. Nagmadali  siyang bumaba. Nasa harap na siya ng pool. Huminga muna siya nang malalim sabay napatingin kay Damian na tumahol nang makita siya. Nakaupo ang aso sa ‘di kalayuan at tila pinagmamasdan siya. Mabuti naman at kilala na siya nito. Inirapan niya ito. Hindi kasi niya makalimutang napahiya siya kay Yuan dati dahil hinabol siya nito. Tatalon na siya at tatawirin ang swimming pool hanggang sa kabilang dulo gamit ang naiisip niyang breast stroke. Naghahanda siya at nag-warm up muna. Tumingin-tingin siya sa paligid. Wala namang tao. Mabuti naman, sa loob-loob niya.     Napailing si Yuan habang pinagmamasdan ang dalaga. Hindi mawari ang mukha nito kung matatawa ba o maaasar. Nakahalukipkip ito habang nakatayo sa ‘di kalayuan. Tila hinihintay nito ang susunod na gagawin ng dalaga.   “One, two, three.” Tumalon na si Faith. Nabigla yata siya dahil napakalamig ng tubig, dumagdag pa ang malamig na ihip ng hangin. Tumahol na naman si Damian. “Buwisit ‘tong aso na ‘to tsismoso.” Halos nasa kalagitnaan pa lang nang mag-panic siya. Naalala kasi niya ang mga alon sa dagat noong gabing nadukot siya. Dapat ay makarating na agad siya sa kabilang dulo ng pool. Pero tila nahihirapan na siyang tapusin iyon.   Pakiramdam niya ay napakabigat ng kanyang katawan. Hindi na niya kaya. Hindi siya makahinga kaya pilit niyang ikinakampay ang kanyang mga kamay.  Nawala na siya sa stroke na iniisip niya. Tila nagsisisi na siya kung bakit pinangahasan niyang mag-swimming.    Hindi niya namalayang may umangat sa kanyang katawan mula sa ilalim ng tubig.  Nang iahon niya ang kanyang ulo ay bumungad sa kanya ang mukha ni Yuan. Napatili siya na animo’y nakakita ng multo. Lalo siyang nataranta at bumitiw sa lalaki. Totally panic na ang ginagawa niya.   Kaya naman ay dali-dali siya nitong inilapit sa gutter ng swimming pool.  Humihingal siya at napaubo. “Ano’ng ginagawa mo rito?!” hingal na tanong niya sa lalaki. Ngumisi ang lalaki na parang nakakaloko. “Nagpapatawa ka ba? Ano’ng ginagawa ko? Bahay ko ‘to! Ako nga ako dapat magtanong niyan sa’yo. Ano’ng ginagawa mo, ‘di ba hindi ka marunong lumangoy? Paano kung hindi agad ako dumating?” sunod-sunod na tanong ng lalaki. Bahagyang lumayo ito sa kanya at pumunta sa gitna upang lumangoy.   Parang natulala siya habang pinagmamasdan itong lumalangoy. Hindi agad siya makasagot dahil sinadya talaga niyang wala ang lalaki para makapag-practice siya. Malay ba niya na darating ito agad.   “Eh, di nagpapa-practice. ‘Tsaka gusto ko naman talagang maligo dito, hindi naman siguro bawal, ‘di ba?” palusot niya.  Napangiti lang ang lalaki at lumapit muli sa kanya.   “Of course not. Gusto mo araw-araw ka pa mag-swimming. Hinding-hindi ako kokontra, basta ba ‘andito ako,” ngumisi ito. “Panonoorin n’ya lang ako, gano’n?” Naipilig niya ang kanyang ulo. “Akala ko ba umalis kayo?” Iyon ang sabi sa kanya ni Aling Flora kanina. “Bumalik agad kami, kasi may nakalimutan ako. Now, tell me. Gusto mo ba talagang matutong lumangoy? Tuturuan kita. Let’s practice,” gumuhit ang kapilyuhan sa mukha nito. Ginagap nito ang kanyang kamay. Umiling siya. “Naku, ‘wag na! Sige, aahon na ako,” aniyang nagmadaling umahon. Pero hinila siya nito dahilan para mapayakap siya sa lalaki. Napasinghap siya.   Malalim ang pool pero lalo lang siya nitong dinala sa malalim na bahagi. Nagsisid pa ito kasama siya.  Nahihirapan na siya kaya tinapik niya ito hudyat na hindi na niya kaya. Bigla siya nitong pinalanghap nang hangin.   Nakangiti lang ito at lalo naman siyang napakapit ng husto sa lalaki. Ang alam niya malamig ang tubig, pero bakit tila uminit bigla nang mapagtanto niyang wala pala itong damit pang itaas. Nakahawak siya sa malalapad na balikat nito at nahahaplos niya ang matitigas nitong mga braso.   “Pa’no ka matututo, eh, kumakapit ka sa akin. Don’t hug me or else we will both drown,” nakangiting sabi nito. Kung marunong lang siya lumangoy hindi naman siya mapapayakap sa lalaki. Naiinis tuloy siya kasi tawa pa ito ng tawa.   “Ayoko na! Ibalik mo na ako sa gilid, please!” Marami na yata siyang nainom na tubig. “Hindi. Nandito na tayo sayang naman. Kaya tuturuan na kita. Sige, bumitiw ka na at i-relax mo lang ang katawan mo,” anitong tinatanggal ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak. “Ayoko!” sigaw nya.   Tumawa ito ng malakas kaya lalo lang siyang nainis. Kapag nakaahon siya ay humanda ito sa kanya.  Hawak-hawak siya nito sa kamay nang ilapit muli siya nito sa gutter ng pool. Pero imbes na umahon ay nakinig na lang siya sa lalaki. Sinasabi ng kanyang isip na umahon na siya pero ayaw ng katawan niya.   “Okay, sige ganito.  Alam mo ba kung bakit nahihirapan ka? Kasi hindi ka marunong mag bubbles sa tubig. Dapat bubbles ka muna and then breath, kick and then igagalaw mo ‘tong kamay mo,” sabay hawak sa kanyang mga kamay at iminuwestra pa nito kung papaano, para itong swimming instructor.   Parang wala naman siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng lalaki. Nakatuon ang kanyang tingin sa mga labi nito habang nagsasalita. Ang cute kasi nito parang nama-magnet siya.   “Okay, watch me,” anito. Ipinakita nito ang paglangoy, banayad na halos hindi lumilikha ng ingay sa tubig. Napahanga siya sa galing ng lalaki. Ang galing nito sa breast stroke.    Maya-maya pa ay freestyle naman ang itinuturo nito sa kanya. Pero ni isa yata sa mga ito ay wala siyang natutunan. Dahil nakatanga lang siya habang pinapanood ang lalaki.   Nasa gilid pa rin siya ng pool.  Pakiramdam niya ay na mesmerized siya sa lalaki. Lalo ito naging macho sa paningin niya. Naipilig niya ang kanyang ulo.   “Come on, try it!” yaya nito sa kanya na pumukaw ng kanyang imahinasyon. “Okay, sige,” tugon niya. Muli itong lumapit sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. “Now, move your arms!” sabi nito habang nakaalalay sa kanya.   Sinubukan niya ang itinuro ng lalaki. Pero hiningal agad siya at napatayo. Hindi sumayad ang mga paa niya, malalim pala kaya nag-panic siya. Agad namang inalalayan siya nito. Dahilan para mapakapit ulit siya sa balikat nito. Humarap ito sa kanya at inilapit nito ang mukha sa kanya.   Bigla siyang kinabahan nang titigan siya nito. Napalunok siya nang dumako ang mata nito sa kanyang mga labi na tila ba may gagawin ito sa kanya. Bakit parang gusto niyang ipikit ang kanyang mga mata. Hindi maari! sigaw ng kanyang isip. Bigla siyang lumihis ng tingin. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa nito.   “Ibalik mo na ako sa gilid, ayoko nang lumangoy,” aniyang natataranta. “Okay,” anito. Ngunit bago iyon ay muli s’yang dinala nito sa gitna at sumisid hawak siya bagay na lalo niyang ikinainis.  Nang nakita na nitong nahihirapan na siya ay saka lang siya nito inilapit sa gutter.   “Lulunurin mo ba talaga ako, ha?!” padabog na umahon siya. “Hindi, ah! Tinuturuan nga kita kung paano, eh,” ngingiti-ngiting sagot nito na lalo niyang ikinaasar.   “Hey, medyo nakukuha mo na! Next time practice ulit tayo, ha?” pahabol na sabi nito habang naglalakad siya papuntang shower. “Tse!” nilingon niya ito at inirapan. Sa totoo lang sobrang kabado siya kanina.   Naaalala niya ang mga ngiti nito. Ang mga tingin nitong tila nagdudulot sa kanya ng pagkataranta.  Ayaw man niya aminin pero ngayon lang niya naramdaman iyon. Kahit minsan ay hindi siya kinilig kay Joshua nang ganoon. Wala pa siya naging boyfriend bago maging sila ni Joshua. Laging ito ang kasama niya kaya wala s’yang time magka-crush, dahil lagi siya nitong binabantayan. Hindi niya alam na may ganoong pakiramdam pala.   Wait…what?! Nasa shower na siya nang mapansing wala pala siyang bra. Nasapo niya ang kanyang noo. Kaya pala kung makatingin sa kanya si Yuan kanina ay ganoon na lang. Puting t-shirt pa naman ang kanyang suot. “Hay, naku, nakakahiya talaga!” usal niya sa sarili.     HABANG nagmumuni-muni si Faith sa gazebo ay abot tanaw niya ang pagdaong ng isang bangkang di-motor sa pantalan. May bumaba na isang lalaki at papunta ito sa kinaroroonan ng resthouse.  Kinausap ito ni Aling Flora at pinapasok sa loob ng bahay.  Mayamaya pa ay tinawag siya ng ginang.  “Faith!” nagising siya sa kanyang malalim na imahinasyon nang marinig niya ang ginang. “Bakit po, Aling Flora?” tanong niya. “Tawag ka ni Sir Yuan.” Bigla siyang napatayo sa kinauupuan. Bakit naman siya ipapatawag nito kung hindi naman importante? Kanina lang ay nadaanan siya nito sa may gazebo, pero hindi man lang siya pinansin nito. Lagi kasi itong may kausap sa cellphone.    Pumasok siya sa loob ng bahay. Nakita niyang kausap ni Yuan ang lalaking kani-kanila lang ay dumating. “Ito na siya.” Tumingin sa kanya si Yuan na s’ya namang paglingon ng lalaki sa kanya. “Bakit ho?” takang tanong niya na lumapit sa dalawa. “Maupo ka,” ani Yuan na iminuwestra ang katabing couch. “Siya si Leo,” pakilala ni Yuan sa kanya, kinamayan naman siya ng lalaki. “Ano pong kailangan n’yo sa akin?” tanong ng dalaga. “Ikaw ang may kailangan sa kanya, Faith. Siya ang inutusan kong maghanap ng biological parents mo,” sabat ni Yuan. Biglang nagningning ang kanyang mukha. Hindi niya akalain na ganoon lang kadaling mahanap ang mga magulang niya. “Talaga po?!” Nakita n’yo po ba sila!?” sabik na tanong niya. Ito na ba ang matagal niyang hinihintay? Pero bakit hindi man lang ngumingiti ang kausap. Kinabahan tuloy siya.   Sinundan niya nang tingin ang mga kamay nitong may kinukuhang mga papel sa envelope. Pagkuwa’y  ibinigay sa kanya. Napalis ang kanyang ngiti at napatingin kay Leo. “A-ano po ito?” tanong niya. Takot siyang buksan ang nilalaman niyon. “Iyan ang nakalap kong impormasyon. Ang pangalan ng nanay mo ay Mercedita Ocampo, tama ba?” “Opo, Mercedita nga po pangalan niya,” mabilis niyang tugon. Saglit na natahimik ang lalaki. “Bakit po?” pagtataka niya.   “Ang nanay mo kasi, ayon sa aking nakalap ay matagal nang patay. Namatay s’ya sa hospital pagkatapos niyang maipanganak ang isang babaeng sanggol,” anang ginoo.   Parang sinakluban nang langit si Faith sa kanyang narinig. Walang duda na siya ang sanggol na iyon. Tila nag-init agad ang paligid ng kanyang mga mata. Napatingin siya sa papel na hawak niya, Death Certificate iyon ng kanyang ina. “Baka naman nagkakamali po kayo, Manong. Baka ibang record ang nakuha n’yo!” giit niya. Kahit kitang-kita naman ay parang ayaw niyang paniwalaan.   “Naku, hija, sa tagal ko na sa trabahong ito ni minsan ay hindi pa ako nagkamali. Mahirap man tanggapin pero heto tingnan mo, ito ‘yong mga records na nagpapatunay tungkol sa tunay mong ina.  Napag-alaman ko rin kasi na dati s’yang nagtatrabaho sa isang club. Posibleng anak ka n’ya sa pagka-dalaga. Dahil ayon sa nakausap ko binigay raw ang sanggol sa nagngangalang Arsenia.  Best friend at nagsilbing guardian ng iyong ina nang mga panahong iyon.   “Pa’no n’yo naman po nalaman na anak lang ako sa pagkadalaga? Ibig sabihin ba, hindi ako sinasadyang ipanganak?” May hinanakit sa tinig ng dalaga. Naalarma si Yuan at napatingin kay Leo.   “Let’s not talk about those things. Hindi mo na kailangan sabihin pa ‘yan sa kanya,” saway ng lalaki kay Leo. Kitang-kita sa mga mata nito ang pag-aalala sa dalaga. Tama ang mga sinabi ni Leo dahil si Arsenia nga ang kinagisnan niyang ina na naging asawa naman ni Rodolfo na kinagisnan niyang ama.  Napalunok siya at nangilid ang mga luha. Wala na siyang masasabi. Wala na pala siyang hahanapin. Salamat na lang kay Yuan at tinulungan siya.  Pero parang napakasakit tanggapin ang lahat.  Naisip din niyang baka buhay pa ang kanyang tunay na ama. Pero ni hindi nga n’ya alam kung sino. Baka isa lang sa mga naging customer ng kanyang ina ang kanyang ama.  Wala na s’ya kahit kaunting dignidad. Sobrang baba na ng tingin niya sa sarili. Tumayo siya at umalis sa presensiya ng dalawa at hindi na napigilan ang umiyak. “Faith!” tawag ni Yuan sa kanya nang bigla palabas na siya. Hindi niya pinansin ang lalaki.     Buntong-hiningang napailing ang lalaki, ramdam niya ang bigat ng kalooban ni Faith. Hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin.  Siguro kahit ano’ng sabihin niya sa dalaga ay hindi maiibsan ang sama ng loob nito.     ILANG ARAW pa ang lumipas nanibago si Yuan sa mga kinikilos ng dalaga. Hindi na ito palakuwento na kagaya ng dati. Naging tahimik ito at gusto laging mapag-isa.  Naalala niya ang kanyang mommy noong nagkahiwalay ng daddy niya. Sobrang na-depressed iyon at nagkasakit.  Ayaw niyang sapitin iyon ng dalaga.   “I just want to help her, Aling Flora, pero tingnan mo naman mukhang napasama pa yata,” malungkot na sabi ni Yuan habang nakaupo sila ni Aling Flora sa hardin.  Abot tanaw ang baybayin na kinaroroonan ni Faith, kung saan hindi niya ito malubayan nang tingin.  Nakaupo lang ang dalaga sa buhangin. Malalim ang iniisip at nakikita niyang nagsusulat ito sa buhangin gamit ang mga daliri.   “Sir, wala naman kayong kasalanan, eh. Mabuti na rin iyon para hindi na siya umasa. Balang araw matatanggap din niya iyon,” payo ng ginang na pinapagaan ang loob ng binata na halata namang nag-alala sa nangyari.   “I feel guilty, kasi parang lalo ko lang dinagdagan ang bigat ng kalooban niya.  Ikaw ba naman ang ma-basted ng lalaki, kaygandang babae iniwan ng fiancé,” wala sa loob na sabi nito. “Ha, talaga, Sir?” biglang napanganga ang ginang na tumingin sa lalaki. Napatingin si Yuan sa ginang. Hindi niya akalaing narinig pala nito ang sinabi niya. “Naku! ‘Wag na nga baka masabihan pa akong tsismoso,” bawi niya. Nang minsan ay nag-open sa kanya ang dalaga tungkol sa paghihiwalay nito ng fiancé. Hindi niya alam, pero imbes na maawa siya sa hiwalayang nangyari ay tila nagdiwang pa siya.   “Kawawa naman s’ya. Kaya pala laging malungkot. Pero, Sir, paano niyo naman nalaman?” tanong ng ginang.   “Sinabi niya sa akin. Pero mas kawawa siya kung nagpatuloy ang kanilang relasyon,” biglang umusbong ang kanyang inis. Thinking Faith with that kind of guy, her life will surely be miserable.   “Huwag na nga, Aling Flora, nadulas lang ang bibig ko,” anang lalaki na nakatanaw pa rin sa dalaga.   “Bakit mo ba siya tinutulungan? Kung tutuusin sobra-sobra na nga ang pagtulong mo sa kanya, Sir. Hindi ka dapat ma-guilty.” “I just feel guilty,” mahinang sabi niya sa sarili pero narinig iyon ng ginang. “May gusto ka ba sa kanya, Sir?” pangahas na tanong ng ginang. “What?!” kunot-noo na napatingin ito sa ginang. Hindi niya ugaling mag-confess ng feelings tungkol sa babae. Malamang naawa lang siguro siya sa dalaga.   “Sabi ko, Sir, may gusto ka ba sa kanya?” ulit na tanong nito. ‘W-wala! Hindi ako ga’non kadaling magkagusto sa babae, no!”  tanggi niya. “Pero, Sir, sabi nga nila, minsan iba daw ang sinasabi ng bibig sa nilalaman ng dibdib.  ‘Tsaka siya na ‘yong tipo ng babae na gusto niyo.  Sabi mo simple and beautiful at hindi naga-gwapuhan sa’yo. Tumpak, Sir, kasi, ‘di ba lagi kayong magkaaway?” panunukso nito.    Napailing lamang ang lalaki nang maalalang sinampal siya ng dalaga noong niyakap niya ito. “Hindi pa ako na-inlove kaya hindi ko alam yan,” sagot niya.   “Di nga, Sir, totoo? Sa tanda n’yo nang ‘yan hindi pa kayo na-inlove? Aba late bloomer yata kayo.” “Aling Flora, kung makatanda naman, thirty lang ho ako,” napangising tugon niya. “Oh, eh, ‘di ba dapat talaga mag-asawa kana? Pero, Sir, hindi naman halata mukha ka lang bente-sais,” bawi ng nakangiting ginang. “Ikaw talaga, Aling Flora, teka nga next month ipaalala mo sa akin dadagdagan ko iyong sahod mo.” Napapalakpak ang ginang sa sinabi niya. “Ay, talaga, Sir? Naku, salamat!” nagtatatalon sa tuwa ang ginang.   “Huwag n’yo lang ho so-sobrahan ang pambobola at baka imbes na mataasan ko, eh, makaltasan pa kayo,” sabay halakhak ng lalaki. Ngunit biglang napalis ang mga ngiti nito ng mapansing wala na si Faith sa kinauupuan. “Nasaan na ‘yon?!” usal niya. Napatingin na rin si Aling Flora sa direksyon na kanyang tinitingnan. “Sir, si Faith nawala!” pansin ni Aling Flora.    Agad na napatakbo ang lalaki malapit sa dalampasigan at hinanap ang babae.  Napailing na lang ang ginang habang pangiti-ngiti. “Hay! ‘yan ba ang walang gusto?” bulong ng ginang.     NAKAHINGA siya ng maluwag nang makita niya ang dalaga na nakaupo sa buhangin at inilulubog ang mga paa nito sa buhangin. “Hey! dito ka lang pala akala ko nawala kana,” lumapit siya sa dalaga.  Napansin niyang namumula ang mga mata nito, tila kagagaling lang umiyak.  Malungkot at walang kaimik-imik ang dalaga.   “Uh, bakit na naman? Umiyak ka ba ulit?” sinipat niya ito sa mukha. Pero hindi siya pinansin kaya umupo na lang siya sa tabi nito. Pinakiramdaman niya kung may sasabihin ang babae pero wala siyang narinig.    Gumawa siya ng sand castle hanggang sa natapos iyon pero hindi pa rin siya pinapansin ng dalaga.  Kaya humiga siya at tinabunan ang kanyang katawan ng buhangin. “Hay! Ang hirap magpapansin, ah. Kanina pa ako rito pero ni hi! hello! wala man lang,” pagpaparinig niya. “Bakit kapansin-pansin ka ba?” sabi ng dalaga. Napangiti siya nang sumagot ito. Dapat siguro asarin para pansinin siya. “Hay, sa wakas nagsalita rin.  Ano ba kasing iniisip mo?” tanong niya. “Marami...galit ako, masama loob ko. Ayoko ng ganito, Yuan,” seryosong sabi ng dalaga. “Madali lang ‘yan.  Alam mo dati ganyan din ako, eh.  Ang gawin mo sumigaw ka lang mawawala na ‘yan, promise.  Iiyak mo lang. Hindi kita pagtatawanan,” suhestiyon niya. Saglit na katahimikan. “Ano pa’ng hinihintay mo isigaw mo na. Galit ka ‘di ba? Kaya isigaw mo!” anang lalaki. “Ayoko na!!! Galit akooo!!!” sigaw ni Faith. “Ganyan nga! Sige lakasan mo pa!” “Ayoko na! Galit ako sa lahat! Galit ako sa mundo!!! Galit ako sa mga lalaki!!!” “Teka. Pa’no namang nasama ako riyan? Kino-comfort na nga kita, eh,” sabat niya. At paulit ulit itong sumigaw at nagpakawala ng iyak.  Hindi niya magawang hawakan ang dalaga baka masampal na naman siya.  Kaya hinintay na lang niya na matapos ang pag-iyak ni Faith.  Pasa-saan ba’t matatapos din iyon.    Hanggang sa nakatulog ang lalaki na nakahiga at nakabaon ang kalahating katawan sa buhangin.     NAKAHINGA na nang maluwag si Faith matapos niyang mailabas ang kanyang mga sama ng loob dahil sa pag-iyak at pagsigaw.  Napalingon siya kay Yuan na noon ay nakahiga sa buhangin. Natatabunan ng puting buhangin ang kalahating katawan nito.  Tila nakatulog na ito sa paghihintay sa kanya na matapos umiyak.    Dahan-dahan siyang lumapit at sinipat kung talagang natutulog ang lalaki. Marahan siyang umupo sa tabi nito at pinagmasdan ang mukha ng lalaki. Totoo ngang natutulog ito.  Parang nakakaantok nga ang panahon. Makulimlim at medyo malamig ang simoy ng hangin. Kaya siguro nakatulog ang lalaki.    Nagkaroon ulit siya ng pagkakataon na titigan sa malapitan ang mukha nito. Kadalasan kasi hindi naman siya makatingin nang matagal sa mukha nito kapag kausap niya.  Tila nababalutan ito ng kapangyarihang nakakasilaw at nakakakilig kapag nakatitig ito sa kanya.   Makinis ang mukha nito pero mukhang hindi pa ito nakapag-shave. Medyo tumutubo na ulit ang balbas nito and it makes him even sexier and hotter. Pilyang imahinasyon ang gumuhit sa kanya. Sa kabila kasi nang pagka broken-hearted niya ay may puwang pa pala siyang kiligin sa kagaya ni Yuan.  Mula kilay, mata, ilong at mga labi nito ay halos  perpekto. Kahit tulog o galit, lalo na kapag ngumiti ito, wala na, tiyak na matutukso ang sino mang babaeng ngingitian ng lalaking ito.    “Yuan...” wala sa loob na usal niya.  Nagulat siya ng biglang dumilat ang mga mata ng lalaki nang magkalapit sila ng mukha.  Napasinghap siya.   “Aha! Siguro pinagnanasahan mo ako habang natutulog ano?” pabiro nitong sabi.   “Anong pinagnanasahan ka d’yan!  Kapal mo!” depensa niya. Mabilis siyang tumayo at ipinagpag ang buhangin sa kanyang short. “Dahan-dahan ka naman magpagpag d’yan.  Ayan tuloy napuwing ako,” reklamo ng lalaking habang nakahiga sa buhangin at nakahawak sa mga mata nito. “Ha, napuwing ka? Ay sorry, patingin nga,” sinipat niya ang mukha, nakapikit ito. “Asan?” tanong niya. “Paano mo naman makikita maliit lang ‘yon, ‘tska buhangin ‘yon, ouch!” daing nito bagay na ikinataranta niya. “Masakit ba, ha? Ano’ng gagawin ko?” “Hipan mo!” tugon ng lalaki. “Ha, ayoko nga!” nag-alangan siya. “Dali na, ouch!” “O sige na nga,” aniyang inilapit niya ang kanyang mukha para hipan ang mga mata ng lalaki. Pero bigla siya nitong ninakawan ng halik na tumama sa gilid ng kanyang mga labi. Kung gaano kabilis iyon ay siya namang bilis ng pagdapo ng kanyang palad sa mukha ng lalaki. Hinaplos lang nito ang sinampal ng niya. “Strike two kana, ha,” anang lalaki. “Bastos mo kasi!” singhal niya rito. Nakangisi lang ang lalaki.  Bumangon na ito at ipinagpag ang buhangin sa katawan.    Samantala si Faith ay natigilan na nakatayo lamang sa buhangin. Tila na-shocked siya sa ginawa ng lalaki, nasampal na naman niya ito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kabilis mag-react ang kanyang palad tila may sarili itong isip.   Napatingin lamang siya kay Yuan na lumusong sa tubig at lumangoy para matanggal ang mga buhangin sa katawan. Napahawak siya sa kanyang pisngi pakiramdam niya ay nag-iinit iyon. Balewala lang sa kanya? Nakakainis nakangiti pa ang loko, sa loob-loob niya.   “Hindi ka ba maliligo? Ang sarap maligo, uh!” pag-iinggit nito sa kanya.” “Mag-isa ka d’yan, bastos!” sa halip ay iyon ang lumabas sa kanyang bibig sabay talikod at naglakad pabalik ng resthouse.     NANG makabalik siya sa bahay ay nadatnan niyang nakaluto na si Aling Flora ng pagkain kaya naman ay natakam siya. “Nasaan si, Sir? ‘Di ba magkasama kayo?” tanong nito. “Nando’n po sa dagat naliligo,” sagot niya pero yamot s’ya nang marinig ang pangalan ng lalaki. “Bakit naman ganyan ang mukha mo? Okay ka lang ba? Wala naman akong maipapayo sa’yo, Faith, kundi magpakatatag ka. Tanggapin mo na lang na wala na ang mommy mo,” sabi nito.    Sa totoo lang hindi naman iyon ang gumugulo sa kanyang isipan sa ngayon. Kundi ang nakaw na halik sa kanya ni Yuan. Kinikilig siya at pilit niyang itinatago iyon sa pagkainis sa lalaki.  “Okay lang po ako, Aling Flora. Makakapag-move on din ako.  ‘Pag nakabalik na ako ng Maynila ibang Faith na ang haharap sa kanila.” “Ibang Faith? Bakit may nakaaway ka ba?” tanong ng ginang na nagulamihanan sa kanyang mga sinabi. “Ah, ibig ko pong sabihin ay magiging matapang at matatag na ako na harapin ang buhay.” “Tama ‘yan.  ‘Tska nariyan naman si Sir Yuan tutulungan ka niya.” Lihim siyang napaismid. Walang ginawa itong lalaking ‘to kundi asarin siya, na gustong-gusto naman niya.   “Aling Flora, marami na pong naitulong saakin si Yuan sapat na iyon na niligtas niya ang buhay ko. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil tinanggap n’yo ako at inalagaan.  Tatanawin ko iyon na malaking utang na loob, hinding-hindi ko kayo makakalimutan.” “O, siya sige, bago tayo magkaiyakan kumain muna tayo. Teka, ‘san na ba si, Sir? Bakit ang tagal naman yata niya? Hintayin na lang natin siya,” anang ginang.  “Sige po, Aling Flora, maliligo na lang muna ako.” Pumanhik si Faith sa kanyang silid upang maligo na lang muna. Magkakaharap na naman sila ni Yuan sa hapag. Hindi na siya komportable na kaharap ito. May ibig sabihin kaya ang paghalik nito sa kanya? May gusto ba ito sa kanya? O baka naman sadya lang talaga ito matinik sa mga babae. Lalo siyang nainis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD