“Kailangan ko ng sabihin.” Huminto si Kris sa may pintuan. Ilang segundo siyang nakatayo roon habang pilit na inaayos ang isip. Alam niyang kapag binuksan niya ang bibig niya, wala ng paraan para ibalik ang lahat sa dati. Pero paano pa niya haharapin ang sarili niya kung mananatili siyang duwag? Sa likuran niya, narinig niya si Marie. “Kris?” Napapikit siya. Lumapit siya sa pinsan at umupo sa katapat nitong upuan. “Marie…” Napatingin sa kanya si Marie. “Ano iyon?” Hindi agad nakasagot si Kris. Tinitigan niya ang pinsan. Sa mga mata nito ay malinaw niyang nakikita ang sakit na tinatagong damdamin. Iyon ang mas lalong nagpaigting sa konsensya niya. “May gusto akong sabihin sa’yo.” Napansin ni Marie ang seryosong mukha nito. “May problema ba?” Huminga ng malalim si Kris. “Ewan

