Nang araw na iyon, nagdadalawang-isip man siya, buo na rin ang desisyon ni David. Kailangan na niyang kalimutan kung anuman ang nararamdaman niya para kay Marie. Imposibleng bumaling pa sa kanya ang tingin ng babae, lalo na nang makita niyang masaya si Marie sa tuwing kasama nito si Jorge. At sino ba siya para umasa na balang araw ay mapapansin din siya ni Marie? Ang alam ng babae, galit siya rito. At parang hindi rin maganda ang loob ni Marie sa kanya mula nang sumbatan niya ito tungkol sa kwintas. Hindi niya makalimutan ang mukha nito noong araw na iyon. May kung anong sakit sa mga mata ni Marie na hanggang ngayon ay hindi niya maipaliwanag. Ewan ba niya kung bakit nagbago ang pakiramdam niya sa babae mula nang makita niya itong suot ang kwintas. Dati, wala naman siyang pakialam

