Chapter Thirty Four

1173 Words

Nang makapasok sa loob ng gate sina Kris at David, sakto namang lumabas ng bahay si Jorge kasama si Marie. Napahinto sandali si Kris nang makita silang dalawa. Magkatabi sina Jorge at Marie habang nag-uusap. At ang higit na nakatawag ng pansin niya ay ang ngiti sa labi ni Marie. Hindi iyon simpleng ngiti lamang. May gaan sa mukha nito na matagal na niyang hindi nakikita. Napangiti rin si Kris sa nakita. “Sinasabi ko na nga bang may milagro talagang nangyari sa dalawang ’yan sa loob ng bahay,” mahina niyang sambit. Bagama’t hindi iyon malakas, sapat pa rin para marinig ni David. Napalingon siya kay Kris bago muling ibinaling ang tingin kina Marie at Jorge. “Ganoon ba talaga si Marie?” tanong niya habang naglalakad patungo sa pintuan. Hindi agad sumagot si Kris. Sandali niyang pinagm

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD