Masakit man isipin... Masakit man sa kanyang damdamin... Wala siyang magagawa kundi tiisin ang lahat ng iyon para sa kanyang pinsan. Sa pinakamamahal niyang pinsan, na itinuring niya mula noon na parang tunay na kapatid. Ang tanging magawa niya lang sa mga sandaling iyon ay mapaiyak ng tahimik. Kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha ay ang pagbigkas ng mga salitang... "Kung para sa kaligayahan mo, tutuparin ko kung ano ang hinihiling mo sa akin, Kris. Mahal kita, hindi lang bilang pinsan. Minahal na rin kita na parang isang tunay ko ng kapatid..." Umaagos ang kanyang mga luha habang ipinahahayag iyon. Si Kris... Habang nakaluhod ay napapikit ang kanyang mga mata, hindi mapigilan ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Hindi dahil nasiyahan siya sa mga salitang narinig mula kay Ma

