"Ano ang ibig mong sabihin?" Mahina ang boses ni Marie. Pilit pinipigilan ang pag-agos ng kanyang luha. "May sakit ako, Marie." Nakapikit si Kris nang sabihin iyon. Parang huminto ang paghinga ni Marie. "Ano... anong sakit?" Napayuko si Kris. "Malubha. Sinubukan kong magpagamot. Sinunod ko lahat ng sinabi ng doktor." "Pero..." Naputol ang kanyang tinig. "N-Nilagyan na nila ng taning ang buhay ko." Parang gumuho ang mundo ni Marie. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Lumapit siya kay Kris at hinawakan ang mga balikat nito. "Hindi..hndi puwedeng mangyari iyon. Baka nagkamali lang sila. Magpapatingin tayo sa ibang doktor. Maraming ospital. Maraming espesyalista. At may paraan pa." Napailing si Kris habang umiiyak. "Kung mayroon lang. Matagal ko ng ginawa." Tuluyan ng bumag

