Chapter Twenty Four

1380 Words

Madaling-araw pa lamang nang tuluyang lumabas ng bahay si Marie. Isang maliit na bag lamang ang nakasabit sa balikat niya, habang mahigpit niyang hawak ang susi ng bahay. Bago siya tuluyang lumayo, sandali siyang napalingon sa kanilang bahay. May kung anong kirot na muling dumaan sa kanyang dibdib. Alam niyang pagkagising ni Kris ay magtatanong ito kung saan siya nagpunta. Alam din niyang darating si David. Sigurado siyang nabasa na nito ang mensaheng sinadya niyang i-wrong send. At higit sa lahat, alam niyang hindi iyon basta palalampasin ng lalaki. Hindi niya kayang makita ang mukha ni David habang kinukuwestiyon nito ang ginawa niya. Hindi niya rin kayang magsinungaling habang nakatingin sa mga mata nito. Kaya naisip niyang umalis muna. Kahit ilang oras lamang. Kailangan niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD