Chapter Twenty Five

1419 Words

Nagulat si Marie nang biglang humawak si David sa kanyang braso. Napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa lalaki. “Mag-usap tayo, Marie.” Mababa ang tinig ni David, ngunit sapat iyon upang lalo siyang kabahan. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata. Agad siyang napaiwas ng ringin. Hindi alam ni Marie kung ano ang una niyang sasabihin. “Ano ba ang pag-uusapan natin, David?” “Ang tungkol sa kuwintas.” Sagot nito. Agad na bumilis ang paglagabog ng puso ni Marie. Alam niyang darating ang sandaling ito. Kanina pa niya iniisip kung paano niya haharapin ang lalaki, ngunit ngayong nasa harapan na niya ito, tila nawala ang lahat ng inihanda niyang dahilan. “Wala sa akin ang kuwintas.” Kumunot ang noo ni David. “Kung wala sa’yo, ano ang ibig sabihin ng mensahe mo kagabi?” Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD