PAGKATAPOS naming mahanap nina Allysa, Kurt, at Maverick si Edlaiza ay bigla naming nakaramdam ako ng pagkasabik sa puso ko. Nalaman ko kasi kay Allysa na nagpapasundo na ngayon sa airport si Jai. Si Jai ang kaibigan naming matagal ko ng lihim na gusto. Pero dahil dakila akong clown ng grupo ay mukhang hindi ako seseryosohin ni Jai kapag nagtapat ako sa kanyang gustong-gusto ko siyang maging girlfriend ko. Bakit ko nga ba siya nagustuhan? Nagustuhan ko siya dahil siya iyong unang babaeng naging concern sa akin noong mga panahong namatay ang mga magulang ko. “Papa…Mama, bakit hindi pa ninyo ako sinama? Sabi ninyo walang makakapaghiwalay sa atin? Bakit? Bakit ninyo ako iniwan?”umiiyak na sabi ko habang nakatingin lang ako sa langit. Hindi ko namalayang may dumadaloy na palang masagana

