“Huwag kang hihingi ng hindi mo kayang ibigay. Kasi kung in the first place ikaw mismo di mo kayang ibigay sa kanila yun, anong karapatan mong mag-demand sa kanila ng ganoon?” Tama… Kung gusto kong magkaroon ulit ng kaibigan dapat mag-umpisa sa akin ang pagbabago. Isang buwan na rin ang lumipas simula nung nag-aral rin si Jai kasama namin sa Bitter Technology School. Masayang kasama, at napakabait niya yun nga lang kapareho niya si Alyssa na kapag nagalit ay may pagka-tigressa. Lagi kasi siyang nagagalit sa tatlong makukulit lalo na kay Colin na may pagkabaliw talaga. May groupings kami ngayon at magkakasama kami nina Jai, Alyssa, Colin, Kurt at Maverick. Pupunta kami ngayon sa Heritage Site sa Cebu para mag-picture. Dahil kailangan namin ipasa kay Gng. Martizano para sa Filipino

