Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo, may mga bagay na sadyang pinapangarap mo pero hindi mapapasa'yo kahit paghirapan mo," basa ko sa nakasulat sa pabalat ng libro na nakalagay sa estante ng National Bookstore. Sa sobrang dami ng librong nakita ay ito lang ang bukod tanging pumukaw ng interest ko. Tingin ko maraming makaka-relate na mga bitter sa librong 'yon kasi ang pamagat ay The Bitter One. Mukhang lalaganap na naman ang mga bitter niyan kapag nagkataon lalo na ang katulad ko pero siyempre unti-unti ko ng inaalis sa sistema ko ang pagiging bitter. "Edlaiza okay ka lang? Parang kanina pa kasi malalim ang iniisip mo habang naglalakad tayo papuntang sinehan," nag-aalalang tanong ni Kurt sa 'kin. Nakasuot ito ng puting t-shirt, rip jeans at white ribber shoes na bumagay sa kanya. K

