Ngayon na lang ulit may nagpapuntang kaklase at kaibigan sa bahay ko. Bahay ko kasi ito ang niregalo sa 'kin ng mommy ko noong mag-lalabinlimang taong gulang ako. Katulad lang ito ng mga bahay sa Camella House kaya nagustuhan ko kasi hindi gaanong kalakihan. Ayaw ko kasing tumira sa 'min dahil sa sobrang laki ng mansion namin ay ako lang ang nakatira kasama ang mga tatlong kasambahay namin.Habang sila ay nasa ibang bansa at inaasikaso ang negosyo naming doon. Pumayag si mommy na tumira ako rito sa kondisyon na sasama sa 'kin ang Yaya Chedeng ko. Pero dahil sa tinakot ko silang lalayas ako kapag pinagpilitan nilang samahan ako ni yaya sa bahay ko ay pumayag na rin sila. Siguro isang taon na rin mula ng bumukod ako sa bahay namin at isang taon na rin halos nang mawalan ako ng mga plast

