CHAPTER 2-NEW FRIEND

1169 Words
“Hi Edlaiza,” nakangiting bati ko sa kaklase naming bagong lipat sa school. Katatapos lang ng klase namin sa Chemistry kaya ginaganahan akong mangulit muna. Nakita kong lumingon lang siya saglit pagkatapos ay kinuha na ang bag pack saka umalis. Napangiti na lang ako nang malapad dahil naisip ko na mukhang mahihirapan ako makipaglapit kay Edlaiza pero dahil sa taglay kong kakulitan ay hindi magtatagal ay magiging kaibigan rin naming siya. Natatandaan ko noong nagpakilala ang bawat isa sa amin e siya lang ang bukod tanging pangalan lang ang sinabi pagkatapos nagsalita ng ayaw niya ng kaibigan. “Mukhang may isang taong kaya kang hindi pansinin Allysa kahit na magmukha ka pang friendly,” natatawang sabi sa kanya ni Colin. Napalingon siya sa gawi ng tatlong monggoloid niyang kaibigan. Nakita niyang nakisali na rin sina Kurt at Maverick sa pang-aasar sa kanya. Kaya sinamaan niya ang tatlo ng tingin. “Hindi ninyo ba ako titigilan?” “Oops… Tigil na mga pre kung ayaw ninyong mabatukan.” Narinig kong bulong ni Kurt sa dalawa pagkatapos ay sumeryoso na. Sumunod naman agad si Maverick sa sinabi ni Kurt. “Isa…” Bilang ko habang nakataas ang kilay. Hindi ako pikunin pero nabubuwisit ako sa hindi maawat na pagtawa ni Colin. Gusto ko kasi ako lang ang nang-aasar. Agad naman siyang tumigil sa pagtawa. “Tara na ano pang hinihintay ninyong tatlo umuwi na tayo. Wala na ibang kaklase natin oh!” Pagkasabi kong iyon ay kinuha na nila ang kanilang bag pagkatapos ay naglakad na kasabay ko. "Gusto kong maging kaibigan si Edlaiza. Pakiramdam ko bagay siya sa grupo natin,” nakangiting sabi niya sa tatlo. “Ang tanong gusto ka rin ba niyang maging kaibigan?” Tanong ni Colin sa kanya. “Aray naman Allysa! Bakit ka ba nambabatok?” “Aba’t nagtanong ka pa?” Naiinis na tanong ko sa kanya. “Malamang, kaya nga ako nagtatanong kasi di ko alam kung bakit ka nambabatok,” nagpapaliwanag na sagot niya sa akin. Akmang babatukan ko sana ulit si Colin pero bigla na itong hinila nina Maverick at Kurt palayo sa akin. Ito talaga ang dahilan kung bakit gusto kong maging kaibigan si Edlaiza. Hays… Ang tagal pa kasi dumating ni Jai para naman may makasama na ako. Kapag magtagal pa na sila lang kasama ko e Mamumuti talaga ang buhok ko. Nagmadali na siyang naglakad papunta sa parking area para makauwi na agad. Ayaw niya ng manatili ng ilang minuto pa kasama sila. Pag-uwi ko maghahanap ako ng ilang detalye tungkol kay Edlaiza at kung paano ako mapapalapit sa kanya. PAGKAGISING ko ay nag-asikaso agad ako ng susuotin at mga dadalhin ko sa school. Pakiramdam ko maganda ang magiging araw ko ngayon dahil sa nalaman ko tungkol kay Edlaiza. Dahil sa sobrang nasasabik na akong pumasok ay mukhang makakaalis agad ako sa bahay bago mag-alas otso. Kaya nagpaalam na agad ako kay Yaya Medy na papasok na. Si Yaya Medy ang naging tagapag-alaga ko simula noong sanggol pa ako kaya talagang parang nanay ang turing ko sa kanya. Abala kasi sa pagtatrabaho mga magulang ko na alam ko naming para rin sa kinabukasan ko kaya ginagawa nila makakaya nila para sa ikauunlad ng kompanya namin. Saktong pagbukas ko ng pinto ng bahay ay nasa harap ng gate namin sina Kurt, Maverick at Colin kaya mukhang sabay-sabay na naman kaming maglalakad papasok sa school na palagi naming ginagawa dahil walking distance lang ang school sa mga bahay namin. “Mukhang maganda ang gising mo ngayon Allysa,” nakangiting sabi ni Maverick habang nakasandal sa poste ng gate namin. “Kaya nga Allysa! Parang hindi matanggal iyang pagkakangiti mo. Mukhang may kalokohan ka na naming naisip.” Nahihiwagahang sabi ni Collin. Nakita niyang nakatingin lang si Kurt sa kanila habang nakatayo na akala mo ay pang-Boy-Next-Door lang ang peg niya. “Ano naman ngayon kung masaya ako? Wala na kayo roon.” Nandidilat ang matang sagot ko kay Collin. Nakita kong umatras ito ng kaunti nang lapitan niya. “Basta pakiramdam ko may magiging kaibigan ako mamaya sa school kaya masaya ako.” Masayang sabi ko sa kanila. Nakita ko sa mukha nila na naguguluhan. Bubuka na sana ang bibig ni Maverick para magtanong ngunit hindi na niya naituloy dahil tinalikuran na niya saka nag-umpisang naglakad. Naramdaman kong nakasunod sila sa akin na naglalakad. Ilang minuto kaming naglakad na apat na hindi nag-uusap. Walang gustong sumubok na magtanong sa akin dahil alam din nilang hindi ko sasagutin. Mayamaya ay lumingon ako kina Kurt at nakita kong naghaharutan sina Mav at Collin. Aangilan ko sana sila ngunit may pamilyar akong tao na nakitang naglalakad papalapit sa amin. Binagalan ko ang lakad ko para makalapit kay Edlaiza ng hindi nito napapansin dahil nakita kong abala ito sa pakikinig ng musika habang nakasalpak ang earphone sa tainga nito. Nagtaka naman sina Maverick, Collin at Kurt kaya sinundan nila ako ng tingin. Sinenyasan ko sila na huwag munang lumapit sa amin. Sana lang e naintindihan nila. Pero mas kinakabahan ako kay Collin dahil isang slow pa naman ang lalaking iyon. “Hi Edlaiza! Sabay ka na sa amin papasok sa school,” nakangiting sabi ko sabay akbay sa kanya. Nakita kong napaigtad siya sa ginawa kong pag-akbay sa kanya. Kaya tinanggal ko ang braso ko sa balikat niya. “Edlaiza, alam mo bang may bagong labas na episode ng One Piece sa Funimation?” Masiglang sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko ay kakagat si Edlaiza sa ipinain ko para makipag-usap sa akin. Nakita kong tinanggal niya ang earphone sa kanang tainga niya pagkatapos ay tumingin sa akin. Napansin kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa pagiging seryoso ay nakitaan ko siya ng kuryosidad dahil sa sinabi ko. Patuloy pa rin kami sa paglalakad ng sabay habang nakasunod sina Maverick, Kurt at Collin sa amin. “Ta-talaga bang may bagong labas ng episode ng One Piece?” Naninigurong tanong niya sa akin. “Nasa Fishman Island na kasi ako kaso itinigil ko muna ang panonood dahil gusto ko ipunin muna mga episodes bago ko panoorin.” “Oo, gusto mo sa susunod bigyan kitang copy ng lahat ng episodes ng One Piece? Mayroon din akong libro ng One Piece kung gusto mo,” masayang sabi ko sabay angkla ng kamay ko sa braso niya. Akala ko ay magugulat ulit siya sa ginawa ko pero nakita kong nakngiti iya. “Talaga! Bibigyan mo ako ng episodes ng One Piece?” Namimilog ang mga matang tanong niya sa akin. “Oo ba! Basta ipaalala mo sa akin mamayang uwian para dalhin ko kinabukasan. Pero iyong hardcopy na muna ang ibibigay ko kasi hahanapin ko pa kung saan ko inilagay ang hardrive ko. “Isali ninyo naman kaming tatlo sa usapan ninyong dalawang girls,” nagko-chorus na sabi ng tatlo. Inirapan niya lang ang tatlo sabay hinatak niya ang braso si Edlaiza para tumakbo. Ilalayo niya muna si Edlaiza sa tatlo para magkausap pa sila at mapalagay ang loob nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD