CHAPTER 3-MONTH OF BITTER

1623 Words
Hindi niya namalayang lumipas na agad ang isang buwan. Ngayon ay buwan na ng Agosto at may pa-event ang school para naman makapag-relax naman daw sila kahit isang linggo lang. Ngunit mukhang hindi rin nila mae-enjoy kasi kailangan nilang mag-join sa pa-event ng school para sa dagdag points nila sa performance task nila. Hulyo kasi nagsimula ang klase nila kung saan wala silang inatupag kung hindi ang makinig sa mga aralin at gumawa ng paperworks. Ang ganda nga ng pangalan ng event kasi kakaiba. Wala atang paaralan ang may event na katulad sa paaralan na ito. Imbes kasi na Buwan ng Wika ay naging Buwan ng mga Bitter ang ipinagdiriwag nila. “Grabe ang saya bagay na bagay sa 'ming mga bitter,” piping sabi niya sa sarili habang nakasimangot na nakatanaw sa buong paligid ng paaralan. Dahil isang linggo rin silang walang klase ay may oras sila para magliwaliw at i-enjoy ang event. Siyempre kikita na naman ang school dahil maraming mga stalls ang bukas para sa pagkain, mga kung ano-anong puwedeng bilhin, may stall rin na puwedeng mag-request ng kanta at ang pinaka-main event nila ay Hugot Line's Contest 2018. Ginanap ang event sa covered court dahil doon lang ang may malaking space. Color coding ang mga t-shirts nila na pakulo ng school para raw madaling ma-identify ang bawat ka-bitteran ng bawat isa. Kapag black ‘yong may suot ibig sabihin single na bitter. Kapag red naman ay happy na bitter. Ang pink ay para sa mga friendly na bitter. Tapos kapag white naman ay bitter lang talaga wala ng iba, kaya nga ito ang kulay na suot niya ngayon kasi wala siya sa mga pagpipilian sa naunang tatlo. "Edlaiza hindi ka ba makiki-join sa event? Aba, huwag ka ngang magmukmok diyan sa sulok para ka kasing tanga riyan," sabi naman sa kanya ni Alyssa na walang ginawa kung hindi ang i-harrass siya noong mga nakaraang araw para lang maging kai…kasama niya. Akalain mo ‘yon ang mga dating kinaiinisan niya noong unang araw niya ritong pumasok sa B.T.S ay magiging kai… malapit pa sa kanya. Sa loob ng isang buwan ata wala na siyang inatupag kung hindi guluhin ang bitter niyang mundo. Kaya kahit labag sa kalooban niya na makasama ito ay wala siyang magawa dahil ang lakas niyang kumapit katulad ng pagkapit ng mga linta sa mga lalaking gusto nila. Idagdag pa na para itong isang amazona kapag nagagalit. Napansin niyang nakakulay pink ito na t-shirt. Iilan lang talaga ang nakasuot ng kulay puti na kagaya ng sa 'kin. Sabagay, sila na siguro ang may pinakamabigat na pinagdaanan sa lahat ng mga mag-aaral na nandito. Pati nga mga teacher nakigaya na rin sa pakulo ng mga student council na nag-organized ng event na ito. "Ano ba? Ang kulit mo naman Alyssa sabing ayaw ko nga e!" inis na sabi niya sa kasama. "Wala kang magagawa friend dahil kahit anong ayaw mo kasali ka na sa Hugot Line's Contest. Isinali ko ‘yong pangalan mo ro’n sa list. Saka magaling ka naman atang humugot di ba?" nakangising sabi sa kanya ni Alyssa. "Bakit mo ginawa ‘yon Alyssa? Tae ka talaga hindi ka na nakakatuwa ha? Bakit hindi na lang ikaw ang sumali imbes na ako?" inis na sabi niya habang nakatingin nang masama sa kanya. Halo ang nararamdaman niya ngayon. Natutuwa siya na naiinis kay Alyssa dahil sa isinali siya sa contest. Humawak muna sa balikat niya si Alyssa bago nagsalita. "Pasensiya ka na bes, huwag kang mag-alala bibigyan kita ng bagong episode ng One Piece. Kaya sumali ka na sa contest ha?" Biglang nawala ang inis niya sa kaharap. Lintik 'yan hindi na talaga siya makakatanggi kapag ‘yong favorite niya na ang inihahain. Inirapan niya muna ito bago nagsalita. "Oo na! May magagawa pa ba ako kung hindi ang pumunta sa lintik na contest na 'yan." "Sus, kunwari ka pa Edlaiza alam kong pumayag ka lang dahil may One Piece na kapalit," nakangiting sabi naman nito sa kanya. Hindi pa ito nakuntento kaya itinulak pa siya. "Oo na! Kailan ba ‘yang contest na 'yan at saan? Saka nasaan ‘yong tatlong boys nagsuot?" Nakasimangot na tanong niya rito pagkatapos ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Biglang may narinig silang nagsalita nang malakas sa stage kung saan gaganapin ang contest kaya napalingon sila. "Magandang tanghali mga kapwa ko mag-aaral ng Bitter Technology School. Magsisimula na ngayon ang ating Hugot Lines Contest 2018 kung saan dalawang mag-aaral lang ang maglalaban para tanghaling kampeon ngayong taon!" masigla at masayang sabi ng host ng contest. "Ngayon na nga siya Edlaiza saka ewan ko sa tatlong engot na ýon kung nasaan sila," mahinang sabi ni Alyssa sa akin. “Kung sinusuwerte nga naman siya,” napapailing na wika niya sa isip. Kung hindi lang nakataya ‘yong bagong episode ng One Piece hindi talaga siya sasali sa kalokohang contest na 'yan. Hinila na siya ni Alyssa papunta roon sa stage kung nasaan si Kurt na pinagkakaguluhan ng mga babaeng nanonood. “Kanina pa natin sila hinahanap ‘yon pala ayon lang si Kurt tapos ang dalawang kumag nagche-cheer lang sa kanya sa baba habang pinalilibutan ng mga babae,” nakakunot noong sabi nito habang masamang nakatingin sa gawi nina Maverick. Parang may naaamoy siyang nagseselos pero baka guni-guni niya lang ‘yon. "Wala ng maraming satsatan 'to magsisimula na ang contest. Isang babae at isang lalaki lang ang maglalaban para maging kinatawan ng mga babae at lalaki rito sa school. Ako nga pala si Nathan Liu mula sa Grade 12-Willingnes at ako ang inyong host ngayong taon. Handa na ba kayo mga schoolmates sa labanang magaganap ngayong araw?" malakas at masiglang sabi no’ng host kaya nagsigawan nang malakas ang mga stupidyante bilang sagot sa kanya. "Sino ang manok niyo? Si Kurt ba na isang guwapo at hearthrob ng school o si Edlaiza na isang transferee?" narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga babae pati ng mga lalaki nang binanggit ng host ang pangalan nilang dalawa. Tiningnan niya muna si Kurt kung ano ang reaction niya bago magsimula ang contest. Nakita kong relax lang siya at nakukuha pang kumaway sa mga girls na akala mo mahihimatay na sa sobrang kilig. Nakita kong magkasama sina Allysa at yung apat na lalaki sa may harapan ng stage. "Simulan na natin ang laban ng hugutan. Ang mananalo sa contest na ito ay magkakaroon ng tsansang maka-date ang isa't isa. Ang mauunang magsasalita ay si Edlaiza," masayang sabi ng host. Marami akong narinig na bulungan pagkatapos sabihin ng host yun. "Hala ba't ganun?" "Makaka-date niya si Kurt?" "Ano ba naman yan kung alam ko lang na date ang mapapanalunan sumali na ako sa contest." Shit naman 'tong si Alyssa! Bakit ba niya ako sinali rito sa contest na 'to. Mukhang pinagtripan ata ako ng mga 'to. Kaya tiningnan ko nang masama si Alyssa para ipakitang buwisit ako pero tinawanan lang niya ako. Binigyan na kami ng host ng kani-kaniyang wireless na microphone para dinig ng lahat ang sasabihin namin. "Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi," seryosong sabi ni Kurt "yong lalaking dadalhin ka sa bahay nila para makilala ka ng magulang niya, hindi ang kuwarto niya," seryoso ring sabi ko sa kanya. "Alam mo ba na scientist ako? At ikaw ang LAB ko," malambing na sabi niya sabay turo sa 'kin kaya nagtiliin ang mga babae. "Iyong mga taong sobrang nasasaktan pero nakukuha pa ring ngumiti," nakangising sabi ko naman sa kanya. "Hindi lahat ng taong nagmumura ay masama, dahil hindi rin lahat ng nagdarasal ay mabubuti diba?" naghiyawan ang mga kalalakihan at mga kababaihan pagkatapos niyang magsalita. Wala naman atang audience impact yung hugutan. "Hindi ako nagbago, natuto lang ako. Hindi kasi pwedeng habambuhay tanga ako." "Mahal mo nga pero nasasaktan ka na pala, dapat lang na hayaan mo na. Pagdating sa pag-ibig masasaktan ka talaga. Kahit pa sabihing diyan ka masaya. May hangganan pa rin yan," seryosong sabi niya at naghiyawan na naman ang mga babae. "Ang relasyon, para sa dalawang tao lang, kaso may mga malalanding hindi marunong mag-bilang," mariing sabi ko na ikinasigaw ng mga kalalakihan kaya parang mas lumakas ang energy ko dahil sa sigaw nila. "Sa pagmamahal dapat may paninindigan ka rin. Kung LABAN, ilaban at ipaglaban mo. Kung bawi e di bawi. Hindi pwede yung ngayon lalaban ka tapos bukas binabawi mo na," nakangising sabi niya at narinig kong nag-boo yung iba. "Hindi mo kailangan magpanggap na hindi ka nasasaktan, kung si Superman nga nasasaktan ikaw pa kaya na walang powers Lahat tayo may hanganan, hinde natin kaya magpanggap forever," bahala na kung matalo ako o manalo sa contest. Mukhang may ibubuga siya pagdating sa contest na ito. "Minsan, dapat huwag nang ipilit ang mga bagay na hindi na pwede. Lalo na kung ramdam mo namang ito'y imposible. Try to move on, and let go," nakangising sabi niya sa 'kin. Dahil doon sa sinabi niya ay parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko para akong naging na-blangko ng ilang minuto. Naramdaman ko na lang na unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. "Wala kang alam kung ano ang pinagdadaanan ko kaya manahimik ka!" galit na sabi ko sa kanya. Bago ako naglakad palayo ay inilipag ko muna ang microphone sa lamesa at tumakbo papunta sa lugar kung saan walang tao. Hindi niya alam kung bakit parang tinamaan siya sa huling sinabi ni Kurt sa kanya. Alam niyang Hugot Lines lang iyon pero tumagos sa puso niya. “Time doesn't really heal the heart. It just makes the heart forget all the pain.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD