"Hala! Anong nangyari kay Edlaiza at nag-walk out siya kung kailan patapos na yung laban?" tanong ni Alyssa sa tatlong lalaking kasama niya. "Malay namin? Wala naman kami doon sa stage kaya hindi rin namin alam," nagtatakang sabi ni Maverick kinj Alyssa. Marami na rin ang nagbubulong-bulungan kung bakit nga nag-walk out si Edlaiza. Maging si Kurt na kalaban niya ay nagulat din sa naging reaksiyon ni Elaiza sa huling linyang sinabi niya. "Konting katahimikan lang po. Dahil bigla umalis si Edlaiza sa katapusan ng contest ng hindi natin inaasahan, ang panalo ay si Kurt Apolinar ng Ampalaya Section at maaari niyang yayayain si Edlaiza na mag-date kahit kailan niya gusto! Muli maraming salamat sa mga nanood at nakilahok sa Hugot Contest, maaari na kayong pumunta sa

