Dati ako 'yong tinatawag nilang "The Bitter One" kasi nga ako iyong klase ng estudyante na kahit kaibigan kinatatakutan ko, at kusa akong lumalayo. Sabi nga sa quotation na nabasa ko sa f*******: ko noong nag-browse ako noong nakaraang araw,"Happiness is like a butterfly: the more you chase it. The more it will elude you. But if you turn your attention to other things. It will come and sit softly in your shoulder." Alam kong nasa akin lang nakasalalay kung magiging masaya ako o hindi. Kaya pinili ko na lang ang maging masaya at hindi ang maging miserable buong buhay ko. Maikli lang ang buhay ng tao kaya dapat mabuhay tao ng walang takot, at pighati. Kailangan nating matutong maging masaya, at tanggapin ang lahat ng pagsubok na darating sa ating buhay. Masasabi kong hindi tayo bibigya

