Pagkatapos naming kumain ay agad na nagyaya sa amin si Kurklaiz. Hawak-kamay kaming tatlo na naglakad palabas ng gate ng aming bahay. Masaya, at nagtatawanan pa kami habang naglalakad. Malilim ang nilalakaran namin dahil sa maraming puno ang nakalagay sa sidewalk. May mga mangilan-ngilan dahon ang bumabagsak dahil na rin sa hangin kaya walang tigil sa kasasayaw ang mga sanga, at dahon sa puno. Mabuti na lang ay mangilan-ngilan lang ang naglalakad kaya paminsan-minsan ay hinahayaan naming magtatakbo si Kurlaiz. Halatang tuwang-tuwa siya dahil ngayong linggo ay makakapaglaro na siya ulit sa parke kasama ang mga anak din ng mga nakatira sa Subdivision nila. Tuwing Linggo lang kami pumupunta rito dahil gusto ko ay kasama namin si Kurt tuwing pupunta kami ng parke. Hindi pa rin kasi n

