"Ako na ang susundo sayo pagkatapos ng klase."
Hindi ako mapakali pagkatapos kong mabasa ang huling text ni Tito.
Halos wala nang pumapasok na lektyur sa utak ko na ikinaiinis ko na rin ang nangyayari sakin.
Eksaktong palabas na kami sa classroom ng huling subject ay naramdaman kong nagvibrate ang CP ko sa bag.
"I'm here." basa ko sa text ni Tito.
"Nakakainis , wala halos pumasok sa utak ko ngayong araw." daing ni Jazleen.
Napailing rin ako.Kung alam nya lang ang nangyayari sakin.Baka di na sya magrereklamo.
"Ako rin naman.Magbasa na lang tayo ng notes para maintindihan natin."
"Hmp!Ano pa nga ba? Instead na tatapusin ko sana mamayang gabi yong last episode na pinapanood ko.Mukhang hindi ko na maisisingit."
Hindi na ako sumagot.
"Nandyan na ba ang sundo mo?" tanong nya.
"Oo, nagchat kanina si T-tito." nautal pa ako dahil oo nga pala.Hindi ko nabanggit sa kanya na dumating si Tito galing ibang bansa.
"OMG!Tito?As in yong tito mong hot and yummy?Si Tito Will?????!" gulat na gulat sya at may paghampas pa.
"Oo." tipid na sagot ko.
"Edi ikaw na ang may gwapong Tito na taga sundo!" himutok nya.
"Bakit?May sundo ka rin naman ah."
"Oo nga,pero di ko naman Tito."
"At least may sundo ka.Kaya 'wag ka na magreklamo.Bilisan na natin." saka ako nagmadaling maglakad dahil naalala ko, nakakahiyang paghintayin si Tito.
"Sige na,Besh!Mauna ka na.On the way pa raw ang sundo ko.Natraffic,tatambay na lang muna ako sa loob."
"Ganon ba?Okay sige,kita na lang tayo bukas..Bye!" nakipag beso ako at tuluyan ng umalis.
Dumiretso na ako sa hintayan ng mga may sundo at natanaw ko na si Tito na nakatayo sa unahang bahagi ng sasakyan.Ipinilig ko ang aking ulo dahil napapatitig na naman ako sa kanya.
"Hello po,Tito." Sabi ko habang lumalapit sa kanya.Kasalukuyan nya kasing binubuksan ang pinto para makasakay na ako.
"Hi sweetheart,get in."
"Thank you po."
Sumakay na ako at sinarado nya ang pinto bago lumipat sa in kabila para makasakay na rin.Ikinabit ko naman agad ang seat belt habang binubuhay nya ang sasakyan.
Pinagpasalamat ko na naman na may music ulit..
"So, how's your day?"
"O-okay naman po."
Gusto ko na murahin ang sarili ko kahit di ako palamura dahil nauutal na naman ako.
"Are you scared of me,Nikka?" nilingon nya ako,nakataas ang sulok ng labi.
"H-hindi naman po.Naninibago lang po yata ako."
"So, that means I need to send and pick you up to school more often para masanay ka?" hindi ko malaman kung nagbibiro o ano.
"No, Tito.Hindi po sa ganon.N-nanibago lang po siguro talaga ako."
Narinig ko ang bahagyang tawa nya.Mas lalo akong nailang na di ko maintindihan.
"No, it's okay.Don't worry.Kapag may extra time ako,ihahatid at susunduin kita.And I don't take no for an answer." final na sabi nya..
"Ahm..Kayo po ang bahala,Tito."
Tanging nasambit ko dahil nahihiya na akong mag protesta.
Pareho kaming tahimik sa kabuuang byahe, kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag nong mapansin kong malapit na kami.
"Salamat po ulit,Tito."
"You're always welcome,Sweetie."
Nauna na akong pumasok sa loob.Dumiretso ako sa itaas dahil alam kong wala pa ang mga magulang ko.Pumasok ako sa kwarto at sumandal sa pinto pagkasara nito.
Hindi ako tumakbo pero parang hinabol ng sampung kabayo ang kabog ng dibdib ko.
Siyam na taong gulang ako nang maulila ng lubos.Maagang nawala si Papa sa sakit na colon cancer, noong ako ay limang taon pa lang .Habang si Mama naman ay biglaang nawala dahil sa brain aneurysm.Hindi naging madali sa akin ang lahat.Wala kaming malapit na kamag-anak .Tanging sina Mommy at Daddy ang matalik nilang kaibigan at pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko.Sila rin ang aking Ninong at Ninang.Lumaki akong malapit sa kanila kaya wala rin akong gustong samahan kundi sila.Na Ipinagpasalamat ko dahil hindi nila ako kailanman pinabayaan.Malaki ang naging epekto sakin ng biglaang pagkawala ni Mama kaya kinailangan kong mag undergo ng counselling.At sa lahat ng oras,nakaalalay sila Mommy at Daddy sakin.Kahit may nag- iisang anak sila na labing anim na taong gulang.Si kuya Marko..Mabait si kuya sakin simula nong magkaisip ako.Kapatid na ang turing nya sakin kaya di na ako nahirapan nong tumira ako sa kanila.Masasabi kong nakatagpo talaga ako ng mabubuting puso dahil hindi ko naramdaman ang pagiging ibang tao sa kanila.
Hindi man nila ako legal na inampon ,pero sila ang legal guardian ko.May naiwang last will sa abogado si Mama na nagsasaad na ipinagkakatiwala nya ako at ang mamanahin ko sa pangangalaga nila Mommy at Daddy habang bata pa ako.Ginawa nya raw yon pagkatapos mawala si Papa.Sabi pa ng abogado, parang nahuhulaan raw ni Mama ang mga mangyayari kaya inasikaso nya ang lahat para secured ang future ko financially.Nalungkot ako lalo dahil don.Lalo ko silang minahal dahil all this time, kapakanan ko ang priority nila.Hindi nila ako iniwan na walang-wala . Pera pa rin ng mga magulang ko ang nagpapaaral sa akin.Although homeschooling ako simula nang mawala pati si Mama.
Nasa sekondarya na ako nang tuluyang maging maayos.Kaya ko nang pumasok sa normal na eskwelahan.Mahirap sa umpisa pero unti-unti,nakasanayan ko na rin.
Labingwalong taong gulang ako nong una kong makita si Tito.Bunsong kapatid sya ni Daddy at malayo ang kanilang edad.Menopausal stage na ang mama nila nong ipinagbuntis si Tito. Kaya sa America namalagi ang magulang nila upang maalagaan ng maaayos ang pagbubuntis nito.Halos ilang taon lang ang tanda ni Tito kay kuya.
Naging maayos naman ang sitwasyon ko.Malaking tulong ang therapy at ang pamilyang kumupkop sa akin para makapamuhay ako ng normal.May mga oras na nalulungkot pa rin ako kapag naalala ko ang aking mga magulang at namimiss ko sila ,pero dina gaanong mabigat sa dibdib dahil tanggap ko na.
Umuwi si Tito , few days before my 18th birthday.Hindi ko alam kung sinabihan nina Daddy o nagkataon lang.Nagulat ako dahil ibang -iba ang mukha nya sa piktyur kumpara sa personal.Matangkad,moreno at ang gasgas na linyang "gwapo".At sanay rin syang mag Tagalog.
Wala na sana akong problema maliban sa estrangherong pakiramdam sa puso ko kapag naiisip ko si Tito.Kaya laking gulat ko na makita sya kagabi.Muling nabuhay ang kakaibang damdamin at takot sa dibdib ko dahil sa pagdating nya.
Magkasunod na katok sa pinto ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan..
"Nikka?"Pinapatawag ka na sa ibaba.Nandyan na sila Ma'am at Sir.
Nagmadali akong kumilos para magbihis."Susunod na po ako ate!" sigaw ko.
Paglabas ko ng kwarto,sya ring bukas ng kwarto na nasa bandang dulo.Napalingon ako at nakitang naglalakad na rin palapit si Tito.Bahagya akong ngumiti at nauna nang maglakad.
Nasa hapag na sina Mommy at Daddy.Bumati ako at humalik sa kanilang dalawa.
"Kumusta ang school mo anak?" tanong ni Daddy.
"Ayos lang po,Daddy." ngumiti ako sa kanila.
Napatingin si Mommy sa likod ko."Oh Will, maupo ka na rin.Di ka nagpasabi na uuwi ka.Wala ka tuloy naabutang gising kanina.Madaling araw ka na raw dumating?" bungad niya kay Tito.
Bahagya kong nilingon si Tito.Ngumiti sya kay Mommy.
"Okay lang,ate.Sinadya ko talagang gabi ang dating."
"Okay that's enough.Let's eat first!" singit ni Daddy.
Nagpaalam ako agad after dinner at nagdahilan na may gagawing homework na totoo naman.
Abala ako sa ginagawa nang biglang narinig ko na may kumakatok sa pinto.
"Hi , Sweetheart.Naistorbo ba kita?" si Tito.
"Ah, hindi naman po,Tito.Bakit po?" nagtatakang tanong ko.
May iniabot syang paper bags.Isang stripe na pink and black at isang plain white at black ang name ng brand na nakasulat.
"I just wanna give you these .I hope you'll like them." nakangiti nyang sabi.
Napatingin ako sa mukha nya.Nahihipnotismo ako at napapatitig sa mga mata nya sa tuwing tatawa o ngingiti sya.O kahit seryoso..
Katulad ng ngiti nya sa piktyur namin nong 18th birthday ko.
"Hey, earth to you sweetheart!" napapitlag ako.Gusto ko itago ang pisngi ko dahil alam kong namumula ako sa hiya.
"You're scaring me.Maybe you don't like my gift?"
"No, Tito! Sorry!O-of course I like it!Thank you so much!"hinalikan ko sya sa pisngi na pareho naming ikinabigla.Napaawang ang bibig nya at napatitig naman ako sa kanya.
"A-ahm sige po Tito.Tatapusin ko na po yong homework ko.Salamat po ulit." namumulang sabi ko.
"You're always welcome, Sweetheart!" nakangising sagot ni Tito.
Napatampal ako sa noo pag sarado ko ng pinto.Gusto ko na lang lamunin ng sahig.
Napatingin ako sa paper bags na hawak ko.Nanlumo ako.. Sinisikap kong pigilan kung anuman ang dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko sa tuwing nandyan si Tito.Dahil hindi pwede.. Alam kong bawal.. Pero mas lalong sumisidhi ngayong nandito sya ulit..