Hatinggabi,habang nagri-review ay nakaramdam ako ng uhaw.Nagpasya akong bumaba upang uminom at maghanap ng pwedeng snacks dahil nagutom rin ako bigla..
Nasa harap na ako ng ref at namimili ng maiinom maliban sa tubig.Napatingin ako sa gatas at nagpasyang yon na lang ang dadalhin ko sa itaas.
Nagsalin ako sa baso at inilagay sa microwave para initin ng kunti.
Sinisikap kong alalahanin ang mga nirereview ko habang naghihintay na matapos ang microwave nang biglang tunog ng pagbukas ng refrigerator sa likuran ko...
"Ay palaka!"literal na halos mapatalon ako sa gulat.
"f**k!"biglang sabi ng kung sino dahilan para dumoble ang gulat ko.
Bigla akong nanlamig.Hindi ako makapaniwala sa naiisip ko.Pamilyar ang boses,boses na kilalang-kilala ko kahit halos di kami nagkakausap mula umpisa.Halos mabibilang ko sa aking daliri ang pagkakataong nag-usap kami simula noong mapunta ako sa pamilyang ito..
Yes..Alam ko kung sino ang taong sumulpot sa likuran ko . Si tito Will..Bunsong kapatid ni Dad..
"Are you not going to face me and say Hello,Ba-- I mean Annika?"natunugan ko na nakangisi sya habang nagsasalita.
Dahan-dahan ko syang hinarap habang di ko alam kung bakit halos sumabog ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito.
"Err..Hello po ,Tito.Welcome back home."nahihiya kong sabi.
Naaninag ko sa kunting liwanag ng mapusyaw na ilaw ang pagtiim ng titig nya at pagtaas ng sulok ng labi nya.
Kinabahan na naman ako..
"Thank you and sorry kung nagulat kita."nanunukso na sabi nito.
"Wala po yon.Di ko lang po akalain na may tao at ikaw pa.I mean,di po kasi nabanggit nina Daddy na darating ka."
"Well,hindi talaga alam nina kuya na darating ako.Di ako nagpasabi."
Nagulat ako sa sinabi nya.Pero naisip ko, matanda naman na sya.Di na nya kelangan ipaalam kung ano ang mga ginagawa nya.
"Ganon po ba?Kumain ka na po ba? Nagugutom ka po?Gusto nyong ihanap ko kayo ng pwede kainin?"nagmamadali kong tanong sa pag-iisip na baka wala pa syang hapunan dahil nga kararating nya at lagpas hatinggabi na.Although may dalawa naman kaming kasambahay pero ayoko na istorbohin pa dahil oras na ng pahinga.Nagtataka rin ako kung bakit nakapasok si Tito habang tulog pa ang lahat.Oh well...Bahay nya rin nga pala ito.Kahit pa pinamana na ng kanilang magulang kay Daddy,di nila tinanggalan ng karapatan si Tito.Dahil sa pagkakaalam ko,may sarili pa ako rin syang susi ng kabahayan.
"No, I'm okay, Sweetheart.Thank you.I had my dinner at the airport before going home.I was just thirsty that's why I came here.You should rest,I know you have school tomorrow.And it's very late for you." napatingin sya sa kanyang relo.
Bahagya akong nagulat sa itinawag nya sakin pero pilit kong binalewala.
"Sige po.Goodnight po,Tito.Aakyat na po ako." Paalam ko sa kanya.Bahagyang nanghina ang tuhod ko dahil sa pagtitig nya sakin bago tumango at ibinalik ang atensyon sa tubig na iniinom..
Mabagal akong naglakad pabalik sa aking kwarto.. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.Isa lang ang malinaw...Ito ay ang pag-usbong muli ng kung anong damdamin sa puso ko na hindi ko maipaliwanag..Sa kabila ng kalituhan, andon na naman ang takot...Takot sa lahat..Sa sarili ko,kay Tito at sa pamilyang kumupkop sa akin simula nang maulila na ako ng lubos..
Tinanghali ako ng gising kinabukasan.. Ayos lang naman dahil hindi maaga ang umpisa ng klase ko ngayong araw.Naligo ako at bumaba para mag-almusal.Inabutan ko si ate Ikay na nag-aayos ng lamesa.Nahulaan ko kaagad na nakaalis na ang Mommy at Daddy ko.Parehong pumapasok sa opisina ang mga magulang ko.Although,di naman na kelangan magtrabaho ni Mommy.Sadyang ayaw nya lang na walang ginagawa at mas piniling tumulong kay Daddy.
"Gising ka na pala, Nikka..Magandang umaga!Mag-aalmusal ka na ba?" nabiglang bungad ni ate Ilay.
"Good morning, ate.Opo.Ako na po ang bahala."
"Ahh,tamang-tama,nagpapahanda na rin ng makakain ang sir Will.Sumabay ka na.Teka at tatawagin ko." tuloy-tuloy na wika ni ate Ikay habang naglalakad palabas ng dining area.
Natigilan ako.Nawala sa isip ko na nandito nga pala si Tito.
Wala akong nagawa kundi maghintay dahil ayokong may masabi sya kung mauuna akong kumain gayong alam kong tinatawag na sya ni ate Ikay.Maya-maya ay bumungad si Tito.Nakasimpleng maong jeans at white polo shirt lang ito pero halatang may lakad.
"Ahm. Good morning po, tito."bati ko bago tuluyang umupo.
Bahagya nyang ipinilig ang ulo habang nakatitig sakin bago tumikhim..
"Good morning, sweetie.Anong oras ang pasok mo? ani niya habang umuupo.
"11 po ang first subject ko today."Sabi ko.
"Ganon ba? Sumabay ka na sakin.Idadaan na kita sa school mo.Pupunta ako sa company today ."Sabi nya habang ini-aabot sakin ang kanin.Ganon rin ang ginawa nya sa mga ulam.
"Okay lang po ako ,Tito.Magpapahatid na lang po ako kay kuya Ben." muntik pang manginig ang boses na tanggi ko.
"Hindi na, nasabi ko na sa Daddy mo na isasabay kita.May iniutos rin sya kay Ben ." balewalang sambit nya.Wala na akong nagawa kundi tumango.
"Sige po." mahinang sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
Naghihintay na si Tito pagbaba ko..Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na halos ikangatog na naman ng mga binti ko.
"Your skirt is too short..."
"Ganito po kasi ang required length .." mahinang sagot ko.Andon na naman ang lakas ng kabog ng dibdib ko na sinisikap kong huwag ipahalata.Long sleeve blouse na medyo fitted at above the knee skirt ang uniform ko..
Hindi na sya nagsalita.Tinitigan nya ako saglit at nag-aya na.Nagmamadali akong sumunod..Lihim akong napahanga sa sasakyang bago sa akin paningin dito sa garahe.Lexus na black..Di na ako nagtaka kung nang buksan ni Tito ang pinto para makasakay ako.Nagpasalamat ako pagpasok ko sa loob.
Tahimik kami pareho sa sasakyan, nagpatugtog ng mahinang music si Tito kaya pinilit kong ibaling don ang pansin.
"You're in 3rd year in college right?"
"Yes po.."
"What is your plan after your studies?"
"Magwowork po.Sinabi ko kina Mommy na susubukan ko po muna magwork sa iba."
Napatingin siya sakin na parang pinag-iisipan ng malalim ang sinabi ko.
Hindi na bago ang ganong reaksyon sakin dahil kahit mga magulang ko ay tutol nong una kong sabihin yon.Pero naisip kong mas makabubuti yon sakin.
"Well, good luck.Alam kong may magandang rason ka sa naisip mong desisyon.".
"Salamat po,Tito."
Hindi na sya sumagot.Napansin kong nag-iba ang mood nya..Inabala ko na rin ang sarili ko sa pakikinig ng mahinang kanta..Maya-maya ay natatanaw ko na ang university.Naghanda na ako para bumaba.
"Salamat po ulit,Tito.Ingat po."
"You're welcome, Sweetie." bahagya lang umangat ang gilid ng labi nya.Andon pa rin yong ekspresyon ng mukha nyang parang galit O naiinis sa di ko malamang dahilan .
Bumaba na ako at tuloy-tuloy na pumasok sa unang klase.
"Niknik,kinukulit na naman ako ni Neyran . Hinihingi ang number mo!." malakas na sabi ng kaibigan kong si Jazleen.
Nag iisa lang syang kaibigan ko simula senior high school.Nagkakasundo kami sa maraming bagay at di sya nega kaya nag click kami.Hindi kasi ako friendly masyado.I can be nice to everyone who is showing me kindness that's all..
"Hayaan mo sya."
"Ang kulit kasi!." maktol nya na ikinatawa ko .
"Wow ha!Nagagawa mo pa akong tawanan sa kalbaryong dala ng mga manliligaw mo." sabay irap nito sakin na ikinatawa ko lalo.
"Edi sorry!" tumatawang sagot ko habang nauna na maglakad papunta sa canteen.Pinaniningkitan nya na kasi ako ng mga mata nyang talaga namang singkit.
Isa si Neyran sa makulit na manliligaw ko .Di ko sila sinusungitan pero sinisikap ko rin na maging civil lang.Dahil wala naman akong plano mag boyfriend pa.
Yes,NBSB ako until now.Focus ako sa pag-aaral at di naging intresado sa pakikipag boyfriend.
Naghihintay na lang kami ng order namin ay nagvibrate ang CP na hawak ko.
"Anong oras matatapos ang klase mo?"
numero lang,ibig sabihin,di nakarehistro sa contact lists ko.Pero parang alam ko na kung sino.May panibagong mensahe ulit .
"It's me,Will." Ayan na naman yong kakaibang kabog sa dibdib ko...