Prologue
- Harmony -
“Bilisan mo na Harry at baka abutan tayo ng malakas na ulan!" malakas kong sigaw sa aking nakakabatang kapatid.
“Wait lang naman Ate! Alam mo naman na may hawak akong bayong, ang bigat-bigat pa naman." nakasimangot na sagot nito sa akin.
“Kahit na, mamaya abutan tayo ng malakas na ulan, wala pa naman tayong dalang payong"
Hindi na ito sumagot at malalaki ang mga hakbang na naglakad. Kakauwi lamang namin sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke. Madalas ay dalawa kami ni Harry ang nagtitinda ng mga pinitas naming gulay sa aming bakuran. Dahil kapag naglalabada si Mama ay hindi ito nakakasama. Si Papa naman na dapat siya ang katuwang namin, ayun at puro alak at barkada lang ang inuuna. Madalas nag-aaway ang aming magulang. Halos sa araw araw ata na kami ay nabubuhay, ay palagi nalang ganun ang ginagawa ni Papa. Ang haba na din ng listahan ng utang sa tindahan. Nakakasama talaga ng loob palagi itong si Papa. Kapag hindi lang ito nakakainom ng alak ang siyang nagtitinda sa palengke, pero paminsan-minsan lang mangyari iyon. Mabait at masipag naman si Papa, ang problema lang talaga ay lasenggero, madalas nasasama sa gulo kapag nang-aawat sa mga katulad niyang lasenggero. Ewan ko ba kay Papa, wish ko lang sa parating kong birthday dalawang araw mula ngayon na kahit wala akong handa sa pagsapit ng ika-18 birthday ko ay magbagong buhay na si Papa, at tulungan na niya si Mama.
Nakatigil ako sa pag-aaral ngayon matapos kong maka-graduate sa high school, kahit gustong-gusto ko ang mag-aral sa kolehiyo ay hindi naman kaya. Ang nag-iisa ko na lamang na kapatid na si Harry ang siyang nasa high school ngayon. Paminsan-minsan naman ay nakakaraket ako sa pagto- tutor, minsan naman ako ang papalit kay Mama sa paglalabada kapag masama ang pakiramdam nito. Si Papa na nagtatrabaho sa construction, pero madalas ay absent, kaya wala din.
Nang makarating sa bahay ay sakto naman ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nagtatalak muli si Mama kay Papa. Pero himala yata na hindi lasing si Papa, nakaupo lamang ito at nakatitig sa kawalan.
“Ma" tawag ko kay Mama. Mabilis akong lumapit para yakapin ito. Ganun din ang ginawa ng aking kapatid.
“Tignan mo ang mga Anak mo Harrison! Maawa ka naman sa kanila. Ang lalaki na ng mga anak mo, pero anung ginagawa mo ha? Puro ka pasarap sa alak! Wala na nga tayong kapera-pera hindi pa tayo nawawalan ng utang dahil sa kakalasing mo! Magbagong buhay kana!" malakas na sigaw ni Mama. Mabuti na lamang ay hindi naririnig ng mga kapitbahay namin ang awayan ng aking magulang dahil sa malakas na ulan. Palagi kasing echosera ang mga kapitbahay namin na mga yun, mamatay ata ng hindi nakakachismis sa buhay ng may buhay.
Tinapik ko sa balikat si Harry para papasukin sa kaniyang kwarto. Agad naman itong sumunod sa akin.
“Ma ito na po ang nabenta ko sa palengke. Medyo kakaunti lang po ang kinita ngayon." salita ko kay Mama para hindi na ito lalong magalit.
Inabot naman sa akin ni Mama. Nakita ko ang mukha ni Mama na parang nagpipigil sa pag-iyak.
“Mas mainam na ito kesa wala Anak. Tignan mo naman ang Ama mong walang ibang ginagawa. Wala tuloy pumapasok na grasya, puro konsumisyon pa."
Tinignan ko si Papa na nakayuko, napatigil ako ng makita kong yumuyugyog ang mga balikat ni Papa ngunit wala naman ingay. Parang kumirot ang aking puso. Siguro nga natamaan siya sa sinabi ni Mama. Pero dapat lang dahil hindi puro alak at kaibigan nalang ang inaatupag ni Papa.
Matapos ang isang oras ay kumakain na kami ngayon ng aming hapunan. Hindi nakisabay si Papa at nasa loob lamang ng kwarto. Hindi naman pinatawag ni Mama lalo na at galit ito. Nang matapos ay ako na ang naghugas ng aming pinagkainan.
~~~~~~~~~~~~~~~
Araw ng linggo ngayon, at ito ang araw ng aking kaarawan. Masaya at excited ako dahil kahit alam kong wala naman akong handa ay nag-pasiya si Mama na mamasyal daw kaming buong pamilya. Nagka-ayos na muli si Mama at Papa, ganun naman palagi ang mga ito, kunting lambing lang ni Papa kay Mama ay balik sa pagiging sweet na ang mga ito ganyan karupok si Mama basta wag lang lasing si Papa para hindi maging dragon si Mama.
“Happy Birthday Ate Harmony!
“Happy Birthday Anak!"
“Maligayang kaarawan sa aming panganay!"
Nagulat ako nang paglabas ko ng kwarto ng sabay-sabay akong batiin ni Mama, Papa at Harry. Parang gusto ko tuloy maiyak. Tuwang tuwa ang aking puso sa kanilang ginawa sa akin.
“Mabuti naman at gising kana Anak" nakangiti sa akin si Mama.
“Halika na Anak at nang makapag- almusal na tayo, dahil maaga tayong aalis." singit ni Papa.
Masaya kaming kumakain ng agahan. Nang matapos ay nagbihis ako ng off-shoulder na dress na kulay puti na hindi aabot hanggang tuhod ang haba, matagal ko itong pinag-ipunan para iregalo sa aking sarili. Tinalian ko ang mahaba kong buhok na kulay puting ribbon at nag-iwan ng ilang hibla sa magkabilang side sa aking tenga. Nagsuot ako flat shoes, at sinukbit ang maliit kong bag na may lamang cellphone na mumurahin lang.
Mabilis na nakasakay kami sa isang tricycle at bumaba sa church. Matapos ang isang oras at kalahati ay natapos din. Naglakad na lamang kami para pumunta sa may parke. Masayang naglalakad kami na para bang walang problema, ganito naman talaga kasi kami noon pa kung hindi lang lasenggero si Papa. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng may dalawang puting van ang huminto sa aming harapan. Napahinto kami sa aming paglalakad.
“M-mama" narinig kong boses ni Harry, mukhang natakot ang kapatid ko sa dalawang van lalo na sa usong kinukuha ngayon na mga bata.
Napakapit ako sa braso ni Papa na nasa aking tabi. Habang si Harry naman ay na kay Mama. Bumukas ang pintuan ng dalawang van, at halos matanggal ang aking kaluluwa ng mga malalaking katawan at malalaking tao ang lumapit sa amin at lahat sila ay may maskara sa mukha kaya hindi makita ang mga mukha ng mga ito.
“Sino kayo?!" malakas na sigaw ni Mama. Halata sa boses ni Mama ang matinding takot.
“Wag na kayo marami pang tanong! Sumunod na lamang kayo!" sagot ng isang mukhang goons pero may accent ang boses.
“Mama!" naluluha na ako sa takot. Imbes na magsasaya kami dahil sa birthday ko mukhang magiging bangungot pa.
Mabilis lumapit ang apat na lalaki at hinila si Mama at Harry na ngayon ay nagsisigaw. Mukhang kikidnapin pa kami sa tanghaling tapat na ito. Sinakay ang mga ito sa isang van at kitang-kita ko ang sobrang takot at pupumiglas ng mga ito. Nagpalinga-linga ako para makahingi ng tulong pero nagkataon pang walang mga taong dumaraan.
“Itong magandang babae dito ito sa kabila, para matuwa si f**kers!" sigaw ng isang lalaking may accent din ang boses.
Kulang nalang ay mawalan ako ng ulirat sa aking narinig. Halos hindi ko na makita ang mga ito sa sobrang paglabo ng akong mga mata at pagpipigil na wag umiyak. Pero hindi ko kaya dahil nag-iiyak na ako.
“Maawa na po kayo, wag po Kuya" pagmamakaawa ko sa dalawang lalaki ng bigla nila akong hablutin kay Papa.
“Wag ka ng maraming satsat!" bulyaw nito.
Napalingon ako kay Papa, hindi mo mabasa ang expression ng mukha nito. Nakayuko lamang. Parang may mali. Dahil imbes na ito ang unang sasagip sa amin ay nakatayo lamang ito at hindi nagsasalita.
“Papa!" malakas kong sigaw.
Tumingin ito sa akin at ngumiti. Nanlaki ang aking mga mata nang ipasok na ako sa loob ng Van. Nakita ko na naglakad si Papa papunta sa isang Van kung saan si Mama at Harry. Biglang gusto kong sumama ng loob, Anu ba nangyayari.?
“Manong uuwi na po ako" umiiyak kong salita. Pero ang mga ito ay hindi na nagsalita. Apat silang malalaking tao na para bang goons sa aking paningin. Ang dalawa ay nasa unahan at ang dalawa ay nasa magkabila ko. Takot na takot ako ngayon. Nanginginig ang aking mga kamay. Jusko ito na po ba ang aking katapusan? Sa araw pa mismo ng aking kaarawan ay araw din ng aking kamatayan?
Hindi man lang ako tinignan o pinansin ng mga goons sa aking malakas na pag-iyak. Natapos na lamang ang aking pag-iyak na yakap-yakap ang aking bag.
“We're here!" malakas na sabi ng lalaking katabi ng driver.
Napatingin ako sa labasan. Malaking building ito, at nagulat ako sa aking nabasa. Isa itong municipal. Teka anung ginagawa namin dito? Maraming mga tao ang nasa labasan na busy sa kakalakad. Sakto makakahingi ako ng tulong sa mga tao dito.
“Im telling you little girl don't ever make noise. Sumunod ka na lang para sa kaligtasan ng pamilya mo." mariing salita ng aking katabi.
Nangilabot ako sa kaniyang sinabi, ibig sabihin susunod ako para hindi mapahamak ang pamilya ko. Muli ay lumandas ang aking mga luha. Mukhang magiging impyerno ang aking buhay sa ilang sandali pa.
Mabilis na nagsibabaan ang mga ito. Tahimik lamang ako na nakasunod sa mga ito habang ang isa naman ay nasa aking likuran. Nakayuko lamang ako dahil iyak pa din ako ng iyak. Hindi ko matatanggap na magiging ganito ang buhay ko. Parang gusto ko na lamang ang mamatay.
Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa fourth floor nitong gusali. Nakayuko lamang ako at hindi tumitingin sa kapaligiran.
“Come in" narinig kong salita ng isang goons.
Sumunod na lamang ako, at napaangat ang aking paningin ng makita ko ang ilang mga goons na nakasuot ng maskara. Walo silang lahat kasama ng nakasama ko sa Van. Lalo tuloy akong napaiyak ng makita kong nakatingin lamang ang mga goons na ito sa akin. Para akong nasa gitna ng isang kulto na ang mga member ay mga diablo. Sobra sobra na ang takot sa aking puso. Paano kung patayin nila ako dito para ialay o kainin ng buhay. Bigla akong hinila ng isang goons at pinaharap sa isang table na para bang opisina ng isang Mayor. Binitawan naman niya agad ako.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, kahit gusto kong lingunin ay hindi ko magawa at baka lalo lamang ako maiyak. Nagulat ako ng may isang malaking tao ang pumunta sa harapan namin. Wala itong maskara. At mukha itong kagalang-galang. Nakasuot ito ng puting long sleeve at bakat ang matitigas nitong katawan. Napaawang ako sa kaniyang gwapong mukha. Sobrang gwapo ito ngunit parang hindi marunong ngumiti dahil ang seryoso ng mukha na nakatingin lamang sa akin na para bang sinusuri ako. Napapailing pa ito.
Naramdaman ko na lamang ang pagtabi ng isang lalaki sa akin. Kaya napataas ang aking mukha. Sobrang tangkad din ng taong ito dahil hindi ako umabot sa kaniyang balikat, tulad ng ibang goons at na sa aming harapan. Nakamaskara rin ito, napababa ko ang aking paningin dahil ito lamang ang balot na balot sa katawan. Ang nakalitaw lamang na balat dito ay ang tenga nito at leeg. Habang naka-all black ito hanggang ibaba. Maski ang mga kamay nito ay may suot na kulay black na gloves. Pero mukha naman itong matipuno at makisig sa suot nitong black suit.
“Stop staring me little girl" baritonong boses nito na hindi lumilingon sa akin.
Halos tumalon ang aking puso pagkarinig ko sa boses nito, Kaya mabilis akong napalingon sa aking harapan. Naluluha akong tumingin sa lalaking walang maskara. Parang lumambot naman ang mukha nito pagkakita sa aking mga luha. Tumikhim muna ito.
“We should start now, at baka himatayin na itong batang ito." salita ng lalaking walang maskara.
Nagsalita muna ang nasa aming harapan na bagaman hindi ko maintindihan ay bigla akong kinabahan. Dahil parang iba ang mga sinasabi nito.
“Ikaw Ms. Harmony Lim, tinatanggap mo ba maging kabiyak at asawa ang lalaking kumidnap sa iyo?"
“F**k you Larkin!" malakas na mura ng aking katabi.
Sinamaan naman ng tingin ng lalaking walang maskara ang aking katabi na mukhang hindi nagustuhan ang pagmumura nito.
“H-huh?" ilang segundo akong natulala bago ko na-realized ang mga sinasabi ng mga ito.
“Sagutin mo nalang Oo o hindi" masungit na sabi ng nasa aming harapan.
Kasal ba ito? Pero bakit ganito? Jusko ko Lord.
“Hindi!" malakas kong tanggi.
Pero halos matumba ako sa aking pagkakatayo ng marinig ko ang sabay sabay na pagkalas ng mga baril. Napalibot ang aking paningin ng makita ko ang mga goons na may mga hawak ng mga baril. Halos maihi ako sa sobrang takot.
“Inuulit ko Ms. Harmony Lim, tinatanggap mo itong katabi mo maging asawa mo?" parang nauubusan na ng pasensiya itong aming nasa harapan.
“Say that f**king yes!" sigaw ng aking katabi na nagpanginig sa aking katawan.
“Y-yes" maluha luha kong sagot.
“Ikaw kidlat! Tinatanggap mo ba itong batang kinidnap mo bilang iyong asawa------"
“Yes!" mabilis na sagot ng lalaking tinawag na kidlat.
Napapailing na lamang ang lalaking nagkakasal sa amin. Hindi ko na namalayang tapos na ang seremonya dahil para pa din akong tulala.
“You may kiss the bride"
Napaatras ako ng humarap sa akin ang pangalang kidlat.
“H-huwag" pagtanggi ko. Bakit ako magpapahalik sa taong ito na mukhang nasisiraan na ata ng bait.
“F**k!"
“Sayang naman"
“Kawawa ka naman"
“Child abuse ka kasi f**kers!"
Naririnig ko ang mga salitang iyon galing sa mga goons.
“Close your eyes!" malakas na salita ng nasa aking harapan na mukhang nagagalit na.
Hindi ako sumunod ito, pero ganun na lang ang aking gulat ng hablutin nito ang isang baril sa isang goons at pinakita sa akin.
“Just do what i say little girl" pagbabala nito sa akin.
Kaya mabilis kong pinikit ang aking mata . Bahala na kesa ang mamatay. Naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng isang malambot na labi sa aking labi. Ilang segundo lamang iyon at nang matapos ay mabilis kong dinilat ang aking mga mata para makita ito. Ngunit ganun na lamang ang aking pagkadismaya ng makitang nakasuot na naman ito ng maskara.
Para akong robot ng matapos ang seremonyang iyon, wala naman ginawa sa aking iba ang mga goons. Tinanguan lamang ako ng lalaking nagkasal sa amin. Habang hawak ako ng mariin sa aking braso ang lalaki ngayon na aking asawa. Walang salita na lumalabas sa aking bibig. Parang nalunok ko na ang aking dila. Hindi ako makapaniwala na kinidnap ako at ngayon ay may-asawa na ako sa araw ng aking kaarawan.
Hindi na rin sumunod ang mga goons, at ilang sandali lang ay lulan na kami ng sasakyan ng asawa ko na ngayon. Hindi din ito nagsasalita at tahimik lamang na nagda-drive. Hanggang sa nakarating kami sa isang maganda at malaking bahay dito sa isang village. Nagtataka man ay hindi ko magawang magtanong sa asawa kong nakamaskara. Ilang sandali pa ay bumaba kami ng sasakyan, hawak pa rin nito ng mahigpit ng aking kamay, para tuloy akong nakukuryente sa paghawak nito sa akin dagdagan pa ng malakas na t***k ng aking puso.
Halos mapanganga ako ng makita ko sa malaking sala ang aking pamilya. Nakaupo ang mga ito at tahimik lamang. Nang makita ako ay mabilis na tumayo si Mama para ako ay lapitan.
“Mama" naiiyak kong yakap.
“Harmony Anak" narinig ko ang mahinang hikbi ni Mama.
Nang kumalas ako ay nakita ko na naglakad palabas si Papa at ang aking asawa na ngayon. Si Harry naman ay lumapit sa akin at niyakap ako.
“Patawarin mo kami Anak. Patawarin mo ang Papa mo" naluluha si Mama.
“Ma, hindi ko po maintindihan. Kinidnap nila ako at ngayon ay may asawa na ako" pinakita ko kay Mama ang aking singsing.
“Pasensiya na Anak. Sana mapatawad mo kami lalo na ang Papa mo. Pero para rin ito sa kapakanan mo."
“Pero Ma bakit ako?"
Hindi na umimik si Mama, nang makita kong palapit si Papa at ang aking asawa. Nagulat ako ng hawakan ako sa aking braso ng lalaki na ang pangalan ay kidlat. Napabitaw sa akin si Mama.
Dinala niya ako sa taas, sobrang laki ng kwartong iyon na tiyak ko na master bedroom.
“Anu ba!" asik ko dito.
“Aalis na ako ngayon, ang tanging gagawin mo nalang ay mag-aral at magtapos. Isa lang ang hingiin kong kapalit."
“Anu?"
“Be loyal to your husband. Don't ever try to commit sin inside our marriage. Or I will shoot your father understand?"
Napamaang na lamang ako sa sinabi nito, nakatingala ako dito na kahit hindi ko makita ang totoong mukha nito ay bakas sa boses nito ang pagkaseryoso.
“Do you understand what I'm saying little girl?"
Tumango ako dito.
“Oo" mahina kong sagot.
“Good. I have my eyes for what you doing. So don't ever try to lies on me."
Tumango ako dito.
“close your eyes baby girl." pang uutos nito sa akin.
Mabilis akong napapikit at baka magalit pa ito sa akin.
Naramdaman ko na lamang ang malambot nitong labi sa akin, hinawakan ng malaki nitong kamay ang aking panga kaya napanganga ako. At iyon ang naging hudyat kaya pumasok ang dila nito sa aking bibig. Halos galugurin nito ang buo kong bibig , kulang nalang ay malimutan ko ang aking hininga sa paraan ng paghalik nito sa akin. Hindi ko magawang dumilat dahil nadadala ako sa ginagawa nito.
Kapwa kami hinihingal nang matapos ang nakakalunod na halik, pagdilat ko ng mata ay nakamaskara na naman muli ito.
“I have to go Baby girl" muli ay hinawakan nito ang aking labi bago bumitaw. Tumalikod na ito sa akin at lumabas ng kwarto.
Ilang minuto pa akong natulala, bigla akong napabalikwas ng marinig ko ang paalis na sasakyan. Kaya nagmamadali akong bumaba. Nakita ko ang pamilya ko na nakatayo sa labas.
“Paki-explain nga po ang lahat ng ito" masamang loob na salita ko kaya napaharap ang mga ito sa akin.