bc

The Bossman Daddy

book_age18+
9.2K
FOLLOW
32.6K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
escape while being pregnant
goodgirl
boss
bxg
heavy
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Hanggang kailan mo kayang magpakatanga sa boss mo na kahit kailan ay hindi ka makita bilang babae?

Hanggang saan mo kayang tiisin ang sakit na kahit anong gawin mo, ibang babae ang nilalaman ng puso ng lalaking mahal mo?

Boss ni Penelope si Elijah at siya ang dakilang secretary nito. Simula noong iniligtas siya ni Elijah noong mga bata pa sila, ang paghanga niyang 'yon ay nauwi sa isang pag-ibig. Pag-ibig na inalagaan niya hanggang sa magdalaga siya. Handa niyang gawin ang lahat para sa binata. Sinikap niyang gawin ang lahat upang mapalapit kay Elijah, at isa na roon ang pag-apply bilang secretary nito. Labis na nagalit ang kanyang magulang dahil doon at tinakwil siya.

Ngunit may mahal na iba si Elijah. Si Avery. Si Avery na hindi naman si Elijah ang gusto. Nabigo ang binata at nagpakalasing ito. Naroroon si Penelope upang damayan ang binata. However, they ended up naked in bed... and shared a wild and hot night. The next thing Penelope knew, she is pregnant... with his child!

At dahil alam niya na kahit kailan ay hindi siya makikita ni Elijah bilang babae, sinubukan niyang kalimutan ito at nakilala naman niya si Redentor Mansueto. Si Red ang malaking kabaligtaran ni Elijah sa lahat ng bagay. He is rogue, hard and ruthless. Ngunit, si Red ang magpapakita sa kanya ng mga emosyon at damdamin na hiniling niyang makita kay Elijah. Ipaparamdam sa kanya ni Red kung gaano siya kamahal-mahal. Penelope learns to forget the pain Elijah caused her as the day goes by.

Mababawi ba ni Elijah ang matinding pag-ibig sa kanya ni Penelope at ang kanilang anak?

Kaya niya bang muling paibigin ang dalagang labis na nagmahal at nagsakripisyo noon para sa kanya?

Mapapa-sakanya pa ba si Penelope kung ngayon ay masaya na ito sa piling ng iba?

chap-preview
Free preview
Prologue
MULA SA pagkakaupo ni Elijah sa duyan ay may narinig siyang boses ng isang bata na umiiyak. At dahil nagpapa-cute pa ang kanyang yaya sa tindero ng mga palamig at gulaman, tumayo siya at hinanap kung saan nanggagaling ang tinig. Nakita niya ang dalawang batang lalaki na inaaway ang isang walang kalaban-laban na batang babae.  "Akin na 'tong candy mo! Marami ka namang perang pangbili eh! Mayaman ka naman!" Sigaw ng isang batang lalaking mataba. "H-Huwag... candy ko 'yan. Bigay 'yan ng daddy ko..." Sumisigok na sagot ng isang maliit na batang babae. "Heh! Ang damot mo naman, parang candy lang!"  Pilit na kinuha ng batang babae ang candy nito, pero tinulak ito ng isang bata na payat. "Ang damot mo, huh! Bakit wala ka na bang candy sa bahay niyo? Lampa ka naman!"  Bumagsak ang batang babae sa damuhan. Doon na kumilos ang siyam na taong si Elijah. "Hey, you! Bakit inaaway niyo siya? Ibalik niyo ang candy niya, hindi naman sainyo 'yan!" Napatulala lamang ang batang babae habang nagbabadya na ang luha sa mata nito. "Ahh... Elijah. Ikaw 'yung batang anak ng pinakamayaman dito sa subdivision, spoiled brat ka siguro 'no? Ang yaman yaman niyo naman, parang candy lang ang damot niyo!" Inis na sagot ng batang lalaki. "Dahil hindi naman kusang ibinigay 'yan sayo. Masama ang kumuha ng hindi sayo," "Wala kang mangialam! Epal ka ah!" Napikon na ang batang mataba at tinulak din siya. Napaupo si Elijah sa lupa habang pinagtutulungan ng dalawang bata na saktan siya. Walang magawa ang batang babae kundi tignan na lamang siya. Natatakot ito at masyadong mahina ang loob.  Halos mabugbog na si Elijah nang biglang may dumating na ale. "Diyos ko po, Senyorita Penelope! Naririto lamang pala kayo. Kanina pa ako nagaalala sainyo!" Base sa itsura nito, ito ang tagapag-alaga ng batang babae. Agad na natakot ang dalawang batang salbahe at tumakbo na. Naiwan si Elijah na nakahiga sa lupa. Nanakit ang katawan.  Hinawakan ng bagong dating ang kamay ng batang babae. "Halika na po, tiyak na magagalit na ang daddy niyo." At hinila ang batang babae. Napatingin si Penelope sa batang lalaki na nakahiga sa lupa at hindi makabangon. "T-Teka po... tulungan po natin siya, yaya. Niligtas niya po ako sa mga batang salbahe,"  Tinignan ng yaya ni Penelope si Elijah at nashock ito nang makilala ang bata. Sino ba ang hindi makakakilala rito? Ito lang naman ang anak ng isa sa pinakamayaman sa kanilan& subdivision, at hindi lang 'yon, sa bansa rin. Nahintakutan ang yaya at baka madamay ito at masisi pa siya ng magulang nito sa pagkakabugbog kay Elijah kaya naman mabilis na hinila nito ang alaga. "Ah... eh... h-halika na, senyorita! Tiyak naman na darating din ang yaya niya!" Tarantang sigaw ng ale. Napuno ng lungkot ang mukha ng batang si Penelope habang tinitignan ang nakapikit na si Elijah at bugbog sarado. "Pero teka lang po--" "Halika na, Senyorita! Mapapagalitan po tayo ng daddy niyo!" Wala nang nagawa ang batang si Penelope kundi tignan na lamang ang batang nagligtas sakaniya. Alam ng batang si Penelope na tatanawin niya ito ng malaking utang na loob sa bata at hindi niya ito makakalimutan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.4K
bc

His Obsession

read
75.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook