"HAYOP TALAGA sa ganda 'tong dati mong syota, boss! Hanep!" pasipol sipol na sabi ng tauhan ni Ruston. Kanina pa nila minamanmanan ang bawat galaw at kilos ni Avery. Matagal na nila itong pinagpaplanuhan at ngayon lang nila masasagawa ang matagal ng plano. Hinithit ni Ruston ang sigarilyo niya at binuga ang usok 'non. Nasa loob sila ng van na hindi kalayuan sa bahay ni Avery. "Maganda talaga. Tingin mo, magsyo-syota ako ng pangit?" sagot ng lalaki sa grupo nito. Kilala si Ruston bilang isa sa mga malalaking drug syndicate ng bansa. Marami silang mga kaso bukod sa droga. Pagki-kidnap, carnap, holdap at human trafficking. Malaking pera ang naipapasok nito sa kanila, iba talaga kapag black market. Gayunpaman, hindi siya mahuli-huli ng mga pulis kahit wanted siya sa bansa dahil lahat ay

