THE TWO OF US

2379 Words
WALA daw si Señorito' ngayon kasi may pinuntahang meeting. Ano kayang ginagawa nu'n sa buhay nya? Maybe he's really a bad guy? Tapos isa siyang murderer o di kaya assasin? Baka macho dancer? Isa siyang manwhore at kaya mayaman siya dahil binebenta nya ang laman niya sa mga desperadang babae. "Miss Celine may problema po ba?" si Butler William kanina pa yan nakatayo diyan. Sabi ko nga na umupo pero ayaw niya dahil nasa rules daw na ganun. Sino namang magpapa-rules ng ganun? Ano 'to? Padamihan ng varicose veins? "Wala po, teka nga po. Wag n'yo na po akong tawaging Miss, bata pa po ako." Lagi kasing Miss dito, Miss doon. Feeling ko tuloy ang tanda ko na. "Hindi po pwede. Nasa rules po ni Señorito ang paggalang sa inyo at hi--" "Bahala nga po kayo. Basta 'pag tayo lang pwede ba Celine na lang po?" Masyado silang devoted sa amo nilang sira-ulo. "Aahh.. O s-sige po. Wala nga Miss may po naman. Matanda na ba ako? "Tigilan niyo na rin PO ang kaka-PO dahil mas matanda naman PO kayo PO sa akin PO. Nagmumukha rin PO akong matanda PO niyan PO eh." Ang kulit ng mga tao dito, ganito talaga 'pag nagtatrabaho ka sa may topak. "Aahh... sige p- I mean Celine." Parang alanganin pa. Mga robots na 'ata sila dito. "Halika po. Upo ka. Pag hindi ka pa umupo, sasakalin na kita diyan eh. Relative ko pa naman si Jet Li o baka i-Jackie Chan pa kita? Oh ano?" Kanina pa kasi nakatayo. Ayun umupo rin, akala siguro seseryosohin ko, malamang. "Ay, Butler William ano nga po pangalan nung manwhore nating amo?" Nabanggit na 'yun nung auction eh. Pero nakalimutan ko, pwede ko naman siyang tawaging manwhore, sira-ulo, may topak or B1, naaalala ko naman yung saging. "Anyway, mas okay na alam ko yung pangalan niya para alam ko kung kaninong pangalan ko ipa-file ang kaso. "Mr. Tristan Kyler Smith, nasa bloodline sila nu'ng mga sikat na negosyante na kilala natin." Kilala natin; ni wala nga kong kilalang negosyante. Hmm .. imported siguro sila, yung may dugong dayuhan. Pero wala naman sa itsura. "Eh ano po'ng trabaho niya?" tanong ko. "Isang business tycoon si Señorito. Na-train na siya pagkatapos mamatay ni Doña Isabella 10 years ago. Si Don Fredericko pa nga ang nagturo sa kanya sa mundo ng negosyo. Batang-bata pa si Señorito nun, 14 years old. Ni hindi niya nga na-enjoy ang buhay bata. Pero sa edad niya ngayon na 22, siya na ang pinakabatang multi-millionaire sa Pilipinas, kaso hindi sila kilala dito dahil naka-base talaga sila sa America for security sake na rin." On the other hand, kawawa rin naman pala 'tong manwhore, pero kahit na, ganun pa rin siya. Maya-maya may narinig na kaming busina sa labas. Nandiyan na siya. Lahat ng mga kasambahay dumiretso na sa main door. Ganito rin yung napansin ko nung una akong dumating dito, lilinya sila at yuyuko 'pag dadating na 'yung manwhore nilang amo. "Maiwan ko na po kayo Miss Celine" may Miss na kasi nandiyan na 'yung kumag. Porke't binabayaran niya lahat ng 18 maids, 4 gardeners, 3 drivers and 1 Butler niya eh ganun niya na tratuhin. MANWHORE na, MAYABANG pa. "KAYO!!!" Tumingin silang lahat sa'kin, naghahanda na para sa amo nilang ulol.... "Lahat kayo dito sa sala, umupo kayo! Walang tatayo diyan!" "Miss Celine hindi po pwede," sabi ni Butler William. Para na siyang nagmamaka-awa sa'kin. Problema nito? "Butler William ako po ang bahala." Kahit hindi ko naman talaga alam ang gagawin. "Miss Celine bawal po talaga," sabi nung isang katulong. "'Pag hindi kayo umupo dito, sasabihin ko kay Tristan na tanggalin kayong lahat." umupo nga sila. Naniwala ba talaga silang malakas ang kapit ko kay manwhore? Wow. Biglang bumukas ang pinto, halatang gulat na gulat ang mga kasambahay, natatakot pa 'ata. Pero mas nagulat si manwhore. "Butler William!" tawag niya at, lumapit naman. "What happened to the protocol?!" Galit? "I told them to sit down..." sabi ko bago pa makapagsalita si Butler William. Nakapamewang pa ako na parang ako ang may-ari ng bahay. "And who told you to do that?" Lumapit siya sa'kin. Naiirita na 'ata siya, then good! "Ako. Hindi naman 'ata maganda na gawin mo 'yan sa mga kasambahay mo. Kaya nga 'Kasambahay' 'di ba kasi kasama mo sila sa bahay...." Tiningnan ko yung mga maids na nakatayo na, nagulat 'ata sila na sinesermonan ko ang amo nila. "....wag mo silang alilain na parang mga laruan mo lang..." Napatigil ako ng bigla siyang lumapit sa'kin. As in ang lapit, pero dahil kunwari matapang ako, hindi naman ako umatras. "Teka anung gina---" Bigla niya akong hinila at nangyari na nga ang nangyari. Bakit niya ako hinalika? It wasn't a kiss like a...kiss. It was more like a smack, gentle and sweet. Hinalikan niya pa rin ako! I froze. He stepped back. "Fine. I'll let them have a break, pick a destination, anywhere. Pero habang wala sila, you will be my personal slave." What?! "CELINE sigurado ka ba sa ginagawa mo? Mahirap pag silbihan si señorito..." Kanina pa ine-explain ni Butler William ang mga consequences ng pag-agree ko as personal slave nung something wrong na 'yun. "Okay na po ako Butler William, basta i-enjoy n'yo lang po ang vacation n'yo. "Paalis na sila. Ihahatid sila ng mini-bus na may family crest pang nakalagay. Dalawang linggo silang mawawala, at dalawang linggo ko rin makakasama ng mag-isa yung 'amo' ko. Nakakapang-gigil. Lasunin ko na lang kaya. "Aalis na po kami Miss Celine. Salamat po," paalam nung isang maid. Kumaway na lang ako habang paalis ang sinasakyan nila. Nakapang-maid uniform na ako, pink. Iba 'dun sa uniform nung mga maids talaga, black and white yun eh. Nagmumukha tuloy akung cosplayer. "So what should we do now?" Lumingon ako at nakita ko na ang demonyo. Tumingin siya sa'kin tapos nag smirk na naman. Nang-iirita talaga 'to. "B2 pagtimpla mo nga ako ng juice" Stop calling me B2! Umalis na lang agad ako, hindi ko siya pinansin. Nakakainis! Nagtimpla na ako ng juice sa kusina. Ang dami kong iniisip. Haluan ko kaya ng muriatic acid? Pwede naman 'yung sabong panlaba, o di kaya asin na lang. Pero 'wag na, baka kung ano pa ang gawin niya sa'kin, lalo na at dalawa lang kami, may pagka-manwhore pa naman 'yun. Lumabas na ako dala-dala ang juice niya. Sa'n na ba 'yun? Look to the left. Look to the right. There he is. Pupunta ba ako dun? AYOKO! Nandun siya sa pool. Naka-trunks lang. Oh abs! Wag kang lumapit Celine! Isa siyang manwhore! Wala siyang puso! Dahan-dahan na akong tumalikod. Bahala na. Magtimpla siya ng juice kung gusto niya. Umalis ka na bago pa— "Hey B2 where is my juice?" Parang bumilis ang heartbeat ko. Yung parang may humahabol sa'kin? Parang ganu'n. Patay na! Sa mukha ka titingin Celine, 'wag sa kahit ano. Lumingon ako. Naka-robe na siya, so tumingin nga ako sa kahit ano at hindi sa mukha. Naglakad ako papunta sa infinity pool habang nakayuko. Ba't ba parang hiyang-hiya ako. Nakakainis na feeling. Iniabot ko na sa kanya ang juice. Bahala na siya kung anong gusto niyang isipin! Tumalikod na ako tapos naglakad paalis, pero hinawakan niya ang braso ko tapos pinaharap niya ako sa kanya. Ano na naman ba? Hindi parin ako tumingin. "May iuutos ka ba sir?" Sir, para kunwari mabait. "What did you call me?" Bingi. "Sir" Nag-smile ako ng konti, feeling ko kasi naiinis ko siya. "Call me Sir again and I'm going to kiss you..." Ano daw? Napaharap ako sa kanya. Stop smiling, you idiot! "So ano bang gusto mong itawag ko sa'yo? Señorito?" I said. Napansin kong nakahawak pa rin siya sa'kin. Lumayo ka virus! "No, call me B1, gusto ko yun..." then he winked. "I left some clothes in your room, go fix yourself. Pupunta tayo sa office ko." "Pwede naman akong maiwan dito, bakit pa ako sasama?" "Because you're my PS." PS?Ano yun? Pissed Syndrome? "PS" I asked. "Tss. Personal Slave." Sa iba PA, ako naman PS. Naabutan ko sa kwarto ang isang paper bag. May laman na office uniform. Ayaw niya lang sigurong may nakabuntot sa kanya na naka-maid uniform kaya pinagpalit niya talaga ako. Sinuot ko na yung uniform. Para talaga akong magtratrabaho sa office nito, naglalagay na rin ako ng make-up tapos inayos yung buhok ko, as instructed by B1. Yeah, B1. Natatakot lang ako sa gagawin niya kaya susunod na lang ako. Paglabas ko, pamunta na ako sa harap ng bahay kasi alam kung doon siya naghihintay. Tama nga, nakatayo siya sa harap ng black BMW niya, naka-tuxedo, napaka formal niya. Kung hindi ko lang talaga siya kilala, kung hindi lang siya antipatiko at arogante, I might actually like this guy. "Aalis na ba tayo?" I said. Tapos tiningnan niya ako. Namula naman ako sa mga titig niya. May dumi ba ako sa mukha? Kailangan ko ba ng makapal na make-up o lipstick? "Aahh...Y-yeah... C'mon," tapos bigla na lang pumasok sa sasakyan niya na namumula. Ano bang meron? Nag-park na siya sa isang malaking building. Buong byahe hindi niya ako kinakausap, pero ang pula niya, baka may sakit siya. "Hoist! May sakit ka?" tanong ko. "W-wala... and don't call me anything maliban sa B1, hahalikan na talaga kita," sabay labas niya dala-dala ang briefcase niya. Sumunod na lang ako papunta sa elevator. "Ako na magdadala niyan." Inabot ko yung briefcase sa kamay niya, pero nilayo niya naman sa'kin. Problema nito? Akala ko ba PS ako? "Ako na. Baka kung saan mo pa 'to ipatong." Kakainin kita ng buo! Isa akong dinosaur! TING! Akala ko ito na yung floor namin, may papasok pala. "Ai Sir Good Morning!" bati nung lalaking papasok sana, pero nagsara na lang yung pinto hindi pa rin siya pumasok. Problema rin nun? "Oh bakit hindi pumasok yun?" tanong ko. "Because I'm here, you should feel privileged dahil kasabay mo ako sa elevator," sabay smirk niya naman. Ang hangin! Tumahimik na lang ako. Baka kung ano na namang masabi ko sa mayabang na'to. TING! Bumukas na naman ang pinto, this time lumabas na siya. Sumunod naman ako, dumaan kami sa hallway, lahat ng mga madadaan naming empleyado bumabati sa kanya sabay tingin pa sa'kin na parang kakainin ako ng buo. Pumasok kami sa opisina niya. Ang laki tapos ang ganda, makikita mo ang buong view ng city sa labas, parang open space lang. "Like my office?" tanong niya sa'kin. Talagang tinatanong niya ako? Does my opinion matter? "Hhmmm... Maganda, kaso parang walang life. Ba't di mo subukang maglagay ng kahit isang halaman dito. Dun oh..." tinuro ko yung isang corner sa office niya. Kailangan nga siguro ng konting halaman dito, yung indoor lang, para fresh tingnan at para hindi masyadong stressful. "Oh okay!" Tapos lumakad na siya at umupo sa table niya. Eh ako? "Pwede bang umupo dito?" Tinuro ko yung parang mini sala set. Parang pang bisita lang kasi eh. Malay ko ba, ngayon lang ako nakapunta sa ganitong opisina. "Yeah sure. Unless you want to sit in my lap..." sabay wink niya. Manyak! I slumped on the couch. Manyak na lalaki 'to , pangiti-ngit pa. "Si — I mean B1 gusto mo ng coffee?" So ito na sinisimulan ko na ang pagiging PS na naman. "Really? You're going to make me coffee?" Oh bakit parang nabigla pa siya. "So ayaw mo?" I said sarcastically. "Hindi. Sige nga, pagtimpla mo na ako ng kape," he said. Tapos nagkunwaring busy. "Sa'n ba?" Tinuro niya yung isang room sa other side ng office niya, dun pala ang coffee niya. Bago ako binenta ng mama ko, nag-aaral pa ako ng 3rd year college major in International Studies. Meron kaming subject nun na pinag-aaralan namin ang iba't-ibang uri ng kape, kaya hindi naman sa pagmamayabang, maliban sa Jet Li style marunong rin ako magtimpla ng kape, depende sa uri. "Oh" Nilapag ko na sa mesa niya ang cappuccino. Isa sa mga natutunan ko kay Alex. "Salamat," he smiled at me. Wow. Marunong rin pala mag-appreciate ang isang sira-ulo, antipatiko at manwhore na gaya niya. "Hhhmmm... Masarap. Pwede na..." he said while drinking his coffee. Ano'ng pwede na? "Pwede na?" "Pwede ka nang mag-asawa..." ASAWA? "Hoy! 19 pa lang ako! Sira-ulo ka ba? Sinong nag-aasawa ng 19? Sa tingin mo may papatol sa'kin ng ganito—" I didn't finish what I'm about to say. He kissed me. Hindi ako gumalaw. It's not something I am used to do. He pulled away. "I warned you. Don't call me other names, just B1 or honey, baby, love..." he said huskily while staring at me. Ako naman tulala. Ano'ng nangyari? Nasaan na ang inner Jet Li ko? "Ahem..." Bigla na lang akong tumalikod at tiningnan ang pinto. May tao. "Damn it Philip! How many times do I have to tell you to knock before you come in?" Sinigawan siya ni Tristan pero pumasok pa rin Sino ba 'to? Nakita niya kaya kami? "Sus! May kasama ka kasing babae..." lumapit siya sa'min. Medyo hawig sila ni Tristan. Baka magkapatid? "Hi! My name is Philip Smith, Tristan's cousin." He introduced himself tapos inabot niya ang kamay niya. Nakipagkamay naman ako. "Hello! Celine Alcantara." Nakangiti lang si Philip sa'kin. Ba't ayaw niya pa'ng bitawan ang kamay ko? Ang awkward naman. "Ahem..." tina-tap pa ni Tristan ang paa niya sa floor na parang may hinihintay... "...you already met my assistant Philip, alis na." Binitawan na ni Philip ang kamay ko tapos parang namumula na. Oh, ano namang sakit nito? "Ah sige Celine. I'll see you around, take care of my cousin here..." tapos inakbayan niya si Tristan "...he might be a little nasty sometimes," sabay takbo niya na sa pinto at lumabas na. "Don't mind him, siya ang boss nung other department ng kompanya. Maybe it's a bad idea that I brought you here..." mahina niyang sabi. "Siguro nga, kasi nasasanay ka na sa kakahalik mo. Subukan mo lang ulit, ibi-break ko talaga ang warranty," I said. "Oo nga, tapos ang dami ring gagong nakakakita sa'yo dito." Ano daw? Hindi ko siya maintindihan. BEEP! Tumunog yung landline niya. Buti na lang kasi feeling ko magkakaroon ng awkward silence. Pinindot niya. Naka-loud speaker. "Sir ' andito po si Miss Katherine." Secretary niya 'ata ang nagsalita. "Who's Katherine?" tanong ni Tristan. "Sir, girlfriend n'yo daw po." Girlfriend?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD