SOLD
"KUYA !!! ' Pag nakawala ako dito, sasapakin kita!" I am so dead!
Nakasuot ako ng isang sobrang iksi na cocktail dress. Konting galaw ko lang siguradong makikita ang mga hindi dapat makita.
Ano ba 'tong pinasok ko?
Hindi ako makapaniwalang tototohanin ni Mama ang ibenta ako. Kasalanan ko bang inanakan lang siya ng peste kong tatay?
"'Yun kung makawala ka pa." Sige, ipamuka mo pa sa'kin.
Nasa hallway kame, nauna na ang ibang mga tulad ko at maya-maya tatawagin na ako. Ilang oras ko rin' tong iniyakan, pero wala na akong magagawa, wala na rin akong ibang mapupuntahan!
19 pa lang ako at hindi man lang ako nakaranas ng okay na buhay kahit yung simple lang. Pero at least malaya ako, at least okay ako. Not until this time that i was dragged down in the world of Black market and i'm being auctioned !!!
My name is Celine Alcantara and yes, I'm being auctioned.
Exciting na buhay 'to. Super exciting, grabe! Nakakaiyak.
Baka bukas nga na-salvage nako eh.
Bigla na lang ako nakaramdam ng kamay sa pwet ko.
"Kuya pwede ba?!" Sabay tapik ko sa kamay niya. Akala ko tagabantay 'to? Ba't ang bastos?
"Pakipot ka pa, mawawala rin yang iniingatan mo."
Ah ganun?
Lumayo ka, baka sapian ako ni Jet Li.
KKKYYYYAAHHH!!!!
"Lintek!......Sh*t!.....Aray!!"
Sinipa ko siya d'un sa ano, basta.
" AARRRAY!!!" Napasigaw ako nang may biglang humugot sa buhok ko.
Buhok talaga ha!
"B-bitawan mo ako!" Hinahatak niya pa rin ang buhok ko. Ang sakit!
Bigla akong natumba at naramdaman ko na lang na may tumulak sa kanya.
"Stop messing with the girl!" he glared.
Nakatayo na lang ako habang kinikwelyuhan niya yung mama.
"S-sorry sir."
Tapos lumayo siya at tiningnan ako. Ito naman tayo sa pesteng mga gwapong mukhang galit. Sige, tayo na ang mga babaeng obsess sa mga lalaking biniyayaan ng pamatay-looks.
Nasa 21 or 22 years old na ata si Kuya. Ewan.
"T-thank you" I said habang parang matutunaw na ako sa tingin pa lang niya. Ang landi. Hindi ko makaya.
"The next time you plan to sell yourself at least know how to fight" Oh bakit sa'kin pa nagagalit 'to? Lumakad na siya paalis. Ano ganun na lang?
"Excuse me sir, pero kung nanghihinayang kang pinagtanggol ako, then I'm sorry kung na-istorbo pa kita"
Tumigil siya tapos humarap. Tatawa ba siya? Bipolar much?
"You're saying that like a virgin."
Ano'ng sinabi niya?
JET LI mode!
P*ta!" Yan! Tingnan natin kung magkalahi kapa!
Mamimilipit ka ngayon sa ala-Jet Li style ko!
"What was that for?!" Alam kong galit siya, pero it's his fault!
"That's for disrespecting me. You don't know what I've been through tapos sasabihin lang ako ng kung ano-ano ng isang tulad mo???" English Tsk!
Iniwan ko siyang namimilipit sa sakit. Tingnan natin kung magkalahi kapa! Ulol!
10 minutes later.
ETO na. Hingang malalim Celine.
Masanay ka nang ganito.
Wala ka nang babalikan. Be a strong girl! Kaya mo 'to!
*Sit down, sit down. We're rocking the boat* Sige, kumanta ka lang. Kaya mo yan! Go me! Go me!
"In every auction we always want to satisfy out customers. That is why, Gentlemen! Tonight our eye candy is a fresh nineteen-years-old lady with a wild persona and sizzling hot stamina, Celine Alcantara!"
Biglang may tumulak sa'kin papunta sa entablado. Grabe naman kung makatulak to' Namalik-mata ako sa dami ng tao, masyado pang maliwanag. Pilit kung timatabunan ang mata ko, hindi ko nga alam kung ano ang una kung tatabunan - ang mukha ko ba o ang katawan ko. kasi naman sa sobrang iksi ng suot ko na halos makita na ang lahat sa'kin.
May narinig pa akong sumipol habang naglalakad ako papunta sa gitna ng stage.
"Sassy!"
"Hey babe!"
"ULOL!!' sigaw ko. Hindi ako kumayod para mapag-aral ang sarili ko at babastusin lang ng kung sino-sino.
Naghiyawan pa lalo.
"Any message for the bidders Celine?" Nilapit ni Mr. Han ang mic sa'kin. Inirapan ko lang siya. Sa kanya ako binenta ni Mama, may pagka-maniac pa 'tong taong to kaasar talaga.
"Fierce isn't she?" sabay hiyawan ulit ng mga demonyo.
Para akong nasa impyerno at hinihintay ko na lang na kunin ako ni kamatayan para mamatay ulit.
"Let's start with 100,000 pesos. Anyone?"
This is it! So help me God.
"100,000 pesos," taas nung matandang lalaki, mahigit 60 na siguro ang edad niya. Parang lolo ko na lang.
"300,000 pesos" taas nung parang pwede ko nang maging uncle.
"500,000 pesos" Naka-kalahating milyon na? Ganito ba talaga dito?
"600,000 pesos" sigaw nung mamang halos maingintab na sa ginto. Ang laking mama. Disyosmiyo! Lord kunin N'yo na ako. Magkakasakit siya ng hepatitis sa mga ginto niya.
"Going once, going twice!" Sigaw ni Mr. Han.
"One million pesos!"
Ano? Isang milyon? Nagtinginan ang mga tao sa---
Teka- siya yung lalaking na- Jet Li ko kanina. Pero b-bakit? Patay na ako.
"1.5 million" sabi nung mamang sobra sa gold.
Napatingin ako dun sa long hair kanina. Tinitingnan niya rin ako pero umiiwas na ako. Siguradong may binabalak siyang masama.
"2 million." Talaga? Magbi-bid siya?
"3 million" Ayaw patalo ni mamang golden. Oh lord!
Nakita kong ngumisi lang yung lalaki kay mamang golden tapos tinawag yung lalaking naka-suit sa likod niya.
Magwawaldas ba talaga siya ng pera para lang sa'kin? i mean para lang bilihin ako at para ano makaganti sa ginawa ko sa kanya na siya rin naman ang may kasalanan kainis talaga siya. diyosko lord! tulungang mo po ako!
Bigla siyang tumayo, sumunod sa kanya yung lalaking naka-suit, papunta sila sa stage. Palapit ng palapit. Nakalimutan na rin ata ni Mr. Han na may bidding.
Napalunok na lang ako.
Tumingin siya sa'kin tapos ngumiti uli. Okay na sana, ang hangin lang.
"10 million pesos in cash and I am willing to top any higher bids."
Sabay lapag nung kasama niya ng apat na briefcase sa stage.
What in the hell?
Gagatos siya ng 10 million ng ganu'n na lang? As in one-zero, ten million? Nabibingi na ba ako?
"Wow! Any higher bids?" Ang saya mo naman Mr. Han.
Ang saya mo, promise
Wala nang tumaas pa.
Wala na. So ibig sabihin-
"SOLD to Mr. Tristan Kyler Smith for 10 million pesos"
Speechless...
I JUST stood there na parang sira-ulo. I'm actually someone's property now. Ano na'ng mangyayari sa'kin? Baka imamaltrato lang ako nitong taong 'to ano bang gagawin nya sakin baka naman gagawin niya akong yaya/katulong or worst...sex slave. hayy nako! kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.
"Miss, sumunod na po kayo sa'kin" nilapitan ako nung mamang naka-suit na kasama ni "rich guy" kanina. Tapos na siguro ang pirmahan ng kontrata. Lahat nang nabebenta dito ay may "warranty" na parang bumili ka ng gamit o gadget pero dito kahit tao may warranty na, di ko alam kung ano na ang mangyayare sa buhay ko o sa sarili ko. Ibig sabihin kung susubukan mong takasan, suwayin, o saktan ang nakabili sa'yo, pwede ka nilang hanapin parusahan at patayin. Kaya nga warranty card.
Sumunod na ako sa mamang naka-suit, naglalakad na kami sa hallway, feeling ko lalabas na kami. Ang iksi talaga ng suot ko, hinahawakan ko na nga pababa, para hindi tumaas sa tuwing lalakad pero ganun pa rin.
Sa di kalayuan nakita ko si Mr. Rich Guy, naka-smirk pa, yabang n'ya talaga nakakaasar, akala mo kung sinong mayaman. (well siguro nga mayaman s'ya binili niya nga ako ng 10 million pesos! edi s'ya na!)
"Hi Miss Celine," bati niya sa'kin pero dahil wala akong takot, hindi ko siya pinansin, at nasa warranty din 'yun.
Ikakamatay ko talaga ang pride na 'to.
Nararamdaman ko na lang ang coat niya sa balikat ko.
Binigay niya sa'kin yung coat, then he walked away. Galing ba 'yun sa puso o palabas lang? Kailangan ba lagi na lang galing sa puso, Celine?
"Hoy! Ito na!" sabay tapon ko pabalik sa kanya ng coat, hindi ako tumatanggap ng tulong sa mga demonyo. "Hindi ko kailangan yan!"
Tumingin lang siya sa'kin tapos nag-smile, nakaka-irita!
Pinulot na lang nung butler niya yung coat tapos naglakad na naman kami.
Sa labas, si Mr. Rich Guy sumakay na sa sasakyan niya pero may dalawang sasakyan na naghihintay dun.
"Miss Celine dito po tayo," turo nung butler niya sa unang sasakyan na naka-sunod sa sasakyan nung kumag.
Sumakay naman ako. Kairita talagang sira ulo yun.
"Miss Celine, wag po kayo masyadong mag-alala. Mabait po si señorito, 'wag n'yo lang po painitin ang ulo niya," Sabi nung butler niya na medyo may katandaan na rin,
nag-smile lang ako para galang na lang din. Hindi po ako mag-aalala, galit po ako.
"Ako nga pala si Butler William, Miss Celine, ikinagagalak ko po kayong makilala." Nakipag-shake hands ako sa kanya, siya pa lang ang nakilala ko na mabait sa whole experience ko of getting auctioned in Black market.
"Saan po tayo pupunta Butler William?" Tawagin ko na ring butler, kesa naman sa William or Uncle William or Kuya William or William the Giant Slayer.
"Uuwi na po tayo sa mansion, Miss Celine."
Mansion? So talagang mayaman nga ang aroganteng 'yun? Malamang Celine, binili ka ng sampung milyon eh.
Tahimik na lang ako sa byahe, aaminin kong natatakot ako sa pwedeng maging kapalaran ko. Bakit pa kasi hindi na lang ako pinatay ni Mama at ibenenta rin naman nang sa ganun ay hindi ko na maramdaman o makita ang lahat ng pwede pang mangyare sa'kin. Nasaan ang hustisya?
Maya-maya, pumasok kame sa isang subdivision.
Wow. Ang laki ng mga bahay.
"Butler William, ang ganda naman ng mga bahay dito." as in manghang-mangha ako sa lahat.
"Exclusive subdivision po ito, may mansion po dito ang ilan sa mga pulitiko. Pati na rin po ang mga ilan sa mga celebrity. Maging ang iba pang mayayaman sa ating bansa."
Ah ganun? Kaya pala akala mo kung sino talaga siya, baka kasali pa nga yun sa mafia o kahit anung masasamang tao sa mundo.
Tumigil ang sasakyan and boom! Parang malacañang Palace lang. Vintage ang style ng bahay. No words to describe kung gaano kaganda ang mansion.
Binuksan ni Butler William ang pinto ng sinasakyan namin, tapos nakita ko na agad si Mr. Yabang.
"Welcome to my house Celine." He smirked then pumasok na sa loob. How irritating!
Pumasok na lang rin kami, kasama ko si Butler William. Wow! Ngayon lang ako nakakita ng bahay na ganito kalaki, parang buong bahay na namin ang sala nila.
"Butler William..." tinawag ni Mr. Yabang.
"Señorito?"
"Samahan mo si Celine sa kwarto niya, I don't want her to get lost." Tapos tumingin siya sa'kin then nag-wink. It's either he dies or I do. Nakaka-inis! Ang yabang niya talaga sobra! sarap sapakin ng mukha niya hayyss!
Nagmamaktol na lang akong sumunod kay Butler William. Sa sobrang irita ko wala na akong time para mag-marvel sa kagandahan ng bahay na ito, kasi Beast rin pala ang nakatira. Bad trip lang.
"Miss Celine. Dito na po ang kwarto n'yo, wag po kayong mahiyang tumawag sa sinumang katiwala dito, sabi ni Señorito." Tapos binuksan na niya ang pinto. Ang ganda. Ang laki ng kwarto ko. "Dito po ang kwarto n'yo."
"Aahh...Eehh...Butler William, ganito rin po ba ang kwarto n'yo?"
"Of course not Miss Celine, dalawang tao lang po ang napayagang matulog ni Mr. Smith dito. Pangatlo na po kayo."
Bakit niya ako dito papatulugin? Alam ko na! Mamanyakin niya kasi ako mamaya. Subukan lang niya at lalabas ang tinatago kong Jet Li.
"Sino po ba ang iba pang nakatulog dito?" Curious ako eh.
"Aahh... Si Señorita Ericka po at yung dating gi—"
"You can go now..." Dumating na ang salot sa lahat. Dali dali ng umalis si Butler William. Baka pagalitan pa yun dahil sa kadaldalan at dahil sa dami kong mga tinatanong sa kanya, aswang ata 'tong amo niya eh.
"Do you like your room?" Naglakad siya papalapit sa'kin.
There is something in him, masyado siyang ma-karisma, ang galing magdala sa sarili, parang may pagka-bad boy something na hindi ko ma-explain. Parang Demon ng Vampire Diaries at Jacob ng Twilight.
"Mas gusto ko yung maliit na bahay, kesa sa ganito na Beast rin lang ang nakatira." I said snobbishly. Naiinis pa rin ako eh, nakaka-irita pa rin siya. Mamatay ka na to the power of infinity!
"I think you should start thanking me for saving you back there."
"Alam mo iba ka. Kasi iba rin naman ang sasabihin ng iba pang nakabili sana sa'kin, yun nga lang, mas mayabang ka." Isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya. Alis na kasi!
"You know what Celine? Iba ka rin, kasi ang daldal mo, akala mo kung sino kang maganda, the least you can do is thank me." He leaned closer to the door. Napaatras naman ako kaya nabuksan na talaga. Nasa loob na siya ng kwarto ko...ay niya... pero akin daw 'to... pero sa kanya ang bahay. Ay bwesit!
Magje-Jet Li na ba ako? Ba't kinakabahan ako? Akmang sasampalin ko na sana siya pero hinawakan niya pa ang kamay ko, he pushed me papunta sa wall.
"Don't provoke me Celine," he said in husky tone. I can feel his hot breath in my neck, tumatayo ang balahibo ko.
"B-bitawan mo nga ako.!"
"Eh pa'no kung ayaw ko?" Ugh! I'm so dead! "I already bought you Celine, don't forget the warranty." The infamous smirk again!
I shivered when I felt his lips brushed my neck. Parang kuryente lang.
I tried to push him away pero ang lakas niya. He suddenly pulled me by the waist, ang lapit na namin sa isa't-isa. I honestly like the warmth of his body. Lande Celine! Lande!
He looked at me, I don't know why but I just closed my eyes. Yeah, he did buy me. That's why.
I felt his lips kissing my cheeks, hindi ako gumagalaw, nakapikit lang ako. The feeling was ecstatic, hindi ko ma-explain. Pahalata bang virgin ako? Pero bakit ganito?
Ito na ba yung iniisip kung s*x slave thingy?
Kawawa naman ako.
Ito na talaga.
"Sleep tight Celine." Bigla niya na lang ako binitawan then umalis agad palabas ng kwarto. What just happened?
NAGISING na lang ako nang parang nararamdaman ko na may mabigat na bagay sa taas ko.
Inaantok pa ako, aga-aga eh.
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!"
Napalukso din siya. Ano 'ng ginagawa niya sa kwarto ko?!
Nag-iinat pa na parang walang nangyari.
"What the f**k are you doing here?!"
"Kanina pa kita ginigising, 'wag ka ngang sumigaw. C'mon! Kumain na tayo." Tapos lumabas na siya, I was left there hanging. Ganun lang?
Naligo na ako at nag-bihis, hindi ko alam kung kaninong mga damit yung nasa kama, baka nilagay ni Butler William kaya kinuha ko nalang.
Pagbaba ko siya na talaga ang una kong nakita, nandun siya sa pool. Bakit wala siyang top?
Masisiraan na talaga ako ng bait nito. Naka-pajamas lang siya, as in pajamas lang tapos kumakain ng saging.
Six packs plus wet look. Tss. Pa-impress. Nakatira na 'ata sa loob mg gym. Tristan and the Goblet of Gym.
Bigla na lang siyang nag-wave sa'kin.
Baka ano pang iniisip niya! Hindi ko siya tinititigan, nakita ko lang naman siya 'di ba? 'Diba?
Pinuntahan ako ng isang kasambahay, "Miss Celine samahan n'yo daw si Señorito, kakain na daw po," tapos tiningnan ko ulit si Mr. Yabang.
He's smirking again! May iniisip naman siyang kakaiba. Sumunod na lang ako.
"Tigilan mo nga ang kaka-smirk diyan," sabi ko tapos umupo.
Kumakain pa rin siya ng saging habang nakatingin sa'kin. Can you feel the awkwadness, ba't parang ang manyak nito.
"Hoy! B1 nang-aakit kaba?"
"Ano?" Ano'ng tawag mo sa'kin?" Natawa pa siya.
"Sabi ko B1! Kain ka kase ng kain ng saging..."
"Ah...so that makes you B2," tapos nilagay niya sa ilalim ng baba niya ang finger niya na parang nag-iisip.
"Ayoko nga! Ayokong partner ka!" Ito naman siya na tumatawa. Stop with the sexy thing!
"Bigla nalang siyang lumapit tapos niyakap niya ako. His skin touched mine.
"Yeah... Good morning B2"