"WHAT do you mean? You know her?" tanong ni Tristan and he's eager to know kung ano'ng alam ni Russel at paano niya nakilala si Celine.
"Nothing and no," Russel smirked. Hindi naman siya pumunta doon para sabihin ang masamang plano ni Ericka. He just want to know more about this Celine.
"Spill it out Russel. You said Ericka is planning on something, what is it?" Mas lalo pang na curious si Tristan. Hindi niya alam ang gusto niyang maramdam, tama kaya ang hinala niya?
"First, tell me who is this Celine girl," sabi ni Russel with a mocked look.
Tristan sighed.
Pag-uusapan naman nila si Celine.
"She's my girlfriend," he simply said, pero deep inside it's like a whiff of fresh air nang sinabi niyang girlfriend niya si Celine, nararamdaman niya pa rin kung gaano niya kamahal ang babaeng hinahanap niya.
"Really? Kelan ka pa nag-stick to one couz?" tapos tumawa siya. "......wala naman eh, nabalitaan ko lang talaga ang tungkol dun sa Celine girl. I got interested when Ericka talked about it, kaya sinabi kong may pinaplano si Ericka." He lied.
It was never his intention na sabihin kay Tristan ang plano ni Ericka. He just wants some information. Hindi lang siya pinansin ni Tristan but deep inside akala niya may nangyayari na talaga, akala niya tama yung nararamdaman niya that something is wrong.
"Well, got to go cous. Susunduin ko pa si Isabelle," tumayo na agad si Russel tapos lumabas ng door. Hindi niya naman talaga pupuntahan yung girlfriend niya. Pupuntahan niya si Ericka, nasa baba lang ng floor ng office niya.
"Russel ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Ericka ng bigla siyang pumasok.
"Nakausap ko ang kuya mo," he said then slumped on a chair.
"You told him?!" halos hindi niya alam ang mararamdaman niya.
Ano na lang ang iisipin ng kuya niya?
"No, but I'm here to tell you to stop bothering your brother's relationship again which means 'wag mo na akong isama pa sa gulong yan," Russel quickly said then lumabas na.
Yes, it was never his intention na sabihin kay Tristan ang plano ni Ericka at wala rin sa balak niya ang tulungan talaga si Ericka because it was never his problem. At kung ano man ang kapalit nun, it was never worth it. Ericka was left hanging there. Kailangan niya nang makaisip ng paraan to get rid of Celine because she knows Tristan is doing something too.
Celine's POV
"CELINE, sigurado kang okay lang sa'yo?" Ang kulit ng lahi nito.
"Okay lang nga ehh, dito na lang ako. Pasalubong huh," sabi ko kay Alex na paalis na. Hinatid namin siya ng driver niya sa airport. Aalis siya papuntang London, pero babalik din siya, hindi lang sure kung kelan. Kaya ako na ang bahala sa mga small businesses niya dito, pero may tutulong naman sa'kin ehh.
"Mag-ingat ka dito Celine ha, tatawag ako." Para ko nang tatay ah.
"Oo na nga, 'wag ka nang mag-alala." Kinindatan ko siya tapos ngumiti lang siya at naglakad na papasok. "Alex!" sigaw ko, tapos lumingon siya, "Salamat!" Nginitian niya lang ako at naglakad na papasok.
So ako na lang mag-isa ngayon?
Wait, kasama ko pa pala ang mga galamay ni Alex sa Pinas.
Okay.
Bakit hindi ako sumama?
Kasi galit sa'kin si Tristan....
Galit siya kaya dapat hindi ako umalis, eh paano 'pag naka-get over na yun? Eh wala na ako? So ganun na lang? Mahal ko yun 'noh.
Sumakay na ako sa sasakyan na naghatid sa'min papuntang airport, mabait naman ang mga katulong ni Alex, parang si Butler William lang.
Mamimiss ko ng sobra si Alex, siya na rin ang tumulong sa'kin eh. Kaya habang wala siya kailangan gawin ko yung mga pinapagawa niya, kailangan maayos ko rin ang problema kay Tristan, pati na rin kay Ericka.
"Ate, may naghahanap sa'yo, maldita, ewan sino yun...." pagkababa ko pa lang sa kotse, nilapitan na agad ako ni Clarissa, ang katulong ni Alex na cebuana.
So may naghahanap sa'kin?
"Tara na...." sabay kaming pumasok sa loob, sino naman kayang naghahanap sa'kin? Hindi naman siguro si Tristan, pero bakit kinakabahan ako?
Andito siya.
"Oh hi Celine." Hindi ko ine-expect na makikita ko siya dito. Pinaalis niya lang si Alex tapos susulpot na parang kabute.
"Ano'ng ginagawa mo dito Ericka?" tanong ko. Oo, galit ako sa kanya, sa lahat ng ginawa niya sa'min ni Tristan.
"I'm here to tell you something?" Kung makapagsalita parang wala lang maling nagawa. Hmmm! Bilib din naman ako sa kagagahan ng babaeng ito.
"Ano? Sasabihin mo ba sa'kin kung ano pang mga pinaplano mo?"
"Oh c'mon Celine, I know na galit ka. Pero take it as a favor na lang.... I'm here to tell you something that might hurt you." Hurt me? Kulang pa ba yung ginawa niya?
"Dahil rin ba 'yan sa'yo Ericka?" I said.
"My kuya is getting married to Mia..." Huh?
Ano daw? Paki-ulit?
"I know, masakit din sa'kin na ikasal si Kuya, you know how much I value my brother. Naaawa din ako sa'yo, and I'm sorry, it's my fault na hindi n'yo nasulit ang natitirang araw n'yong magkasama ni Kuya. You know it's a tradition kaya wala na tayong magagawa."
Hindi ako makapagsalita. Ikakasal na si Tristan?
Ganun ba yun?
Dahil sa naka-ugaliang tradition?
So parang napaaga lang ang pahihiwalay namin?
"Ssshhhh..... Don't cry Celine." Lumapit sa'kin si Ericka. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Lalaki lang yan Celine! My God! Nineteen pa lang ako!
Bakit ko ba siya iniiyakan?!
Hindi ko alam ang feeling pero napayakap na lang ako kay Ericka.
Shit na buhay 'to!
Ikakasal rin lang naman pala si Tristan.
"Ssshhh... Don't cry Celine." Nakatulong din sa pagtahan ko ang pagtapik ni Ericka sa likod ko, pero yung pain sa loob. Parang ikamamatay ko na.
Bakit hindi niya man lang sinabi sa'kin?
Tristan naman eh!
"Celine, I'll help you.... Sssshhhh...." napatingin ako kay Ericka. Ano daw?
"H-ha?" pinahid ko ang mga luha sa mukha ko. EEEHHH!!!! Nakakainis ka na Tristan!
"I'll give you my business in Paris, lalabas ka ng bansa, move on with your life. Start a new." She said it with such assurance.
Makakapagsimula ako. Iiwanan ko si Tristan at ang mga promises.... lahat.... Magsisimula ako ulit.
"So is it a deal Celine? Ako ng bahala sa lahat.... Makakalimutan mo si Kuya, kapalit na rin ito sa nagawa ko sa'yo." Tama siya. Ikakasal na si Tristan. 'Wag na akong makialam, mas lalong lalaki pa ang gulo.
Magulo man ang isip ko ngayon kasi nasasaktan pa ako, pero ito ang tama.
Si Ericka na mismo ang nagbibigay ng opportunity. Ganun na lang kadali kung iiwan namin ang isa't-isa. Pero ganun siguro talaga.