9:12 PM

1002 Words
Author's POV "SO how is your sister doing?" tanong ni Don Fredericko kay Tristan. Kababalik niya lang galing sa isang business trip abroad at naisipan niyang bisitahin ang first born niya sa bahay nito. "I don't know dad, she's fine, I think. She said she's been meeting her doctors," sagot ni Tristan. "Are you still with your girlfriend? How is Ericka coping up with her?" Natanong ni Don Fredericko dahil alam naman niyang hindi gusto ni Ericka si Celine. At sa kalagayan niya, baka may magawa si Ericka na hindi maganda. "I told you dad, Ericka is fine. Malaki na siya," iritang sagot ni Tristan. Nabanggit na naman kasi ang pangalan ni Celine. "Whatever you say, son." and they proceeded talking about business, pero alam na alam naman ng papa niya na hindi nakakapag-focus ang anak niya sa trabaho. Ilang sandali pa, may kumatok sa pinto. "Yes Butler William?" tanong ni Tristan. "Excuse me Señorito, pero importante po." Alam na alam na ni Tristan kung ano agad ang sinasabi ni Butler William. He immediately got up at iniwan ang papa niya sa study room para makausap ang Butler. "What is it?" Tristan. "Si Miss Celine po, aalis ng bansa," he said. "Ano?!" sigaw ni Tristan na nag echo pa sa buong bahay. "Nakalusot po sa amin ang balita, pasakay po siya sa eroplano, one way trip po yun." sagot ni Butler William na nababahala sa reaction ng amo. "Where is she going?!" tanong ni Tristan na napakamot na lang sa ulo. Hindi niya alam kung galit ba siya o kinakabahan. "Hindi po maibigay ang impormasyon sa amin." "Ano'ng oras ang alis niya?" "Nine pm po." tumingin siya sa wrist watch niya. 8:54 pm At halos magkadulas-dulas na siyang takbuhin ang garahe. Celine's POV "CAN'T this get any faster?" Ewan ba't naiirita si Ericka ngayon. Nine pa naman ang flight ko ah, may 20 minutes pa. Oh well, siya naman ang expert dito eh. "Ericka, salamat talaga," sabi ko. Kahit papaano makakapagsimula ulit ako. "Don't worry Celine, it's nothing. Thank me when you get rich," smile niya sa'kin. Somehow, hindi ko pa rin maalis ang isipin yung ginawa niya sa'kin dati, pero siguro nakaplano na nga na ganun ang mangyayari. Baka ganito ang plano ni God sa'kin. Mamimiss kita Tristan. Mahal na mahal kita. Sana maging masaya ka. Pagdating namin sa airport, kinausap ng security group ni Ericka ang guards dun. Ewan nga, pero parang may bawal papasukin..... ewan..... ang gulo, baka for security reasons lang. Ngayon lang ako nakapunta ng airport! Ang dami palang ilaw dito, kahit gabi ang daming tao. Manol lang 'te? "Maya-maya nandiyan na ang eroplanong sasakyan mo Celine, when you get to Paris, susunduin ka ni Cheska, siya na ang bahala sa'yo." sabi sa'kin ni Ericka sabay abot ng passport at visa ko, ewan kung paano niya 'to nakuha. Hindi naman siguro ito illegal kasi mayaman naman sila para gawin pa yun. "Salamat talaga Ericka...." gusto kong tanungin sa kanya si.... "....alam ba ni Tristan na aalis ako?" Alam niya kaya? Hindi siguro, kasi kung alam niya, alam ko naman na hindi siya papayag na umalis ako. There is a part of me na naniniwala pa rin na mahal niya ako. Minahal namin ang isa't-isa sa maling oras. O talagang minahal ko lang ang maling tao. Baka nga mag-forever alone pa ang drama ko eh. Pero whatever awaits me on the other side of the world, sana it's for the better. Kasi kung para sa'kin si Tristan, para talaga siya sa'kin. Mahal ko naman siya eh, pero ayokong maging dahilan yun para lang mahalin niya rin ako. Alam ko na mahal niya ako. "Actually, he knows," parang binuhusan lang ako ng malamig na tubig. Alam niyang aalis ako? Pero ba't di man lang niya ako pinigilan? "H-ha?" "He knows that you are going Celine, tingnan mo..." kinuha niya yung ticket sa kamay ko at binuksan, ".... see his name? Siya ang nagpakuha ng ticket mo Celine, siya pa nga ang nagsabi sa'kin na umalis ka na agad eh. Tingnan mo, kaya nga nakapangalan sa kanya yan eh." Hindi ko maintindihan, pero pangalan nga ni Tristan yun. TRISTAN KYLER SMITH Sobra pa pala sa alam niya na aalis ako, siya pa ang nagpapaalis sa'kin. Pinipilit kung pigilan ang luha ko, kailangan kong maging matapang! Kaya ko 'to! Lalaki lang yan! Malayo sa bituka! *Flight 28 bound for Paris, please proceed to gate 8* Flight ko na yun. "Stop being emotional, Celine, oh ayan na ang flight mo. Go! Have a new life" Huminga ako ng malalim. Iiwan ko na siya. Lahat ng promises. Lahat ng tungkol sa kanya. Iiwan ko na. Magsisimula ako ulit. Parang iiyak na ako. "Thank you," sabi ko kay Ericka at naglakad na. Ayokong makita ka ulit Tristan, pero kung talagang darating ang araw na makasalubong mo ako, sana maalala mo ang araw na minahal kita ng todo at sobra-sobra. Tang-inang buhay 'to oh! Palapit nang palapit na ako sa gate 8. Aalis na talaga ako. Ericka's POV HALOS magka-strain na ako sa leeg sa kakalingon kung nakahabol ba si kuya. Shit na babae yun. Ang tagal pang maglakad. At pesteng mga katulong, nagsumbong pa sa mga spy ni Kuya. Paano kung nakarating nga kay Kuya ang balita na paalis na si Celine? Bwisit lang! "Ma'am, kailangan na po natin umalis, bawal po ang hindi passengers dito." nauna na akong naglakad sa security ko. Mabuti pa nga at baka maabutan pa ako ni Ku--- "Ericka? Ano'ng ginagawa mo dito?" "Kuya?" Nakita niya kaya si Celine? "What are you doing here?" What will I tell him? Na hinatid ko ang girlfriend niya? Shit! Dapat umalis na lang ako agad. "Ahh... Uhmm... Hinatid ko lang yung friend ko, you know.. the one na kinunan ko ng ticket." I said. Hinahanap niya kaya si Celine? "Ikaw ano'ng ginagawa mo dito?" Hindi niya na ako sinagot, pero tumakbo na siya papuntang info desk. I'm sorry Kuya, but you're too late. 9:12 p.m. "Flight 28 bound for Paris taking off*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD