“CAN I talk to you, Dad?” magalang na tanong ni Eduardo sa kanyang ama pagpasok niya sa opisina nito. Nadatnan niyang abala ang kanyang ama sa mga gawain nito. Ayaw sana niya itong abalahin ngunit hindi na makakapaghintay ang sadya niya rito. Nais na niyang matapos ang lahat. He wanted to get away as soon as possible. Ayaw na rin niyang magbago ng isip. Gagawin na lang niya ang kanyang nais. “Sure,” tugon ng kanyang ama kahit na nakikita niya ang pagtataka sa mukha nito. Nagtataka marahil ito kung bakit naroon siya sa oras ng trabaho. “I resigned.” He straightened up. Sumandal ito sa upuan at mataman siyang tinitigan. Nawala ang pagtataka sa ekspresyon ng kanyang ama. Tila hindi na ito nagulat sa kanyang sinabi. Tila inasahan na nito ang tagpong iyon sa pagitan nila. His father looke

