HINDI alam ni Yllen Stacy kung gaano na siya katagal na nakatitig sa kisame ng silid ni Eduardo. Eduardo was on top of her. Yakap siya nang mahigpit ng binata. Wala itong ginagawang anuman. Kanina pa nila nabawi ang mga hininga nila. Hindi na niya natagalan ang katahimikan sa pagitan nila kaya nagsalita na siya. “Eduardo, uhm...” Hindi niya maituloy ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ang mga salitang gagamitin. She may be a virgin—she was still a virgin—but she was not really innocent about s*x. Hinagkan nito ang pisngi niya. “Yes?” malambing na sabi nito. “Uhm...” She felt so stupid. Natatawang bumangon si Eduardo mula sa pagkakadagan sa kanya. Kaagad niyang niyakap ang kanyang sarili upang kahit na paano ay matakpan ang kanyang katawan. Nais sana niyang abutin ang kumot sa paan

