LABIS na nagulat si Yllen Stacy nang maging bisita niya nang umagang iyon si Cecilio. Paalis na sana siya para pumasok sa trabaho nang biglang dumating sa bahay niya ang binata. Laking pasasalamat niya na nakaalis na ang kanyang ama. Alam niya na hindi magiging maganda ang pag-uusap nilang dalawa at ayaw niyang magpaliwanag sa kanyang ama ng kahit na ano tungkol kay Eduardo. “Hindi naging maganda ang pagkakakilala natin noong isang araw,” panimula nito sa pormal na tinig. He extended his hand to her. “I’m Cecilio Castañeda, Eduardo’s cousin.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “I know. I’m Yllen Stacy.” “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Yllen Stacy.” Mas naging malamig ang tinig nito. “Layuan mo ang pinsan ko. Ayoko na may babaeng sisira sa magandang relasyon nila ni Luisita. Hi

