TULUYAN nang nag-iba ang relasyon nina Eduardo at Yllen Stacy pagbalik nila sa trabaho. Hindi niya maitago ang kaligayahan. Madalas na siyang napupuna ng mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho. She was always blooming and glowing. Hindi na nabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Everything was going her way. Everything was perfect. Hindi nila ipinapahalata ni Eduardo sa mga kasamahan nila sa trabaho ang namamagitan sa kanila. Hindi niya alintana kahit na palihim silang nagkikita at nagkakasama minsan. She had expected that. Masaya naman sila kahit na hindi sila lantad. They talked a lot about so many things. Napakaraming kuwento ni Eduardo tungkol sa Mahiwaga, tungkol sa Lola Ancia nito, at tungkol sa mga kapatid nito. “You all look so different from one another,” ani Yllen Stacy haba

