DUMERETSO kaagad si Yllen Stacy sa opisina ni Conrad pagbalik niya sa lungsod. Alam niya na nadismaya nang husto si Luisita sa pag-alis niya sa Mahiwaga ngunit kailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Hindi naman talaga siya maaaring manatili roon nang matagal. Hindi pa niya hinahayaan ang kanyang sarili na umiyak nang todo. Plano niyang gawin iyon pagkatapos niyang makausap ang dalawang lalaki na nais niyang makausap. She would let herself feel miserable later tonight. Napangiti nang malapad si Conrad nang makita siya nitong pumasok sa loob ng opisina nito. “Hi! Hindi ko alam na darating ka ngayon. Kumusta ang lakad mo sa probinsiya?” Inabot niya ang kamay ng binata. Inilagay niya sa palad nito ang singsing na ibinigay nito sa kanya dalawang taon na ang nakararaan. Natigilan ito sanda

