NAKIKITA ni Yllen Stacy na hindi natutuwa si Eduardo habang kasalo nila ito sa hapunan. Ito lang ang bukod-tanging tahimik sa hapag. Ginamit nila ang malaking dining room sa villa dahil marami sila. Kanina pa siyang umaga sa villa dahil niyaya siya ni Luisita. Nag-aalangan siyang sumama noong una ngunit ayon sa dalaga ay maghapon sa bukid si Eduardo. Hindi ito umuwi sa villa maghapon. Kailangan daw niyang sumama dahil nais siyang mas makilala ni Lola Ancia. Napakabait sa kanya ng matanda. She apologized for her grandson’s behavior the first time she stepped into the villa. Sinabi niyang hindi nito kailangang humingi ng apology dahil naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ang galit sa kanya ni Eduardo. Hindi siya gaanong tinanong ng matanda tungkol sa nangyari sa kanila ni Eduardo

