Gaya nang gusto mangyari ni Darrel na liligawan siya nito ay ginawa nito kaagad iyun. Every morning pinapadalhan siya nito ng flowers araw at gabi. Napailing na lang siya. Hindi niya alam na may pagkaromantic pala ang dating hambog at bastos na si Darrel Dariuz. "Kailan pa naging flower shop ang condo mo,Ate?" si Senneth. Binisita siya nito. Kakahatid lang sa kanya ni Darrel mula sa dinner date nila. Nginisihan niya ito. "Ang sweet di ba," Humalukipkip lang ito at matiim lang tumitig sa kanya ang kapag. "Nasabi mo na ba sa kanya?" Bigla siya natauhan sa sinabi iyun ng kapatid. She sighed. Umiling siya. "Bakit hindi ka humingi ng advice kina Ate ..Pwede ka rin naman tulungan nila Kuya Dave,Kuya Gael at Kuya Tyron?" suhestyon nito. "Gusto ko din naman na sabihin sa kanya pero parang

