Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago tuluyan bumaba ng kotse niya. Pinapunta siya ng binata sa town house nito. Sabi nito ipagluluto siya raw nito ng dinner. Syempre,kinilig siya roon. Napangiti siya ng bumukas ang pintuan at bumungad ang gwapong-gwapo si Darrel. Agad ito humalik sa lips niya. Yeah,hindi na niya ito pinipigilan sa paghalik-halik nito sa kanya kahit na hindi pa man sila official na magkarelasyon. Hinagip nito ang kamay niya at hinila siya papasok sa loob ng kabahayan nito. Agad na napangisi siya ng makita ang inihanda nito. May candlelights pa nalalaman. Inabot nito sa kanya ang isang bouquet na bulaklak. Nakangiti na inamoy-amoy niya iyun. "Thank you," aniya. Inalalayan siya nito makaupo. "I hope masarapan ka sa niluto ko,this is my first time na magluto tinawag

