Nagmamadaling tinungo ni Darrel ang bar na sinabi ng tumawag sa kanya gamit ang telepono ni Alona. Ayon sa staff ng bar,hindi na makatayo sa kalasingan ang kinakapatid. Agad naman niya sinakay sa kotse niya ang dalaga at inihatid sa condo unit nito. Nang maihiga niya ito sa kama at balak na niya umalis ng bigla naman ito yumakap sa kanya kaya napadagan siya rito. "A-alona.."bigla niya saad. "Please..Darrel..don't leave me.." usal nito. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Alona..you drunk..matulog ka na," aniya. Pero lalo siya nabigla ng hawakan siya nito sa mukha at siilin siya ng mariin na halik. Nanlaki ang mga mata niya sa kabiglaan. Agad naman niya naitulak ang dalaga at mabilis siya umalis sa pagkakaibabaw rito. "Why did you do that?" marahas niya saad. Nakamulat ang

