Ginabi na sila mula sa panunuod ng sine ni Darrel . Naglakad sila pauwi ng condo niya dahil dalawang kanto lang naman ang layo ng Mall sa condo niya at saka gusto ni Darrel na magkahawak-kamay sila naglalakad sa pampubliko lugar. Naiinggit daw ito sa ibang couple na naglalakad na magkahawak-kamay. Minsan may pagkaisip-bata din ang binata. Feeling teenager. Magkahawak-kamay sila naglalakad sa gilid ng kalsada ng may malakas na ilaw ang tumama sa kanila. Naging maagap naman ang kasintahan na mahila siya dahiL mahahagip siya ng kotse. "Siraulo yun ah!"bulalas ng nobyo. "You okay,baby?" nag-aalala tanong ng binata sa kanya. "Oo,okay lang ako.." pagtango niya. Nakita niya. Nakita niya kung sino ang nagmamaneho ng kotse iyun. "Let's go,baka may sasakyan na naman makahagip satin," yakag ng

