Pabalik na sila ni Darrel sa Manila galing Quezon. Tuwang-tuwa ang ginang sa kanya. Gusto pa nga nito doon na sila magpalipas ng gabi pero tumanggi si Darrel dahiL may lakad pa sila kinabukasan at iyun ang hindi niya alam. Gusto daw ni Darrel pumunta sila sa amusement park. Nag-ala-teenager na naman ang kasintahan. Ginabi sila pag-alis dahiL ang dami pang habilin ng ginang sa kanila. Maya-maya bigla may dalawang motor na single ang huminto sa unahan nila kaya agad na napapreno ang binata. "s**t! You okay,babe?!" agad na tanong ni Darrel sa kanya dahiL bahagya napasubsob siya sa unahan mabuti na lang nakaseatbelt siya. May kumatok sa bintana sa magkabila nila ng kasintahan. Nagkatinginan sila. "This is not good.." anas ng nobyo. Pareho sila nabigla ng binata ng basagin ng isa ang bint

