Nanatili siya nakadistansya sa binata. Gustuhin man niya yakapin ito ng mahigpit hindi niya magawa dahil baka itulak siya nito papalayo. "Uhm,gusto ko sabihin na totoo ang nakita mo sa pagshift ko sa ibang anyo.." Nanatili ito nakamaang sa kanya. "Isa akong lobo..." Huminga siya ng malalim na hininga at pinakatitigan ang binata. "Iyun ang dahilan kung bakit sobrang lakas ko...dahiL sa isa akong Lobo..halimaw kung iyan ang iniisip mo sakin," mapait niya saad. "Darrel,pasensya na kung hindi ko kaagad nasabi sayo," aniya. "Sasabihin ko rin naman sayo kaya lang gusto ko sa tamang pagkakataon at hindi maganda pagkakataon ang nangyari noon nakaraan...hindi sa pagkakataon iyun ang gusto ko malaman mo ang tunay ko pagkatao,Darrel," "Pero hindi ko gusto na saktan ka ni Alona...o kung sinum

