Muli sa pangalawa pagkakataon nakaharap niya muli si Tyron Siegfred at Dave Dornan. Nakangisi sa kanya si Tyron habang seryoso naman nakamata sa kanya si Dave. Nagtungo sila sa malaking bahay ni Dave para makausap niya ang makakatulong sa kanya ipaintindi ang kakaibang pangyayari ito. "So,kamusta naman si utak? Nasa stage of shock pa rin ba?" umpisa ni Tyron. "Paano niyo nalaman ang tungkol sa kanila?" balik-tanong din niya. "Well,madrama kasi Yung amin eh," anang ni Tyron. "I mean,sa maaksyon na eksena,niligtas ako ng isang malaking lobo mula sa gusto pumatay sakin then my future wife save my ass pero hindi ko pa alam nun na siya si Debbie..nalaman ko lang noong natamaan siya ng baril at nakita ko ang pagbabago ng malaking lobo at si Debbie nga ang lobo iyun..she's dying that time p

