KASALUKUYAN akong nakaupo sa labas ng kubo at pinagmamasdan ang mga lalaking nagsasanay sa pakikipaglaban at ang iba ay nagsasanay sa paggamit ng baril ang iba naman ay nagsusuntokan.
Sa ilang sandali pa ng aking panonood ay nakita kong papalapit sa akin si Mang Berting nang makalapit na ito ay ka agad akong kinausap.
"ALEX tila ay napaka layo ng iyong tingin?" tanong nito.
"Pinagmamasdan ko lang po sa banda roon ang mga lalaking nagsasanay," sagot ko rito.
"Ganon ba Alex," maikling sagot nito.
"Mabuti pa kaya ay sanayin mo na kita sa pakikipaglaban halika puntahan natin ang mga taohan ko.
"Sege po Mang Berting saka mukhang kaya konang maigalaw ng husto ang aking katawan," sambit ko.
Mabilis naman kami nagtungo sa mga nagsasanay ng makalapit na kami ay pinagmasdan ko mo na ang galawan nang dalawang nagsusuntokan na tila ay ayaw nila magpatalo sa isa't isa kahit ang isa ay duguan na sa natamong malakas na suntok at sipa sa kalaban niyang mas malaki pa sa kaniya.
Medyo may konting kaba naman akong naramdaman ng magsalita si Mang berting.
"Alex ikaw ang susunod na lalaban sa lalaking iyan kailangan maipakita mo na kaya mo siyang talunin kahit may iniida kapang sugat," utos nito.
Natapos na nga ang ilan minuto sumuko narin ang lalaking duguan na halos mawala ang isa niyang mata sa tindi ng tama nito hinang-hina na ito kaagad naman ito binuhat ng iba pang lalaking naroon para gamutin.
"Alex ikaw na ang lalaban unang pagsubok palang ito Alex, may iba pa ako ipapagawa sa 'yo," turan ni Mang Berting.
"Walang problema po Mang Berting ipapangako ko sa inyo na papabagsakin ko ang lalaking yan," mayabang na sagot ko.
Maya-maya pa ay tinulak na ako ni Mang Berting sa lalaki nasa gitna, dahilan para ako ay matamaan kaagad nito sa mukha at naramdaman ko naman na parang dumugo ang ilong ko, dahil sa suntok na tumama sa akin.
Nagdilim naman ang paningin ko sa lakas ng pagkakasuntok sa akin ng lalaking kalaban ko, narinig ko ang mga hiyawan ng mga nanonood sa aming laban.
"Laban Alex laban sigaw ng mga ito
nakatingin naman ako sa pustura ng muka ni Mang Berting na naka tayo lang at pailing-iling sa akin.
Mayamaya pa ay lumapit na sa akin ang lalaki kong kalaban muli na naman akong tinamaan ng suntok sa sikmura at napasigaw ako sa sakit, ahhh! sheet damm! hindi pa nakontinto sinipa pa niya ako sa tagiliran dahilan para mapa atras ako naramdaman kong napakagaling makipaglaban ng lalaking katunggali ko parang mahihirapan akong talunin ito.
Tiyak ay kapag nagpatuloy pa ito ay matatalo ako at mapapahamak muli ay pinagsusuntok ako nito ng sunod-sunod nagpaikoti-ikot pa sa eri sabay sipa sa mukha ko ng malakas dahilan para bumagsak ako sa lupa at tanging malakas na sigawan na lang ang naririnig ko. at unti-unting pumipikit ang mga mata ko.
Hangang sa maalala ko ang aking pamilya bigla nabuhayan ang aking katawan dahilan para muling manumbalik ang aking lakas.
Nang akmang dadamba sa akin ang lalaki ay agad naman akong nakailag bumagsak ang katawan niya sa lupa at bago paman siya tuluyan makatayo ay pinagsisipa ko na ito at pinaulanan ko ng suntok sa muka halos mabasag ang muka nito dahil sa malakas na suntok mula sa aking kamao, nararamdaman ko ang galit sa aking puso na binuhos ko sa lalaking kalaban ko ngayon hindi ko napansin na muntik ko na pala itong mapatay, kaya pinigilan na ako ng mga nanonood.
Sumigaw na lang ako ng malakas habang inaawat ng mga taohan ni Mang Berting dahil wala na ako sa sarili.
Ilan saglit pa ay nataohan narin ako nang marinig ko ang boses ni Mang Berting.
"Alex tama na yan maikling sabi nito ka agad naman itong lumapit sa akin at inakay ako pabalik ng kubo kasabay noon ang pag-puri ng mga lalaking naroon at sinisigaw nila ang aking pangalan.
"Ang galing mo Alex iba ka, nagawa mopang talunin ang kalaban mo kahit sa una ay suntok sipa ang iyong natatamo," maikling sabi ng isang lalaki.
Nagsalita naman si Mang Berting habang nakatingin sa akin.
"Alex bukas sasanayin naman kita sa paggamit ng baril alam kong matagal kana hindi nahahasa rito.
"Nalampasan mo ang unang pagsubok ko sayo Alex kinakilangan mo 'yon para maging malakas ka sa pakikipaglaban kung maubosan ka ng bala sa guerang pupuntahan mo," sambet ni Mang Berting,
"Maingat naman nila akong hinatid sa kubo at inutasan ni Mang Berting ang iba nitong tauhan para gamotin ako ngunit bago pa man sumunod ang tauhan nito ay nagvolunter na ang anak niya si Mylene.
"Itay ako na po bahala gumamot ng mga sugat ni Alex," pakiusap nito.
"Sege hijah, maikling sagot nito sa anak.
"Paano anak maiiwan na kita ikaw na ang bahala kay Alex," utos nito.
"Nang makaalis na ang lalaki ay agad naman lumapit sakin si Mylene. medyo nahihiya pa ito habang pinupunasan niya ng basang towel ang sugat ko natamo sa pagsasanay kanina.
Ramdam ko hapdi habang ginagamot niya ang mga sugat ko. Aray! dahan-dahan naman.
"Masakit ba Alex?" tanong ng babae sa akin.
"Mabuti nga yan lang ang natamo mo kasalanan mo naman iyan kanina nagpapahinga ka rito, tapos pupunta ka sa mga nagsasanay at nakipaglaban kapa ayan tuloy nang-yari sa 'yo!" galit na sabi ng babae.
Natawa naman ako sa kaniyang nasabi at nagyabang pa ako sa babae.
"Malayo 'yan sa bituka at hindi yan sugat na yan ang ikakamatay ko masamang damo kaya ako, huwag kang mag-alala," sambit ko sa babae.
Ngunit tumaas lang ang kilay nito at tumingin ng masama sa akin at mas lalo niyang diniinan ang sugat ko dahilan para pamasigaw ako aray! nanadya kaba?" tanong ko.
Dahil sa subra hangin ko sa katawan ka agad niya akong iniwan nagmadali itong lumabas ng kubo kasabay ng pagdadabog.
Subalit bago pa siya tuluyan umalis sa kubo ay pinagalitan pa niya ako.
"Huyts! nako Alex napaka yabang mo, sugatan kana nga at bogbog ang dami mopang sinasabi bahala kanga diyan sa buhay mo gamotin mo mag-isa ang mga sugat mo sabay alis nito.
Tawang-tawa naman ako sa reaksyon ng kaniyang mukha.
Mayamaya pa ay tuluyan na rin akong nagpahinga at dinalaw na ako ng antok wala na akong naririnig na ingay ng tao sa paligid tanging mga kulisap lang ang naririnig ko siguro ay tulog na sila lahat," bulong ko.
Hangang magdesesyon na rin akong matulog, ang hirap pala ng ganito, sa tuwing matutulog ako ay wala man lang akong katabi.
Namimiss ko ang mag-ina ko ng araw ng 'yon ramdam ko ang ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking katawan, ngunit wala akong magawa nasa bundok ako kaya alam kong malamig talaga rito,"bulong ko sa aking sarili.
Mabilis na tapos ang buong magdamag
at sa aking paggising bumungad ka agad sa akin ang napaka gandang hubog ng katawan ni Mylene at napansin ko rin na bago ligo ito.
Nang makita na niya akong gising na ay ka agad niya ako binati.
"Good morning Alex kamusta ang tulog mo?nakatulog kaba ng ayos kagabi?" tanong ng babae.
Ka agad naman ako sumagot na may ngiti sa aking labi.
"Ahmmmm--- hindi nga eh..." napakalamig kasi at napakanipis ng kumot tiniis ko na lang ang pagyakap sa akin ng hangin," sagot ko sa babae.
"Ganon ba Alex, pareho pala tayo nalamig kagabi eh..."palagi kasi akong walang katabi matulog mag-isa lang ako sa isang kubo," sambit nito.
Bigla naman tumakbo sa aking isipan ang pakapilyo at biniro ko ang babae, Ahmmmm--- ganon ba Mylene, kung ganon naman pala ay bakit hindi na lang tayo magtabi matulog sa kubo na tinutulogan mo," pabirong sabi ko sa babae.
Natahimik naman ito at naka yuko na lang ang ulo, hindi makatingin sa akin ng deritso, dahil siguro nahiya ito sa nasabi ko, ngunit bago pa ito magsalita ay inunahan ko na sya.
"Biro lang iyon Mylene tiyak na magagalit sa akin ang itay mo kapag malaman niya sinamahan kita sa kubo tapos magkatabi pa matulog," paliwanag ko.
"Ahmmmm--- mabuti naman at alam mo ! mataray na sagot nito at tumawa lang ako.
"Ikaw naman hindi ka mabiro pa kiss na lang ako," pabirong sambit ko muli sa babae.
"Sapak gusto mo! baka gusto mo tuloyan kita !"galit na sabi nito, sabay talikod at iniwan ko.
"Hoy Mylene, huwag mo akong iwan dito bumalik ka," pakiusap ko sa babae.
Ang sungit naman ng babaeng iyon, balang araw makukuha rin kita, alam kong nagpapakipot ka lang bibigay ka rin," bulong ko.