bc

REVENGE

book_age18+
152
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
war
like
intro-logo
Blurb

Isang masayang pamilya. Puno nang pagmamahalan, ngunit sa isang iglap ay mapapalitan ito nang pighati, galit, puot at pagrerebelde, dahil lang sa isang 'di inaasahang pangyayari.--- Ang pagkamatay ng buong pamilya niya. Sa nangyaring trahedya sa pamilya, may magagawa pa kaya si Alex Guevara para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang pamilya? Ngunit para sa kanya ay gagawin niya ang lahat upang maipaghiganti, wala siyang pakialam kung masama siya sa paningin ng ibang tao. At sino nga ba ang tunay na pumatay? Makakamit pa ba ng pamilya Guevara ang katarungan? Abanga!

chap-preview
Free preview
THE REVENGE 1
Kasalukuyan akong nag-iisa sa harap ng aming bahay, habang pinagmamasdan ko ang aking mag-ina. Napansin ko ang sayang nadarama ng anak kong si Angela sa feeling ng asawa kong si Monica. Sa totoo lang sa tuwing nakikita kong ganito kasaya ang mag-ina ko ay 'di ko alintana ang pagod at hirap ng buhay. Alam ko sila ang dahilan kong bakit ako ay patuloy na lumalaban sa buhay hindi ko kakayanin kapag balang araw ay mawala sila sa akin at habang nakatingin naman ako sa mag-ina ko ay lumapit sa akin ang aking itay. "Alex anak, mukhang ang layo-layo ng iyong tingin?" Nagtatakang tanong ng aking Ama. "Masaya lang ako itay, dahil nakikita kong laging ganyan ang mag-ina ko at tila ba ay wala silang problemang dinadala," sagot ko sa itay ko. "Napansin ko nga Alex at alam mo ba anak, ang sweerte mo riyan sa mag-ina mo lalo na sa anak mong si Angela napakabait niyang bata at magalang pa sa nakakatanda kaya nga paborito ko siyang apo,"sambit ng Ama ko. Patango-tango lang ako sa sinabi ng aking itay, hanggang siya ay nagpaalam na sa akin. "So pano anak, mauuna na mo na ako sa 'yo, magtutungo mo na ako sa bukid, may pinapatanim sa akin na mga gulayin si Mang Berting. "Sege po itay, mag-iingat ka po," pag-aalalang sagot ko kay itay. Mayamaya pa ay lumapit na sa akin ang mag-ina ko, ka agad naman akong niyakap ng anak kong si Angela. "Papa," maikling pagkaka sambit sa akin, ng anak kong si Angela. Niyakap ko naman din siya ng mahigpit, kasabay ng paghalik ko sa noo nito. "Alex," asawa ko, mahal na mahal ka talaga ng anak natin," sambit ng asawa kong si Monica. "Tama ka riyan Monica, kaya nga nagpapasalamat ako sa buong may kapal, kasi kayo ang ibinigay sa akin na pamilya ko, hindi ko kakayanin mabuhay pa kapag mawala kayo sa akin," malungkot na sambit ko sa asawa ko. "Nagpapasalamat din naman ako sa Diyos, kasi binigyan ako ng asawang katulad mo, bukod sa gwapo na ay mapagmahal pa sa pamilya, hinding-hindi na ako ha-hanap pa ng iba," sambit ni Monica "Natuwa naman ako sa aking narinig galing sa bibig ng asawa ko, kaya ka agad ko itong niyakap, mahal na mahal kita Monica, ikaw ang buhay ko at ng anak ko." "Mahal na mahal din kita asawa ko, malambing na pagkakasabi sa akin. "Mayamaya pa ay nagpaalam na ito, tika maiiwan mona kita, kailangan konang makapaghanda ng ating pananghalian, alagaan mo mona ang anak natin si Angela," pakiusap nito. "Sige Monica sarapan mo ng pagkakaluto ha, gusto ko ulit matikman ang special recipe mo," pabirong sabi ko sa asawa ko. "Sige Alex sasarapan ko ng pagkakaluto na tiyak ay magugustohan mo at hanap- hanapin mo," biro ng asawa kong si Monica. Masaya kaming naglalaro ng anak ko, hanggang sa 'di kalayuan ay may napansin akong tila ba ay bago lang sa aking paningin, limang armandong mga lalaki na may mahahaba silang dalang baril, saka para silang nagmamadali patungo sa kakahuyan, napa isip tuloy ako sa aking nasaksihan, may konting takot para sa aking mag-ina. Napabuntonghininga naman ako, mayamaya pa ay napansin ko nang nakabalik na ang itay ko. Mabilis ko naman itong sinalubong, kinuha ko ang dala-dala niyang kalabasa nagaling sa bukid. "Itay, mukhang pagod na pagod po ka po? Akina po 'yang dala-dala ninyo at tutulongan na po kita." "Sige anak, heto dalahin mo na sa loob ng bahay para naman maluto na ng asawa mo." "Masusunod po--- mukhang masarap itong gulay na kalabasang hawak ko, tiyak pati anak kong si Angela ay magugustuhan niya ito," anas ko. Pumasok na nga ako ng aming bahay, nagtungo ako sa kusina, nakita ko naman na abala ang asawa kong si Monica sa pagluluto ng aming pananghalian. "Marahan ko naman binaba ang dala kong gulay, sabay lapit ko sa asawa ko at niyakap ko ito ng mahigpit. "Ang bango talaga ng asawa ko, naka-kagigil kahit wala pang ligo sabay halik ko rito. "Alex naman! Mamaya ka na maglambing diyan alam mo naman may ginagawa ako at saka ang lagkit-lagkit ko na!" galit na pagkakasabi sa akin. "Namiss lang kita Monica," Turan ko sa asawa ko. "Miss ka diyan, kanina lang magkasama tayo sa labas 'diba, lumabas ka mona, hindi ako matatapos dito sa pinaggagawa mo," nakataas na kilay na sabi nito. "Okay sabi mo eh..." padabong ko na sabi sa kanya sabay talikod sa aking asawa. Tuluyan ko na ngang iniwan ang asawa ko at lumabas ako ng bahay tapos nakita ko si Itay, na nagpapahinga sa kubo niyang laging tinatambayan, marahan naman akong lumapit at nagtanong sa kanya. "Itay, maaari po ba akong magtanong?" "Ano iyon anak?" "Kanina po kasi ay may nakita akong limang armadong mga lalaki na may dala-dala silang mahahabang baril at tila nagmamadali sila. natatakot ako itay para sa aking mag-ina," sambit ko rito. "Siguro mga tauhan 'yon ni Mang Berting kaya patungo sila sa masukal na kakahuyan na iyan," turan sa akin ng itay ko. "Tiaka wagkang matakot anak, para sa pamilya mo, matagal konang kilala si Mang Berting, tiyak ay di tayo 'yon ipapahamak. "Sino po ba si Mang Berting?" tanong ko sa aking itay. "Si Mang Berting ay isang pinuno ng kilusan na pinaglalaban ang kanilang karapatan, sa oras din ng kagipitan ay siya ay maasahan," sambet ng itay ko. "Sana naman po ay hindi tayo madamay sa pagitan ng kanilang mga away, hindi ko sila mapapatawad lahat, kapag may mangyari sa mag-ina ko," sambit ko. Mayamaya pa ay pinutol na ng itay ko ang aming pag-uusap at niyaya na ako para kumain. "Kumain muna tayo anak bago pa man kung saan mapunta ang ating pag-uusap tiyak ay masarap ang pagkakaluto ng dala kong kalabasa na hinain ng asawa mong si Monica." Magkasabay na kami ni itay nagtungo sa kusina para kumain. Nasayahan naman ako at sinantabi mo na ang aking mga nakita kanina, dahil sa mamasasarap na nakahain sa mesa, na luto ng aking asawa. "Wow, mukhang masarap itong mga niluto mo asawa ko, tiyak ay mapaparami ang kain ko nito," pabirong sabi ko kay Monica. "Sus, ang dami mo pang sinasabi riyan Alex, gutom lang iyan, mabuti pa ay tikman mo na ang mga niluto ko, tiyak ay magugustohan mo talaga," pagmamayabang na sabi ng asawa ko. "Okay sige matikman nga, pagtikim ko pa lang ng sabaw ng ulam na nasa aking harapan ay bigla akong napasigaw, wow ang sarap, sabaw palang ulam na ang sarap mo talaga magluto asawa ko, kaya mahal na mahal kita, eh." "Kahit kailan talaga Alex bulero ka, hindi ka na nagbago kaya nga ako napamahal sa 'yo ng sobra, dahil sa lagi mo kong pinapangiti," sambit ng asawa ko. Napansin ko naman na tumawa ang itay ko, tila ay masaya itong nakikita kami ng mahal kong si Monica na ganito. "Kumain na nga lang kayo dalawa riyan sa ginagawa ninyo ay naalala ko tuloy ang nanay mo Alex, ganiyan din kami ka sweet noong siya ay nabubuhay pa," sambit ni itay. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ng itay ko, kaya nagpatuloy na lang kami ng asawa ko sa pagkain matapos namin kumain ay nagpahinga na ako, habang ang aking asawa ay abala pa rin sa paghuhugas ng pinggan. Yakap-yakap ko ang natutulog kong anak na si Angela, pinagmamasdan ko ang kaniyang mahimbing na pagkakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.7K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.6K
bc

Dangerous Spy

read
322.4K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook